CHAPTER 66: Never Stangers

95 0 0
                                    

Loraine's POV

"Hello Engineer Gozon, nice meeting you po." bati ko dun sa engineer na katulong namin sa pagconstruct ng resto, "This is Architect Villarosa." introduce ko kay Gabriel.

"Nice meeting you po." - Gabriel

"Villarosa, huh? You are the eldest son of Mr. Gary and Mrs. Karla Villarosa?" he asked.

"Opo." matipid nyang sagot.

Si Engineer Gozon, matagal na syang nagtratrabaho sa Fascinate I think for 10 years. Sya halos ang namamahala at nagplaplano din sa mga itinatayong building ng Fascinate. I think he's in 40's.

"So, Miss Kaye, congratulations for this project. Mukhang sumusunod ka talaga sa steps ng parents mo." he said.

"Thank you po." I said.

"Ikaw ba ang magmamana ng buong Fascinate?"

Buong Fascinate? As in lahat? Stress kaya yun, kung lahat-lahat. Tamad akong magtrabaho.

"Hindi naman po siguro." sagot ko.

Nandito kami ngayon sa Batangas, para tignan yung progress ng pagtatayo ng resto. Sa ngayon, three days na nung simulan 'to kaya medyo may pagbabago na.

"Baka nga ikaw ang magmana ng buong Fascinate." bulong ni Gabriel sa'kin.

"Ako? Mamanahin ko ang buong Fascinate? Okay ka lang? Hindi ko kayang i-manage yun hindi ako katulad ng papa ko na workaholic. Tsaka andyan ka, may part ka ng Fascinate."

"Wala naman akong pakialam sa kung anong ipapamana sa'kin eh. Mas okay nga siguro na wala na lang."

"H'wag ka ngang ganyan, dadating yung time na ibibigay sa'tin yung mana natin. Nag-aassume na ako ngayon pa lang. Eh kanino pa ba naman kasi nila ipapamana ang Fascinate? Di ba sa mga anak?"

"Hindi lang naman ako ang anak ng mommy at ng daddy ko. Gio is there."

"Ang nega mo, bakit ba ayaw mong tanggapin na isa ka din sa magmamanage ng Fascinate?"

"Hindi pa ba obvious? Kaya nga hindi business related course ang kinuha ko kasi ayokong mainvolve sa business world eh."

"Hey! You are already involve. You're having a business with me."

"Except for that."

"And as far as I know, your lolo introduce you to all business tycoons all over the world as his successor. So, what now?"

"Kahit anong pilit ang gawin sa'kin ng lolo ko, hindi ko tatanggapin na maging successor nya."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Kasi ayoko." sabi nya tapos ginulo ang buhok ko at naglakad palayo sa'kin, sinundan ko naman sya.

"Alam mo kakaiba ka, yung iba nga halos magpatayan para lang sa mga mana na yan tapos ikaw walang pakialam."

"Wag mo na lang pakaisipin yan, tsaka mo na lang yan problemahin yang mga mana-mana na yan kapag nandyan na. Kapag ibinigay na nila sa atin."

"I'll help you to adjust naman eh. Tulungan tayo kapag pinamana sa atin ang buong Fascinate."

"Are you sure?" he asked with full emotions.

Napaisip din ako dun. Hindi pa nga pala kami ganung kaayos, at nakikipagfeeling close lang ako ngayon na hindi naman dapat.

"I mean, nandyan din naman si Dan. Mas makakatulong sya at alam kong bibigyan din sya ng part sa Fascinate." dagdag nya, "Hay! Loraine. Wag mo na muna kasi yang isipin. Oh sige, ganito. Kapag dumating yung araw na "ipamanage" sa atin yung buong Fascinate, tatanggapin ko basta, promise one thing."

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now