Gabriel's POV
"P're, anong nakain mo at nag aya kang gumala? At dito pa talaga sa mall ha." Mac
"P're di ko gusto yang ipinahihiwatig mo." tugon ni Gabriel
"Seryoso p're, bakit ka nag yayang gumala?" Dan
"Mga p're naman, manlilibre na nga ako. Nagtatanong pa kayo."
"Nanibago lang talaga p're." Dan
Mga kaibigan ko ah. Sila na nga ang ililibre nagtatanong pa. Minsan na nga lang maglakwatsa eh. Libre ko kasi binigyan ako ng malaking allowance ng Mame at Dade. Once in a lifetime lang ako manlibre eh.
"Mga p're date nating tatlo 'toh kaya mag enjoy na lang tayo." sabi ko
"Yuck, date?! C'mmon Gab." Mac said in a tone na nadidiri.
"Ang arte mo Mac ha."
"Natural na yan dyan Gab eh."
"Okay na ako na maging chaperon nyo ni Dan."
"Anla'hoy Mac." sabi ko
Nagtatalo lang kaming tatlo sa mall habang nag lalakad. Medyo center of attraction na nga kami sa mga taong nakakasalubong namin eh. Dahil sa kanina pa kaming nagtatalo dito at nagpalakadlakad sa mall, nagutom na kami kaya kumain na muna kami sa Shakey's. Sila pumili eh, hanep din naman 'tong mga 'toh eh. Nilubus-lubos ang panlilibre ko eh, daming inorder.
After kumaen. Nanood kami ng action movie. Syempre libre ko na naman ang ticket. After manood ng movie, nagtimezone kami. Basketball lang nilaro namin, nakailang ulet ata kame sa basketball eh lagi kasing tabla yung scores namin. At sa pang walong ulet namen, ako ang nagwagi, ako ang may pinakamataas na score.
Naglalakadlakad muna kami nina Dan at Mac habang umiinom ng Zagu Shake.
"Sabe sa inyo! Ako talaga pinakamagaling sa ating tatlo."
"Wag kang mayabang Gab. Sinwerta ka lang." Dan
"Oo nga, kasi ako talaga pinakamagaling sa atin tatlo." Dan
"Yayabang nyo din talaga eh." Mac
Habang naglalakad may nakasalubong kaming grupo ng mga babae, siguro apat sila.
Girl 1: Ang gwapo nila oh.
Girl 2: Oo nga, at ang hot pa nila.
Girl 3: Yeah, right.
Girl 4: Lalo na yung nasa gitna.
Teka nasa gitna daw?! Ako yun ah, pinag gigitnaan ako nitong dalawa eh. Gwapo ko talaga! Wag ng kumontra. Masyadong halatang nakikinig ako sa usapan nila. Sila eh, pag uusapan na nga lang kami yung rinig ko pa.
Nang madaanan namin sila. Habol ang tingin nila sa'men. And I wink at them. At halata namang kinilig ang mga babaeng yun. Mga babae nga naman. Hayy! Iisa lang namang babae ang pinaka nakakaiba para sa'ken eh, at yun ay si..............
"KAYE LORAINE!" sigaw ni Mac
"PINSAN!" second the motion ni Dan
"Uy!" respond ni Loraine
"Anong ginagawa nya dito?" tanong ko sa sarili ko.
Nilapitan namin si Loraine.
"Anong ginagawa nyo dito?/Anong ginagawa mo dito?" tanong nya, tanong ko din.
"May binili lang/Date kasama sila." sabay ulet naming sinabi.
Halata namang nagulat sya sa sinabi ko na 'date' kasama 'tong dalawang mokong na 'toh.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!! DATE?! HAHAHAHAHAHA. OH MY GOSH!!"
"Eh bakit ba? Minsan ko lang makadate 'tong mga 'toh." paliwanag ko
"Oy! Sila Dan at Gab lang ang may date. Sabit lang ako dito." depensa naman ni Mac.
"You're so defensive Mac. Hahaha." Loraine said
"Sabit ka dyan Mac. Tandaan mo, nilibre din kita." sabi ko kay Mac "De'seryoso Loraine. We're just having fun here." Ako
"Ah. Bakit hindi si Keilah ang kasama mo?" tanong ni Loraine.
"Eh namiss kong gumala kasama 'tong dalawa eh. Tsaka may photoshoot yun. Baket? Selos ka ba? *grin*" pang aasar ko.
"H-hah?! H-hindi ah. B-bakit naman ako magseselos?" she said while stammering.
Grabe makadefense 'toh ah. Haha. Medyo nahahalata eh.
"Talaga lang ha!?"
"Onga eh."
"Weh?!"
"Kulit mo. Ewan ko sa'yo."
"Just kidding."
"Ahem!" Mac and Dan.
"Andyan nga pala kayo. Sensya naman."
"Osige. Gotta go! May binili lang talaga." pagpapaalam ni Loraine
Aalis na dapat si Loraine. Kaso pinigilan ko sya. I grabbed her arms.
"Wait!" I said, nagulat naman sya nung pinigilan ko sya. "Ah, would you like to eat first before you go?"
"Hindi na. Okay lang. Uwi na ako."
"Sige. Bye. Ingat."
"Ge, enjoy kayo sa date nyo. Bye." ^___^
"Wait. Ah, would you like to eat first before you?" Mac
"Hindi na. Okay lang. Uwi na ako." Dan
"Sige. Bye. Ingat." Mac
"Ge, enjoy kayo sa date nyo. Bye." Dan
Pag iimitate sa'men ni Loraine nung dalawa.
"Haha. Nice p're. Galing mong umarte." Mac
"Haha. Ikaw din p're." Dan
*PAK*
*PAK*
"Hahah-- aray ko." chorus na sabi nung dalawa.
Binatukan ko nga. Tatawa pa eh.
"Lul! Tigilan nyo nga yan. Tara nang umuwi." pag aaya ko.
"Uuwi na agad tayo?" tanong ni Mac
"Oo nga naman Gab. Hindi pa tapos date natin." Dan
"Magdate kayong dalawa ni Mac." sabi ko
"If I know. Gusto mo lang makita si Pinsan." pang aasar ni Dan
"Luh! Hindi 'noh. Tara nang umuwi kasi." ako
"Mamaya na kasi." Mac
"Bahala kayo. Uuwi na ako."
Naglakad ako ng mabilis palayo sa kanila.
"Oy! Joke lang. Intayin mo kami." tawag sa'ken ni Dan, then mayamaya nasa tabi ko na sila.
Hay! Mga 'toh talaga. Barkada ko nga 'toh. Having fun with my friends is the best experience. ^~^
YOU ARE READING
Definitely You (COMPLETED)
Teen FictionMy first WATTPAD Story, published year 2012.
