CHAPTER 51

151 11 0
                                    

Nasa employees cafeteria si Aiden. Inookupa niyang mag-isa ang isang mahabang upuan na nasa bandang gilid.

Napapangiti si Aiden habang nakatingin sa mga pagkaing dinala para sa kanya ni Derek. Nakapatong ang lunch box na nakabukas sa lamesa na nasa harapan niya. Sa tingin pa lang niya sa mga pagkaing iniluto nito ay masarap na.

Ilang sandali pa ay kinuha ni Aiden ang kutsara at tinidor mula sa loob ng paper bag na nasa kaliwa naman niya at nakapatong sa ibabaw ng lamesa saka nag-umpisa na siyang kumain. Ngayon ay masarap ang kanyang pananghalian kaya naman natutuwa siya.

Abala sa pagkain si Aiden nang makita siya ni Eark. Bitbit nito ang sariling tray na naglalaman ng mga binili nitong pagkain. Napangiti siya saka naglakad papunta sa kinaroroonan ni Aiden.

Pamaya-maya ay napatigil sa pagkain si Aiden at tumingala at tiningnan niya si Eark na nakatayo sa harapan niya at nasa kabilang side ng mesa. Mas lalong ngumiti si Eark na sinuklian na lamang din ng ngiti ni Aiden.

"Pwede ba kong sumabay sa'yo sa pagkain?" tanong ni Eark.

Tumango-tango na lamang si Aiden. Hindi nagtagal ay dahan-dahan na inilapag ni Eark ang tray na bitbit niya sa ibabaw ng lamesa saka umupo sa upuan na nasa kabilang side. Tinanggal niya isa-isa sa tray ang mga plato na naglalaman ng pagkain niya at pinatong ang mga ito sa ibabaw ng lamesa saka niya itinabi sa dulo ang tray.

"Mabuti na lang at nakita kita dito," sabi ni Eark. "Hindi ka ba nalulungkot kasi wala kang kasabay sa pagkain?" tanong pa niya.

Umiling-iling si Aiden. "Hindi naman," sagot niya.

Tumango-tango naman si Eark. Tiningnan niya ang pagkain ni Aiden. "Mukhang masasarap ang dala niya," papuri niya saka ngumiti.

Napangiti si Aiden sa sinabi ni Eark. "Gusto mo ba?" alok niya ng kanyang pagkain sa katrabaho.

Iniling ni Eark ang ulo niya. "Hindi," maayos na pagtanggi niya. "May pagkain naman ako," wika niya pa saka tiningnan ang sarili niyang pagkain.

Tumango-tango na lamang si Aiden.

"'Yung pumuntang lalaki kanina at nagdala sayo ng pagkain, sino siya?" tanong ni Eark.

Napatigil sa tangkang pagsubo ng pagkain si Aiden saka niya tiningnan ulit si Eark. "Siya ba?" tanong ni Aiden. Tumango-tango si Eark. "Siya si Derek," dugtong pa niyang sagot.

"Ahhh..." ang nasabi na lamang ni Eark. Gusto pa sana niyang magtanong pero mas pinili na lang niya na hindi na muna.

Napangiti si Aiden at ganoon din si Eark.

"Sige at kumain na tayo," wika ni Eark.

Tumango na lang ulit si Aiden saka siya muling nagpatuloy sa pagkain at nagsimula namang kumain si Eark habang panaka-nakang sinusulyapan si Aiden.

---

Natapos ang duty ni Aiden sa trabaho at palabas na siya ng mall. Mula sa entrance ay nakita niya si Derek na nakasandal sa matabang poste habang nakapamulsa pa ang mga kamay.

Napangiti si Aiden saka nagmamadaling nilapitan ang kasintahan. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya nang malapitan na niya ito.

Tiningnan ni Derek si Aiden. Umiling-iling siya saka ngumiti. "Hindi naman," sagot niya.

Umalis sa pagkakasandal si Derek sa poste at nagsimula na silang maglakad ni Aiden.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Aiden sa nagtatakang tono.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon