Chapter 2: That Guy

462 10 0
                                    

Loraine's POV

"Let go of my arm."

"Don't wanna. Say sorry first." and I glare at him.

He smirked and said..

"Why would I?! Ikaw yung bumangga sa'ken."

"Ako pa?! Eh ikaw kaya yun, lakas nga ng pagkakasagi mo eh."

"Kung tumitingin ka sana sa dinadaanan mo, sana di mo ako nabangga."

Aish.. >.< , kainis 'tong lalaking 'toh.. Pero parang familiar talaga yung mukha nya. Iihh, stop of thinking of that nga.

"Sis.. let's go na."

"Pinsan, wag mo ng pansinin yan."

Before kami umalis.. I glared at him at ganun din sya. Para talagang nakita ko na sya.

---

Pagkadating namin sa classroom.. nakakunot pa din ang noo ko. Badtrip naman kasi yung lalaking yun eh, aga-aga pinapainit ulo ko. >.<

"Good morning Bes,Jhen and Dan.." bati sa'min nung isa ko pang bestfriend. Iintroduce ko pa ba sya sa inyo?! Wag na badtrip ako eh. Joke. ^___^V

She's Aicia Nicole Suarez.. my super bestfriend. Nicks ang tawag naming mga friends nya at kung sino mang nakakakilala sa kanya. Sya pinaka maingay sa aming tatlo nina Jhen.. haha. Pero wag kayo, kahit maingay yan may boyfriend yan. Speaking of her boyfriend.

"Kaye, an'yare sa mukha mo? Nakabusangot." tanong ng boyfriend ni Nicks. Si Marco Flores.. Mac for short, ang 3 yrs. bf ni Bes, nung 1st yr. kami naging sila. Silang apat ang barkada ko, actually childhood friends kaming apat.. sila may lovelife, ako wala. Echos.. I have no time for that nga di ba?!

"Kasi pre.. may nabangga yang lalaki kanina." sagot ni Dan.

"Excuse me Dan.. hindi ako ang bumangga sa kanya, sya ang bumangga sa'ken." -___-

"Hindi maka get over sa nangyare Bes?!" tanong ni Nicks.

"Naku 'teh.. pa'no yan makakaget over, ang gwapo kaya nung nabangga nya--este bumangga sa kanya." gwapo?! Pinagsasabi ni Jhen. Pwede ba..

"Naku Bes, baka yan maging dahilan ng pagkakaroon ng lovelife mo ha."

Oh my ghad! Lord, pwede ko po bang batukan 'tong mga 'toh.. Pramis, isang beses lang po.. ay dadalwahin ko na po pala para hindi lugi.

-___-

"Magtigil nga kayong dalawa dyan.."

"Teka mga tropa. Speaking of gwapo. May ibabalita ako sa inyo." - Mac

Sandali syang tumigil at nakatingin lang kami sa kanya.

"Ang ibabalita ko sa inyo ay.." 

"Gwapo ako." - Mac

*PAK*

*PAK*

*PAK*

*PAK*

Tig-iisang batok para kay Mac galing sa aming apat.

"Aray, bakit nyo naman ako binatukan?" reklamo nya sa aming apat.

"Ang baliw mo Mac.. seryosong seryoso kami dito, akala namin kung ano na yung balita." - Jhen

"Eh hindi pa naman ako tapos eh.. nag react naman agad kayo. Ang sakit ng mga batok nyo ha."

"Sige pre, bawiin na lang namin yung batok namin sayo." akmang babatukan na ni Dan si Mac.. pero pinigilan na ito ni Nicks.

"Wag na Dan, kawawa na ang babes ko."

"Ano ba kasi yang ibabalita mo Mac?" singit ko sa kanila.

"I'm sure.. matutuwa kayo sa balita ko. Lalo ka na Kaye."

"Ako?! Bakit ako?"

"Kasi guys.. magtatransfer na dito si Gab."

"WHAT?!" napasigaw ako sa balita ni Mac.

O_____O

"Pre, as in Kiel Gabriel?!"

"Oo pre.."

"Si Gab.. After so many long years. Umuwi na sya?!"

"Huy, bes.. an'yare sayo?"

"Sabi sa inyo eh.. matutuwa yan."

"ANONG MATUTUWA?! HINDI MO BA ALAM DAHIL DYAN SA BALITA MONG YANG MAGIGING MAGULO NA NAMAN BUHAY KO! Tsaka.. kalagitnaan na ng school year bakit pinayagan pa yung mag transfer?"

"Huy sis, highblood?!"

"Ano section nya?" tanong ni Nicks.

"Yun ang hindi ko alam. Kadadating lang daw nya last month eh."

Why-oh-why?! Bakit bumalik pa yun? Kala ko nanahimik na yun sa London eh. Ghad. That guy.

Definitely You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon