Loraine's POV
2 days ago ng makabalik na kami sa amin from our 3 days vacation sa Batangas.
Akala ko magbabago na kami ng treatment ni Gabriel sa isa't-isa after nung exchange gift naming dalawa. But, mali.. ganun pa rin kami. Asaran, bangayan at barahan. Mas lumala pa nga eh, pero dahil din dun bumalik ulet yung closeness namin katulad nung dati.
"Oy Kaye, pa'no ba 'toh?" tanong ni Dan habang hawak hawak ang notebook nya.
"Patingin. Ahmmm, pa'no nga ba?"
"Ako nga." sabay hablot nung notebook ni Dan na hawak ko.
"Sus! Loraine hindi mo alam 'toh? Tss. tss."
"Bakit, ikaw alam mo ba?"
"Dan, kay Jhen ka na lang magpaturo. Hindi ko din alam eh."
"Ta'mo Gabriel, sarap mong itapon. Inagaw-agaw mo sa'ken yung notebook nya, hindi mo rin pala alam."
"Ganun talaga pag gwapo ka."
"Tigilan mo nga kakapantasya dyan sa sarili mo."
"Hoy, ano ba kayong dalawa? Nagpapaturo ako ng assignment 'tas mag aaway kayo." pag aawat sa amin ni Dan.
"Eh bakit ka ba kasi nandito ha, Gabriel?" tanong ko.
"Magpapaturo nga din kasi sana ako SA'YO ng assignment sa Trigo. Eh hindi mo rin pala alam."
Kung maka emphasize naman 'tong si Gabriel ng 'sa'yo' wagas eh.
"Eh kayo ngang dalawa lagi ang nagpapataasan sa Trigo tapos di nyo." singit ni Dan.
"Oy hindi naman pinsan, mas matalino naman si Jhen pag dating dun."
"Wala naman akong sinabing matalino kayo. Ang sabi ko lang kayong dalawa lagi nagpapagalingan sa isa't-isa."
Okay, pahiya ako dun. Kasi naman.
"Ay naku Loraine, yung totoo bingi ka o slow lang talaga o assuming?"
"Manahimik ka dyan. Di kita kausap."
"Makaalis na nga dito, mukha ngang wala talaga kayong matuturo sa'ken." sabi ni Dan, pero hindi namin pinansin ni Gabriel. Dahil natititigan kami.
Don't get me wrong guys! Hindi romantic na titig. GLARE! Masanay na kayo sa amin, ganan kami lagi.
--
"Guys, nakita nyo ba yung No. 1 trending worldwide sa twitter kagabi?" tanong ni Nicks.
"Hindi, bakit ano ba trending kagabi?" tanong naming lima kay Nicks.
"Kelangan talaga in chorus?"
"Eh ano ba trending kagabi babes?" - Mac
"Grabe, napaka supportive nyo talagang kaibigan. Si Rhein ang no.1 trending kagabi."
"Si Rhein? Bakit?" interesadong interesado kong tanong.
"Ang dami nyang natanggap na compliments about dun sa pagcocover nya sa isang teen magazine sa London dahil ang gwapo nya dun."
"Really? Aww, hindi pa kasi ako ulit nag iinternet eh. Hindi ko tuloy alam yung news about kay bro. 2 months na din hindi yun tumatawag sa akin." sabi ko in a lower voice.
VOUS LISEZ
Definitely You (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsMy first WATTPAD Story, published year 2012.