Chapter 5: A New Him??

315 6 0
                                    

Loraine's POV

2 weeks had passed nung umuwi dito si Gabriel. As usual, away dito, away dyan, sigawan dito, sigawan dyan, asaran dito at asaran dyan. Kaya binabawi ko na yung sinabi ko nung isang araw na 'hindi na kami MASYADONG nagbabangayan.'

"Guys!" - Gabriel

"Yes?!" sabay sabay na tanong naming lima kay Gabriel.

"Naks! Chorus talaga?!"

"Ano ba kasi yun?" naiirita kong tanong.

"Loraine, masyadong highblood sa'ken. Ang gusto ko lang sabihin. Ang gwapo ko."

Napabalikwas kami ng upo sa sinabi ni Gabriel.

"Lul! Pre, naririnig mo ba yang sarili mo?" tanong ni Mac.

"Oo naman pre, bakit, inggit ka?"

"'Langya.. mas gwapo naman ako sa'yo."

"Kayo talaga nahihiya pa kayong magsabi eh. Ako pinaka gwapo sa'ting tatlo." depensa naman ni Dan.

Grabe talaga 'tong mga lalaking 'toh, masyadong obsesse sa mga sarili nila eh.

Nasa may field kami ng school nakaupo sa may damuhan, carabao grass naman eh. 3 hours vacant kami eh. May emergency meeting ang teachers.

"Boys! Tanong ko lang. Ramdam nyo lumakas yung hangin, ang lamig?" - Jhen

"Oo Ella, kasi October na. Ber months, you know?!" - Dan

Basag trip si pinsan eh. Binara si Jhen.

Anyways, oo nga pala first Wednesday nga pala ngayon ng October. Ang bilis ng araw. Mayamaya Christmas na. Haha

"Kung October na.. eh di malapit na birthdays nyo Kaye and Gab." - Nicks

"EH?!" sabay naming naitanong ni Gabriel.

"Ay 'EH?!' kayong dalawa dyan." - Mac

"Grabe, hindi nyo man lang alam mga birthdays nyo?!" pailing-iling pang sagot ni pinsan.

October nga pala ang birthday ko at ang masaklap magkasunod kami ng birthday ni Gabriel. Ako October 18, sya October 19. And yeah, mas matanda ako sa kanya kaso mas matangkad sya sa'ken. Geez!

"So Bes and Gab, what's your plans for your birthdays?" - Nicks

"Plans?! Na-ah, I don't have any plans for my birthday this year Bes."

"Hah?! Bakit naman pinsan?"

"Eh hindi naman uuwi sina Mama at Papa eh."

"Psh. Basta ako may plano ako."

Epal talaga 'toh. Nag eemote ako eh. Hmp.

"Ano namang plano mo pre?" Mac asked.

"Ang icelebrate pareho ang birthday namin ni Loraine."

ANO DAW?! Wait! Ayaw mag sink in sa utak ko yung sinabi nya. Wait ha. Wait Lang.

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now