Mariing umiling-iling si Derek. Hindi siya makapaniwala ng sobra sa mga ipinagtapat ni Aiden sa kanya.
"Wala na akong choice, Bro... kaya pumayag na lang ako na gawin ito," seryosong wika ni Aiden. Magkaharap pa rin silang nakatayo ni Derek at walang pakiealam kung nakahubad siya sa harapan nito at underwear lang ang suot kung saan bumubukol ang natutulog niyang pagkalalaki. "Bukas, kakausapin tayo ng mga magulang natin sa kung ano ang magiging susunod na hakbang," dugtong pa niya sa kanyang sinambit.
"Nasaan ba kasi si Asha?" pagtatanong ni Derek. Nanlulumo ang pakiramdam niya dahil ang inaakala niyang ang minamahal niya nakasama niya sa altar ngunit hindi pala.
Mabagal na umiling-iling si Aiden. Makikita sa kanyang mukha na wala talaga siyang alam.
"Hindi pa namin alam. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang pinaghahahanap."
Madiin na inihilamos ni Derek ang palad niya sa kanyang mukha. Frustrated siya sa mga nangyayari na kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari.
"I-I'm sorry," sincere na paghingi ng paumanhin ni Aiden. Maloko man siya pero alam niya iyong pakiramdam na niloko at masakit iyon sa damdamin.
Napailing-iling ulit ng mariin si Derek. Ilang sandali pa ay diretso nitong tinitigan si Aiden.
"Hindi lang ako... ang mga tao niloko niyo din at pati na rin ang simbahan," madiin na salita ni Derek na nanuot sa kalooban ni Aiden.
Dahan-dahang napayuko si Aiden. Tumango-tango siya. "Alam ko," bulong niya.
Sumagi sa isipan ni Derek ang halik na iginawad niya kay Asha, na si Aiden pala. Marahas at madiin niyang pinunasan ang labi niya na tila gusto na niya itong tanggalin sa kanyang mukha. Nakaramdam siya ng pandidiri lalo na at lalaki ang hinalikan niya.
'Kung pinansin ko lang... kung pinansin ko lang 'yung mga kakaiba kong naramdaman.' Kung pinansin lang ni Derek ang mga kakaibang naramdaman niya no'ng kasal, hindi sana sila humantong sa sitwasyong ito. Pinagsisisihan niya ang hindi pagpansin sa mga kakaibang naramdaman niya.
Ilang sandali pa ay napailing na lamang ng mabilis si Derek at saka kaagad na tinalikuran si Aiden at naglakad palabas.
Napapikit ng mga mata si Aiden nang marinig niya ang malakas na pagsarado ng pinto na halos ikagiba nito. Huminga siya ng malalim.
"Ano ba itong pinasok mo, Aiden?" ang natanong na lamang niya sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...