Chapter 11: Boy's Talk

191 3 0
                                    

Gabriel's POV

(Now Playing: Broken by Secondhand Serenade)

'In the moonlight, your face it glows

Like a thousand diamonds I suppose

And your hair flows like the ocean breeze

Not a million fight could make me hate you

You're invincible, yeah, its true

I think your eyes, were I find peace.'

"Oy pre, senti tayo dyan ah." sabi ni Dan with matching hampas pa.

"Hindi naman kelangang manghampas pre. Tsaka hindi ako nagsesenti, soundtrip lang."

"Mga pre, nakita nyo ba ang babes ko?"

"Si Nicks? Hindi ko nakita eh. Ikaw Gab?"

"Kasama ata nina Loraine at Jhen sa canteen. Nagmamatakaw."

"Kala ko ba diet yung tatlong yun?!" Mac

"Sus, para namang magagawa nilang makapag diet, sa takaw ng tatlong yun." Gab

"Grabe naman 'toh. Hindi naman ganun katakaw si Ella." Dan

Ito talagang si Dan. Bakit kaya ayaw pa nitong ligawan si Jhen? Iintrigahin ko nga.

"Dan!" tawag ko.

"Ow?"

"Bakit ayaw mong aminin kay Jhen na mahal mo sya?"

Natigilan si Dan sa natanong ko.

Eh bakit ba? Masama bang magtanong ng ganun?

Naipatong ni Mac ang braso nya sa balikat ko. At napatitig din kay Dan at nag iintay din ng sagot.

"Kelangan ko bang sagutin yan?"

"Depende sayo. Kung ay--" pinutol ko ang sasabihin ni Mac.

"Anong depende yang sinasabi mo Mac? Kelangan nya yang sagutin."

"Easy naman pre." Mac

"Pre! Tagal kong nawala, hanggang ngayon hindi mo pa rin nasasabi."

"Teka nga Gab, bakit ba parang ikaw pa mas atat kesa dito kay Dan, ha?" Mac

"Mac kasi, ako yung nahihirapan para sa kanya eh." sabi ko na parang paiyak na.

"Oh sige, natotorpe ako."

Natigil kami sa diskusyunan namin ni Mac nang marinig ang sinabi Dan.

"NATOTORPE?!" pasigaw naming sabi ni Mac.

"Yan, sige! Ipagsigawan nyo pa. Mga tunay kayong kaibigan." asar na sabi ni Dan.

Natawa na lang kami ni Mac sa sinabi ni Dan.

"Uso huminga. Wag kayong tawa ng tawa dyan. Sapakin ko kaya kayo."

"Titigil na." Mac

"Kasi naman Dan, ikaw natotorpe."

"Ako lang ba? Eh ikaw Gab? Kala mo hindi ko alam ha."

"Bakit ako? Anong meron sa'ken?"

Tss! Oh sige na, ako na indenial. Halata ba? Eh kasi, iba naman yung akin sa kanya. Yung kay Dan may chance eh, ako hindi ko alam. Baka nga wala eh. Hay!

"Bago matapos ang araw natin dito sa school dapat naamin mo na kay Jhen."

"Hah?! Gab naman."

"Dali na kasi."

"Gawin mo na lang pre. Wala kang laban dito kay Gab."

"Anong walang laban? I have my rights pre. Wag nyong abusuhin ang human rights ko."

"Human rights ka dyan. Di uso yan sa'ten."

"Uso yun sa'ken."

"Hanggang kelan mo ba yan itatago?"

Matagal bago umimik si Dan.

"Oh sige na. Sasabihin ko na."

"Yan!" pasigaw kong nasabi.

"Pero may pag asa ba ako?"

"Meron yan, manhid ka kasi." ako

"Ano?" Dan

"Wala!"

"Grabe! Lalaki kayo, pero ang drama nyo." Mac

"Bakit Mac? Di ka ba lalaki?" ako

"Oh, barado ka ngayon." Dan

"Minsan kelangan magpakacorny at magdrama ang lalaki." ako

"Oo na, oo na. Suko na." Mac

"Eh pre, ano sasabihin ko? Tsaka pano ko sasabihin?" Dan

"Sabihin mo yung matagal mo ng gustong sabihin. At yung laman nito. *point sa may chest* Tapos pagbalik nila dito, kausapin mo na agad."

Grabe! Kakastress namang mag advice. Tss.

Maya-maya dumating na ang tatlong Maria. At lumapit sa'men.

"Uy, mukhang may boys' talk ah." Loraine

"Meron nga!" ako

"Psh."

Hahaha. Sarap talagang asarin nito. Napatingin naman ako kay Dan.

Tignan mo 'toh. Sabi ng kausapin si Jhen pagdating. Eh nakatitig lang sya kay Jhen.

"Walang mararating ang titig Daniel Collantes." bulong ko sa kanya sabay tulak.

Lumingon sya sa'ken, at tumango ako na parang sinasabi na 'Dali na. Kaya mo yan.'

"Ella, can I talk to you?" Dan

"Hah. Oo. Ano ba yun?" Jhen

"Dun tayo sa labas." Dan

"Hah?! Eh malapit na magstart yung next subject." hinila ni Dan si Jhen palabas ng classroom.

"Niel! Hey. Wait. What are you doing?" halos pasigaw na sabi ni Jhen.

"Wala naman akong sinabing hilahin nya si Jhen ah." I whispher.

"Ano yun Gabriel? May sinasabi ka ba?" Loraine

"Wala ah."

"Ano bang meron? Magtatime na ah." Nicks

"Day of confession?!" Mac

"Confession? About what?" Loraine

"Loraine. Mamaya mo na lang alamin." ako

Ako kaya, kelan makakapagconfess sayo Kaye Loraine Velez.

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now