Loraine's POV
Tatlong linggo na ang nakakalipas pero simula nung araw na yun, di ko na nakita si Gabriel. Wala na ring tao sa bahay nila. Di ko alam kung anong nangyare sa kanya. Di ko alam kung nasaan na sya. Bakit? Yan yung pinakamalaking tanong ko. BAKIT?
Bakit di sya nagpapakikita sa'ken? Bakit di sya nagpaparamdam? Bakit bigla na lang syang umalis nang hindi nag papaalam? Wala naman akong maalalang nagawan ko sya ng mali para umalis sya. Masaya pa naman kami nung huling gabi kaming magkasama.
(Play the song on the side.)
"Kaye?! Tara na, kakain na tayo ng lunch." tawag ni Jhen.
"Pinsan, lumabas ka na dyan ng kwarto mo." pag aaya din ni Dan.
May lakas pa ba ako para harapin ang araw kung alam kong wala naman sa tabi ko ang taong mahal ko?
"Magkukulong ka na lang ba dyan? Kaye. Please, lumabas ka na dyan. Babatukan kita." - Rhein, napangiti ako ng konti sa sinabi niya kaya lumabas na ako.
"Gusto mo palang takutin muna eh, bago lumabas. Wag ka ngang magemote sa loob." pagsesermon nya sa'ken.
"Takot ko na lang sayo. Lakas mo kayang mambatok." sabi ko while downstairs.
"Buti naman lumabas ka na ng kwarto mo." isang sermon pa galing kay Mac.
"Natakot sa batok ko, pre." - Rhein
"Oh, let's eat na. Complete na tayo." - Nicks
Ang barkada ko, simula nung nangyare lagi na silang nandito. Sinasabayan nila ako sa breakfast, lunch at dinner. Halos dito na din sila nakatira eh. At yun, pakiramdam ko napakapabigat ko sa kanila.
"Guys!"
Napatigil sila sa pagkain at tumingin sa'ken nung tinawag ko sila. At bago pa ako makaimik, bumuhos na ang luha sa mga mata ko.
"Sorry ha, *sobs* s-sorry kung sobra ko *sobs* kayong n-naaabala. S-sorry kung nagiging..... *sobs* kung nagiging pabigat na ako sa inyo. Okay lang sa'ken *sobs* kung p-pabayaan nyo ako kasi alam kong h-hirap na kayong *sobs* inintindihin ako. K-kasalanan ko din naman talaga. *sobs* Sorry. I'm really sorry."
"Ano ka ba naman? Hirap man kami o hindi. Hindi ka namin pababayaan. Hindi ka namin iiwan." - Nicks
"Magkakaibigan tayo, at hindi lang basta magkaibigan. Magkakapatid na din tayo di ba? Kaya sino pa bang magtutulungan? Di ba tayo-tayo na lang din? So, don't say that, sis. Okay?" - Jhen
"Thank you for your understanding." - ako
"Sorry for mentioning this. Wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan. Si Gab lahat ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan. Basta ka na lang nyang iniwan, basta na lang syang umalis ng walang paalam. So don't blame yourself."
Dahil sa sinabing yun ni Rhein, bumuhos na naman ang mga luha ko.
Bakit nga ba sya biglang nawala? Bakit sya umalis? At kung umalis sya, saan sya pupunta? Bakit nya kelangang iwanan ang mga taong mahalaga sa kanya? Bakit nya yun ginawa?
DU LIEST GERADE
Definitely You (COMPLETED)
JugendliteraturMy first WATTPAD Story, published year 2012.