"Saan ba tayo pupunta?"
"Pupunta tayo kung saan tahimik at makakapag-usap tayo ng maayos." seryoso nyang pagkakasabi.
Abnormal na araw nga 'toh. Seryoso sya ngayon eh. Bakit kaya? Nakakapanibago naman 'toh.
Pasimple ko syang tinignan habang nagdadrive sya. Aaminin ko, ang gwapo nga ng lalaking kasama ko ngayon. Matangos na ilong, maputi, singkit, matangkad, perfect structure of body at matalino. Hindi sya ideal man or dream guy, pero malakas talaga ang dating nya.
Nung isang araw lang napagtanto ko na........
Dugdug.Dugdug.
Na bumalik na nga yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung kelan nangyari yun at kung paano. Narealize ko na lang bigla na my feelings for him is back. Pero sa tingin ko naman hindi naman talaga nawala yung nararamdaman ko eh, siguro nagtago lang yun at talagang inintay ng puso ko ang pagbabalik ng taong gusto nito.
Pero pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko kahit alam kong mahirap at imposibleng pigilan ang ganitong sitwasyon. Ayoko na ulit kasing masaktan eh, takot na akong masaktan. Baka kasi mamaya, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at masabi ko na lang sa kanya bigla na mahal ko pa rin sya tapos mareject na naman ako. Ayoko din namang mag assume na kahit konti nung umalis sya dito narealize nya na gusto nya din pala ako. Grabe! Lawak ng pag-aassume ko ah.
Haaayy!! Nakakaantok naman, saan ba kami pupunta? Parang malayo ang pupuntahan namin ah, tsaka hindi ako familiar sa dinadaanan namin.
Grabe ha, ang tagal nitong lalaking 'toh sa ibang bansa akalain mong tanda pa ang daan sa pupuntahan namin ngayon kung saan man yun. Makatulog nga muna. Inaantok talaga ako eh.
(-.-) ZzZzZzZzZzZzZz
-----
*Blink.Blink.Blink.Blink*
"*yawn*" (-O-)
Time check. 5:00 pm. Hapon na pala! Wait!
Tingin sa left side. (--,)
Wala!
Tingin sa labas sa may right side. (,--)
Wala!
Tingin sa likod. (--.--)
Wala rin! O____O
ASAN YUN?!
Teka?! Asan ba ako?
Tingin sa unahan.
(-.-) ----> (*.*)
WOW! Ang ganda naman dito.
I open the door of the car. Tumakbo ako palabas. Ang ganda talaga dito. Parang nasa isang hill kami or something, basta nasa isang mataas na lugar kami then kita yung buong city.
"Ang ganda dito 'noh?!"
Nashock naman ako sa taong nagsalita at biglang sumulpot sa tabi ko.
"Yeah! Maganda nga dito. :) "
And a silence filled the atmosphere.
"Teka, saan ka nga pala galing? Pag gising ko dun sa kotse mo wala ka na eh. Kala ko nga iniwan mo na ako."
What did I just said? Oh my, Kaye Loraine.
"Galing lang ako dyan sa tabi-tabi, nag-gala lang. Tsaka baliw ka ba? Sa tingin mo kaya kitang iwan?"
"Oo kaya, naiwan mo na nga ako dati eh. Pumunta ka sa London." wala sa hwisyo kong sinabi.
Kaye!! Ano bang nangyayari sa'yo? Kung anu-ano na lang words yang binibitawan mo eh. Watch your words nga, kakahiya ka eh.
YOU ARE READING
Definitely You (COMPLETED)
Teen FictionMy first WATTPAD Story, published year 2012.