CHAPTER 70: KL, Ceasefire, FORTEZA Or VILLAROSA?

157 4 0
                                    

Rhein's POV

One week, one week na nung umuwi ako dito sa Philippines. In that one week, iilang oras ko pa lang nakikita at nakakausap Kaye.

Umuwi ako dito para makasama sya, pero sudden change of plans. Hay! -__-

"Dito ka na naman nakatambay! Tsk!" sita sa'kin na Christian nang puntahan nya ako sa VIP room ng bar nya.

"Ano bang pakialam mo? Nagbabayad naman ako dito, pasalamat ka na lang." sabi ko.

"Namemerwisyo ka kasi, kapag napapadami yang inom mo ako pa ang naghahatid sa'yo sa bahay mo."

"Problema ba yun? Eh di wag mo 'kong ihatid, magdadrive ako nang akin pauwi."

"Asa ka boy! Eh di kapag napahamak ka dyan dahil lasing ka lagot ako sa girlfriend mo."

Napatahimik naman ako sa sinabi ni Christian.

"Oh! Wag ka ngang magdrama dyan! Model ka, hindi artista." sabi ni Christian at umupo sa tapat ko.

"Parang ganun na din naman yun ah!"

"'La! Ako'y wag mong daanin sa ganyan."

"Tss! May pakialam pa ba sa'kin ang girlfriend ko. Mali-mali! Girlfriend ko pa nga ba sya kung sakaling malinawan sya sa nararamdaman nya." I said and drunk the beer.

"Hangga't sa'yo sya, sa'yo sya. I know Kaye, hindi nya babaliwalain lahat ng tao sa paligid nya. Tsaka pare, hindi ako magpaparaya kung alam kong susukuan mo sya nang basta lang."

"Engot ka ba? Sa tingin mo susukuan ko si Kaye? Mahal ko yun! Hinding-hindi ko yun susukuan, at dahil mahal ko nga sya I'll do anything, everything she wants. Kung ayaw na nya, di ko sya pipigilan. Mabait ako, hindi lang ikaw ang marunong magparaya ganun din ako."

Inubos ko lang yung natitirang beer na iniinom ko at nagpaalam na kay Christian na uuwi na.

While driving, actually I don't know where I will go, I dialed Kaye's number. And after four rings, she answered.

(Rhein!)

Ugh! I miss this voice. One week lang, but it takes like it's been a long year.

At yung voice nya, yung pagtawag nya sa pangalan ko -- sana nga tama ang iniisip ko -- like she also misses me.

"I love you." I said.

(...)

Wala pa rin syang sagot, hanggang ngayon naguguluhan pa din sya? Hanggang ngayon hindi pa din nya alam ang magiging desisyon nya.

"I will go to your unit, pupuntahan kita."

(Rhein, it's too late. Masyado nang gabi.)

"I just want to see you, I just want to see my girlfriend."

"Si-sige."

(Bye! *toot.toot.toot*)

I drove fast para makarating agad sa kanya.

Loraine's POV

(EARLIER: Bago pumunta si Rhein sa unit ni Kaye)

*Dingdong. Dingdong*

Kadadating ko lang from work, may bisita agad. -__-

Pagbukas ko ng pinto...

"Lola Amanda?"

"Kaye, apo." bumeso sya sa'kin.

"Nabisita po kayo dito."

"Kasi naman, sabi nyo sa'kin ni Gab magdidinner tayong tatlo nung isang araw. Nagluto pa nga ako, kaso hindi naman kayo pumunta na dalawa."

Definitely You (COMPLETED)Where stories live. Discover now