Loraine's POV
Goodbye doesn't mean end, sometimes it's just a new beginning.
"You take care of yourself there ha." pag papaalala ni Jhen.
"Kahit mahal ang international calls, tawagan mo lang kami kung may problema ka." sabi naman ni Nicks.
"Baliw ka talaga Nicks." sabi ko.
"Kung may kelangan ka man, just contact us ha." Mac said.
"Basta pinsan wag mong pababayaan sarili mo dun." Dan said.
"Guys! Relax! Dami nyong bilin sa'ken eh. Hindi naman ako mag-isa dun, nandun sina mama at papa, at nandun din si Rhein kaya walang mangyayari sa'ken at hindi ko mapapabayaan ang sarili ko. Don't worry."
Bigla na lang nila akong niyakap.
"Waaaaaaaaaaahhh Bes!" iyak ni Nicks.
"Makaiyak naman Nicks." puna ko.
"KAYE LORAINE!" tawag sa'ken ng isang lalaki, kaya napabitaw sa'ken yung apat.
"Akala ko di ka na dadating eh." sabi ko sa kanya.
"Pwede ba yun? Hindi naman pwedeng umalis ka ng hindi ka nagpapaalam sa'ken." he said.
"Alam mo, sa halos isang buwan tayong araw-araw na magkasama. You've done a lot for me. So, thank you so much for that. I'm very thankful that you're one of my very good friend. Thank you Christian."
"No need to thank me. It's my pleasure to help you. Take care of yourself." he said.
"Yes sir!"
"Lagi mong tatandaan yung mga advices ko."
"Opo. Sige."
"At kung magkita man kayo dun, be brave. Wag kang magpapadala sa lahat ng emosyon na mararamdaman mo."
"I'll do that." after that, I hug him.
"Thank you Christian, thank you. I will miss you."
"Sinabi ko na no need to thank me eh. Pero, dahil makulit ka. You are always welcome and I will miss you too." he said while tapping my back.
"Oh! Tama na yang yakapan na yan." hinila ako ni Dan.
"Makahila naman 'toh. Paano guys, magcheck in na ako ha."
"Eeeehhh! Wait lang sis! I'm not yet ready!" - Jhen
"Arte naman nito." - Dan
"Hmp. Ikaw ba nakapag goodbye ka na ba sa pinsan mo?" - Jhen
"Kagabi pa kami nakapagpaalamanan nya'n. Nakapag dramahan na din kami kagabi." - Dan
"Guys! Babalik naman ako eh. Kaso matatagalan nga lang. Tsaka sabi ko nga sa inyo, uso yung tinatawag na Skype. Oh, one last group hug before I check in?" and we had a group hug.
Konting goodbyes pa tsaka ako nakaalis sa tabi nila. Napaiyak pa nga ako, kasi naman nakakahawa yung iyak nung dalawa, sina Jhen at Nicks. First time to talagang mapapahiwalay sa kanila ng matagal. :(
This will be the new start. This will be my new life. This will be the new beginning.
Dan's POV
"Hay! Wala na yung minsan masungit na minsan serious type na minsan makulit na minsan waley na minsan madaldal na minsan loud na minsan silent type na minsan mapang-asar na babae." malungkot na pagkakasabi ni Ella.
![](https://img.wattpad.com/cover/5736001-288-k839497.jpg)
BINABASA MO ANG
Definitely You (COMPLETED)
Teen FictionMy first WATTPAD Story, published year 2012.