Chapter 10: Textmates

212 3 0
                                    

Loraine's POV

"Kung sineryoso ko kaya yung nararamdaman mo sa akin, may magbabago kaya?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Bakit nga ba nya 'toh tinatanong?

Bumangon sya sa pagkakahiga nya at umupo at nag salita ulit.

"Nevermind that. Tara na, malapit-lapit na ding matapos yung Trigo class."

Tumayo sya at mag uumpisa ng humakbang nung nagsalita ako.

"May magbabago nga ba? It depends to you."

Nilingon nya ako at nakatitig lang kami sa isa't-isa.

"Maybe, if I take it seriously. May magbabago din, hindi na kita maaasar, maaaway, makakausap at hindi na rin siguro tayo ganitong kaclose katulad ngayon."

"Everyone has a second chance. Everyone deserve it. Pwede namang mag move on, di ba? At mag simula ng panibago."

"Ang tanong, kaya mo kayang mag move on?"

"Siguro naman. See, nakamove on naman na ako sa feelings ko sa'yo di ba. Mas okay tayo ngayon."

"Oo nga naman. Tara na, baka kung sa'n pa mapunta ang usapang 'toh."

At naglakad na sya palayo. Sumunod naman na ako.

Yeah, everyone deserve that SECOND CHANCE.

(A/N: Natamaan ako sa sinabi ni Kaye Loraine. 'Everyone has a second chance. Everyone deserve it. Pwede namang mag move on, di ba? At mag simula ng panibago.' ="> ..)

--

"Class, announcement next week is your sem break."

Pagkaannounce na pagkaannounce ni Ms. Mendrano nun, nag sigawan ang mga classmates ko.

"But...." pagpapatuloy ni Miss "I will give you a project."

Kanya-kanyang reactions ang mga kaklase ko after nilang marinig yun. Kitang kita ang lungkot sa mukha nila. Grabe nga naman eh, sem break na nga may project pa. >___<

At yun nga binigay na ni ma'am yung project namin. Well madali lang naman. Gagawa lang naman kami ng essay, 1000 words dapat. ENGLISH! -____-

"Loraine.."

"Ow?!"

"Sungit."

"Sino kayang mas masungit sa atin?"

"Ikaw."

"Ako?! Ikaw kaya."

"Ikaw yun."

"Psh. Ano ba sasabihin mo?"

"Nalimutan ko na eh, sasabihin ko sa'yo mamaya pag naalala ko na." sabay hawak sa batok nya.

Definitely You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora