Chapter 7: Surprise

240 4 0
                                    

Gab's POV

"Gabriel, mahal kita!"

"Gabriel, mahal kita!"

"Gabriel, mahal kita!"

"Gabriel, mahal kita!"

Argh.. nakakainis na ha. Kanina pang nagrereplay sa utak ko yang line na yan.

That line from Loraine was about 5 years ago. And still, I can't forget it.

I don't believe in her that time, 'coz I thought na pinagtitripan nya ako katulad ng ginagawa namin na pantitrip sa isa't-isa. Akala ko binabawian nya ako dahil ginugood time ko sya nun.

Lagi nyang sinasabi sa'ken yun. Maniwala daw ako, kahit ang barkada ganun din. And still, hindi ko pa din sya pinaniniwalaan. Ibang klase talaga yun, kababaeng tao ang lakas ng loob mag confess.

Hanggang sa sunduin ako ng lolo ko dito sa Pinas para dun na tumira sa London, hindi pa rin ako naniniwala sa kanya.

Pero nung makarating ako sa London, nanibago ako. Walang Loraine na mang aasar at aasarin ko, walang Loraine na pipingot ng tenga ko. Walang presence nya. Si Loraine, sya lagi nasa isip ko, dun ko narealize na sana naniwala pala ako sa kanya at dun ko din napagtanto na may feelings din ako sa kanya.

Hindi ko naman magawang makipag communicate sa kanila kasi pinagbawalan ako ng magaling kong lolo. Kainis nga yun eh. Bawal gumamit ng cellphone sa pakikipag communicate sa barkada ko sa Pilipinas, basta bawal gumamit ng mga gadgets para makipag communicate sa kanila kasi ayaw daw nya sa mga barkada ko. Kung gagamit man ako ng phone, kelangan may bantay ako, kahit nga sa pagfafacebook ko may bantay eh.

Hindi ko naman masabi sa parents ni Loraine ang nararamdaman ko, kasi kahit papa'no may hiya naman ako, parents nya yun eh. Kahit sa kabarkada naming si Rhein na bestfriend ni Loraine na nasa London dn, ayokong sabihin.

Sobrang tagal kong nag tiis na school at bahay lang ang dapat kong puntahan dun, 5 years. Ang hirap ng buhay ko dun, para akong prisoner. Kasi dapat daw, habang maaga pa malaman ko na ang tungkol sa company namin, kasi ako daw magmamana nun, kung bakit naman kasi nag iisa nya akong apo eh. Wala namang magawa parents ko, dahil sa pamilya namin lolo ko ang batas.

Kaya nga nung naospital si lolo, tuwang tuwa ako. Para akong bagong laya. Para akong bagong baba ng bundok na sabik na sabik gumamit ng gadgets ng wala akong bantay, dun ako nag kachance na makipagcommunicate kay Mac. At yun sinabi ko na uuwi na ako dahil nga nagkasakit si lolo, hindi nya ako mababantayan at matuturuan sa company namin.

Nung makauwi ako, umaasa ako na andun pa rin yung feelings ni Loraine para sa'ken kaya lagi ko syang kinukulit about dun. Pero parang huli na ako, parang wala na talaga. Pero pasalamat pa rin ako kasi hindi nya ako iniiwasan at magkaibigan pa rin kami. Siguro nga nakamove-on na sya.

Hay, nasa huli talaga ang pag sisisi.

"Gab!" nadistract ako sa pag mumuni muni nung tinawag ako ni Dan.

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now