Chapter 44: Preparations

86 1 0
                                    

Loraine's POV

Dahil hindi nga natuloy yung mga plano namin ni Mama na food tasting dahil sa mga nangyari, ngayon na lang namin itinuloy. At eto nga kami ngayon sa kitchen ng Fascinate, to taste the foods.

And oh! I'm also with these two guys. Yung mga magigiting na "BODYGUARDS" ko! Hulaan nyo kung sino sila?! -__-

Una naming tinikman yung mga appetizer.

"Eto masarap!" sabi ni Christian pagkatikim nung unang appetizer.

"Hindi! Eto ang masarap!" sabi naman ni Rhein at turo dun sa kinain nya.

"Ay! Tita, ito po talaga yung masarap." - Rhein

"Tita Loreen, wag po kayong maniwala kay Rhein, believe me!" - Christian

Actually, 45 minutes na kaming patikim-tikim ng appetizers. Eleven yung nakaserve na appetizers, and out of eleven, six pa lang yung natitikman nitong dalawa. Parang hindi na nga ako ang magdedecide ng iseserve na appetizer sa party eh. Taga-tikim lang din ako nung kung ano yung tinikman nitong dalawa. And mom can't decide kung ano yung pipiliin.

"Umayos kayong dalawa! Seryosohin nyo naman yung pag-pili." sabi ko.

"We are serious!" sabi nila.

At tumikim pa ulit sila ng apat na appetizers and as expected nagtalo na naman sila. -__-

"Ano? May napagkasunduan na ba kayong dalawa? Sampu na yang natitikman nyo." I asked them.

"Mas masarap 'tong isang 'toh!" turo ni Christian dun sa kinagatan nya.

"Hindi kaya! Eto kaya yung mas masarap dyan." pagkontra ni Rhein.

Sana pala hindi ko na lang isinama 'tong dalawa kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. -__-

"Ma, I'm sorry kung naisama ko pa ang dalawang magulong ito." I apologized.

"Hayaan mo lang silang dalawa, nakakatuwa nga silang panoorin." and mama laughed.

Tinikman na nilang dalawa yung natitirang appetizer. Last na yan, kapag hindi pa sila nagkasundo dyan! Nakooo!

Siguro kung kami lang ni Mama dito, siguro nasa tasting na kami ng main course. -.-

"ITOOO!" biglang sigaw nung dalawa.

"Ha? Anong 'ito'?" nakakagulat itong dalawang ito!

"Ito yung pinakamasarap sa lahat!" sabay ulit nilang sinabi at tinuro yung kinain nila.

WAIT?! Totoo ba 'toh? May napagkasunduan na silang dalawa! YEY! Miracle!

"FINALLY! May napili rin kayong dalawa." I said.

"So, nakadepende pala sa pagkakasunduan naming dalawa kung ano yung iseserve sa party?" they asked.

"What do you think? Ngayon nyo lang napansin? Second the motion na nga lang kami ni mama dito." I admit.

"Ah ganun pala! Tita, ito po yung iseserve nyo ha!" they said in chorus, AGAIN.

Definitely You (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora