Magkatabing nakatayo sina Aiden at Derek sa bandang gitna ng bahay. Parehas nilang nililibot ng kanilang paningin ang paligid nito ng may ngiti sa kanilang mga labi. Natutuwa sila dahil natapos na nila ang pag-aayos ng mga gamit nila sa bahay na nabili nila kahapon sa Divisoria.
Tiningnan ni Aiden si Derek na tumingin din sa kanya. Ningitian ni Aiden si Derek an sinuklian naman nito.
Ilang sandali pa ay umiwas nang tingin si Aiden kay Derek saka muling nilibot nang tingin ang paligid ng bahay. Umusog naman si Derek palapit kay Aiden saka ito inakbayan sa balikat at muling nilibot ng kanyang tingin ang loob ng bahay. Lumaki naman ang ngiti na nakasilay sa labi ni Aiden.
"Anong gusto mong lutuin kong hapunan?" tanong ni Derek kay Aiden.
"Hmmm... kung ano ang gusto mo," sagot ni Aiden nang hindi tumitingin kay Derek.
"Eh paano ba 'yan? Ikaw ang gusto ko," nangingiting sabi ni Derek saka tiningnan muli si Aiden.
Tiningnan din ni Aiden si Derek na nangingiti ang labi. Mahina siyang tumawa. "So, iluluto mo ako ganun?" pagbibiro niya habang sinasalubong niya ang pagtingin nito sa kanya.
Natawa si Derek. "Hindi. Mas masarap kapag raw," makahulugang sabi nito saka ngumiti ito ng nakakaloko.
Lalong natawa si Aiden sa kalokohan ni Derek. "Ikaw talaga," aniya saka napailing-iling ulo. Muli itong umiwas nang tingin kay Derek.
Napangiti naman lalo si Derek habang nakatingin pa rin kay Aiden. Kitang-kita sa kumikinang na mga mata niya ang pagmamahal at saya dahil kasama niya si Aiden. Sa kabila man ng pagsubok, nananatili pa rin silang matatag at magkasama.
"Tara at tulungan mo akong magluto," pag-aaya ni Derek kay Aiden.
Muling tiningnan ni Aiden si Derek. Napangiti ito saka tumango-tango. "Sure," aniya.
Ningitian ni Derek si Aiden na matamis naman siyang ningitian.
---
Nakaharap sa isang full body mirror si Aiden at sinisipat ang sarili. Suot na niya ang uniporme niya dahil papasok na siya sa trabaho. Nakasuot siya ng polong puti na longsleeve na pinatungan ng vest na kulay dark blue. Dark blue rin ang kulay ng suot niyang pantalon habang black leather shoes naman ang suot niya sa kanyang mga paa.
Naka-brush up ang ayos ng buhok ni Aiden na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Naglagay din siya ng pulbos sa mukha para hindi siya oily. Gustong-gusto niya ang nakikitang ayos ngayon dahil ang gwapo-gwapo niya.
Nakapasok si Aiden bilang salesman sa isang department store. Pang-hapon ang duty niya at nagpapasalamat siya dahil pinagbigyan siya na ganoong ang schedule dahil sinabi niyang nag-aaral pa siya. Bale, sa umaga ang schedule ng online school niya habang sa hapon naman hanggang gabi ang trabaho niya.
Hindi din naging madali para kay Aiden ang mag-apply. Ilang interview din ang pinuntahan niya ngunit hindi siya pinalad hanggang sa swertehin siya at matanggap sa isang mall na isa rin sa inaplayan niya.
"Ang hirap mag-apply, hinahanapan ka ng experience kahit first timer ka tapos kapag kukuha ka ng valid ID ay hihingi sila ng valid ID." Mahinang natawa si Aiden habang tinitingnan pa rin ang sarili sa salamin. "Ibang klase talaga dito sa bansa natin," aniya pa saka napailing na lang siya.
Minimum lang ang sahod pero para kay Aiden ay ayos na 'yon. Isa pa, halos sampung minuto lang ang byahe papunta sa mall kaya hindi masyadong magastos sa pamasahe sa jeep kaya sa tingin naman niya ay makakapag-save siya.
"Hindi na lang ako magiging magastos. Kaya simula ngayon Aiden ay tipid-tipid ka muna, okay?"
Napatingin si Aiden sa pintuan ng kwarto ng makita niya mula sa repleksyon sa salamin ang pagbukas nito at pagpasok ni Derek dito sa loob na ikinangiti ng labi niya.

BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...