This will be a short chapter. :) But I promise the next chapters will be more exciting. Pagbigyan na muna na natin ang bitter na si Christian. HAHAHA! :D
--
Christian's POV
Pagkaalis ni Kaye, I offered Abby a dinner. Syempre hindi ko na sya dadalhin sa Fascinate's Kitchen, kahit nandito na kami. Sa iba naman, lagi ng dito ang date ng mga bida sa istoryang 'to eh.
"Jollibee?!" sabi nya pagkapark ko ng kotse ko sa tapat ng Jollibee.
"Ayaw mo ba?" I asked.
"Ah, hindi! Okay lang! Di ko lang ine-expect na kumakain ka pala sa mga ganito."
"Why?"
"Kasi "rich kid" di ba?"
"Ano ka ba? Kahit "rich kid" pa, kumakain ako dito. Si Kaye nga, kumakain ng street foods. So, tara na sa loob."
Habang kumakain sa Jollibee, medyo tahimik lang kaming dalawa ni Abby. Nagpapakiramdaman lang kami.
"So, I just want to ask. Bakit sa Fascinte ka nag-apply as the secretary of the daughter of the CEO?" I asked her.
"Job interview ba 'to? Well, kasi hiring tsaka I'm looking for a job since I'm qualified naman, I decided to apply then I got hired by Mr. Daniel si I grabbed the opportunity to work tsaka isang prestigious hotel ang Fascinate." she said.
"Ah, si Dan pala ang nag-hire sa'yo. Pinsan sya ni Kaye at kaibigan ko din. And what's your first impression to Kaye?"
"Honestly, nung hindi ko pa sya nakikita akala ko she's a scary boss. Wala naman kasing nagsabi sa 'kin na magkasing-age lang pala kami. Then yun nakita ko sya at na-meet she's a great girl pala, she's sweet, kind at may conern sa iba."
"Yeah! That's right!"
"Kayo ni Miss Kaye, matagal na ba kayong magkakilala? Matagal na kayong magkaibigan? Gaano kayo kaclose?" tanong nya.
"Ang dami kong tanong ah. I know her since we were kids. Family friend sila. Pero hindi kami ganoong kaclose nung mga bata pa kami. Tapos nung naghighschool kami, I had that strange feeling. May gusto na pala ako sa kanya. I tried to court her pero ayaw nya eh. Medyo nasaktan ako nu'n, so lumipat ako ng school. One year din siguro kaming hindi nagkita hanggang sa nagkaroon ng basketball event sa school nya na dati kong school at kasama ako sa mga varsity na kasali sa basketball."
"Then you try court her?"
"Sana kaso may ibang nanliligaw sa kanya at kalaban ko sya sa basketball at childhood friend sya ni Kaye sobra silang close nung lalaki. And I know, he love that stupid guy so much."
"Who? Yung boyufriend ni Miss Kaye ngayon?"
"No! Iba pa."
"Ang dami nyo namang nagmamahal sa kanya." napangiti na lang ako sa sinabi nyang yun.
"Yun nga, naging sila then something happened that stupid guy left Kaye. She was so devastated that time, ang hirap ilabas ng mga totoong ngiti nyang yun at lagi na lang syang umiiyak. And I was there, I witnessed that all, her cries, her pain. And I was her shoulder to cry on. I was there to comfort here, and dun pa lang kami--"
"Naging kayo na?" pag-iinterrupt ni Abby sa 'kin.
"Hindi! Patapusin mo muna ako." I smiled.
"Sorry! Sige, go!"
"Dun pa lang kami naging sobrang close," tumango-tango naman si Abby, "she went to London to study at para na rin magmove-on sa lahat ng sakit na ginawa nung gagong lalaking yun. Dun sa London, sinundan ko sya, dun din ako nag-aral. Gusto ko kasi talaga syang tulungan na makalimot. Pero mukhang ayaw talaga ng tadhana sa 'min. di yata talaga kami bagay."
"You try to court her again?"
"May karibal padin ako eh. Sinabi ko na lang kay Kaye na I'll show how I really feel na lang for her. She even gave us a chance pa nga para mas iparamdam pa yung pagmamahal namin sa kanya which is by courting her pero ako na rin yung sumuko, ako na rin yung umayaw. I gave up. Kasi alam ko naman na mas sasaya sya sa karibal ko... na bestfriend nya at yun nga naging sila."
"At yun na yung boyfriend ni Miss Kaye ngayon?" tumango naman ako.
Mukhang hindi sya fan ni Rhein o ni Keilah kasi parang hindi nya talaga kilala si Kaye. Hindi siguro nito alam yung issues dati, matagal naman kasi yun eh. Oh well, mas mabuti nga yun.
"At yun dahil nakamove-on na naman sya at nakagraduate na. She reached her goals, umuwi na sya dito sa Plilipinas. You know what's funny, kasi nung nasa London kami syempre sila lang ng boyfriend nya ang kasama ko, tinitiis kong masaktan. Tsaka yung mga pang-aasar ng boyfriend ni Kaye na ang bitter ko daw, idinadaan ko na lang sa biro. Pero kahit ganun, alam kong concern sila sa'kin at tinutulungan padin nila ako na makipag-date, hanggang ngayon yun padin yung goal nilang dalawa sa'kin. Pero wala padin akong girlfriend eh."
"Talaga ba? Ang gwapo mo kaya!"
"Talaga?"
"I'm stating the obvious."
"Thank you for the compliment. At yun nga ang goal nung dalawa ang makapag-date na ako para magka-girlfriend na daw. Kaya umabot sa pagtatayo ng bar as my business and to be my way para makapag-date ngbgirls since madaming babaeng pumupunta dun. Pero wala pa din eh, hindi ko sila type."
"Walang makareach ng standards mo? Walang makahigit kay Miss Kaye?"
"Well, yes! Ganun yun until I met you! Parang angel in disguise yung pag-uwi ni Kaye at naging secretary ka nya. Kasi nung unang bisita ko sa kanya, then bigla kang pumasok sa office nya natigilan ako. And I said to myself tha I like you. Hindi pala sa bar ko makikita yung hinahanap ko, sa office pala."
Natigilan sya sa sinabi kong yun.
"Weh? Ang layo kaya ng agwat namin ni Miss Kaye. Ang perfect nya kaya."
"baliw ka! She's not perfect, well she's perfect in her imprfections. Oo, magkaiba kayo ni Kaye. Meron ka na wala sya. Meron sya na wala ka."
"Like? Yung mamahalin nyang kotse?"
"Not a material thing."
"Then what?"
"I don't know. Basta!"
Napailing naman sya sabay sip sa softdrinks nya.
"May I court you?" I asked.
"Ehem--Ehem... ehem!" nasamid sya.
Nakakasamid ba yung tanong ko?
"Okay ka na?" I asked her.
"Yeah! Wag mo naman akong binibigla sa ganoong tanong mo."
"Nakakabigla ba?" tumango naman sya, "But I'm serious when I asked you that. So, may you give a chance?"
She smiled and said...
"Yes!"
Loraine's POV
While I'm driving home, habang nakatigil ang mga sasakyan sa kalsada, nakita ko sa isang malaking screen sa isang building ang isang commercial. Si Keilah at Gabriel ang nasa commercial, mukhang masaya na nga talaga sya. Well, I'm happy for him. Madalas ko na rin syang makita sa mga commercial hindi lang ngayon yan. Part time job nya yata yun eh.
Ang tagal namang mag-go ng traffic light. -__-
Papa gave me this car nung isang araw para hindi na daw ako mag-taxi, o abalahin si pinsan o si Mac o si Christian para magpahatid pauwi. Marunong na naman daw akong mag-drive at my liscence na din ako.
I looked at the left side at pagtingin ko sa isang kotse sa kabilang kabilang at isa pang kabilang lane, I saw someone familiar na driver nung isang kotse but I can't say who is he. Eh familiar nga lang kasi eh. Di ko naman masyadong makita ang mukha dahil gabi na at ang layo pa nya sa'kin at hindi tinted yung window ng car nya. Dahil lang sa ilaw sa loob ng kotse nya kaya medyo naaaninag ko lang sya.
Nag-go na yung traffic light kaya nag-drive na ulit ako, nag-U turn naman yung kotse na may familiar driver kaya hindi ko na nakita kung sino sya. Sino nga ba sya?
VOUS LISEZ
Definitely You (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsMy first WATTPAD Story, published year 2012.