CHAPTER 24

270 14 0
                                    

  Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Dahan-dahang idinilat ni Aiden ang kanyang mga mata.

Kisame ang bumungad sa kanyang paningin. Muli siyang napapikit pagkatapos ay dahan-dahan muling idinilat ang mga mata at in-adjust ang paningin sa liwanag ng paligid.

Tumingin si Aiden sa bintana. Napansin niya ang maaliwalas na panahon sa labas. Pamaya-maya ay inalis niya ang tingin sa bintana at tiningnan ang kanyang sarili. Nananatili siyang walang saplot at natuyo na ang katas sa kanyang katawan. Doon niya napagtanto na dito na pala siya nakatulog sa sofa na kanyang inuupuan.

Lumingon si Aiden sa kabilang side ng sofa. Nakita niya si Derek na nakaupo at mahimbing na natutulog habang nakasandal ng mabuti ang likod nito sa sandalan.

Tinitigan ni Aiden ang mukha ni Derek. Kalmado ang mukha nito at animo'y walang dinadalang kung anumang problema. Hindi rin niya maitatanggi na mas gwapo ito kapag natutulog.

Napailing na lang si Aiden. "Nababaliw na talaga ako dahil kung ano-anong papuri ang sinasabi ko kay Derek," bulong niya.

Bumaba ang tingin ni Aiden sa katawan ni Derek. Katulad niya ay wala rin itong suot na damit sa katawan. Natuyo ang katas nito na medyo nangangamoy pa rin sa buong sala. Napansin rin niya ang naninigas nitong kargada. Tayong-tayo at kumikintab pa ang ulo dahil sa natatamaan ng sinag ng araw mula sa labas.

Normal sa lalaki na tigasan tuwing umaga pero normal din bang tigasan ang lalaki sa kapwa niya lalaki? Natawa si Aiden sa sarili niyang tanong at tiningnan ang sariling kargada na naninigas. Napailing-iling na lamang siya saka ito kinambyo.

Umiwas nang tingin si Aiden kay Derek saka dahan-dahan itong tumayo. Pagkatayo nito ay itinaas nito ang mga kamay at tumingkayad saka humikab habang ini-stretch ang mga braso. Para siyang estatwa na nakahubad sa harapan ng campus ng isang unibersidad dito sa Maynila. Ang kaibahan nga lang ay hindi naninigas ang kargada ng estatwa habang naninigas naman ang kay Aiden.

Matapos mag-stretching ng katawan ni Aiden ay isa-isa niyang pinulot ang mga hinubad niyang damit kagabi pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa hagdanan saka umakyat.

Pumasok si Aiden sa kanyang kwarto. Isinara niya ang pintuan saka dumiretso siya sa laundry basket na nakapwesto na sa tabi ng cabinet saka inilagay doon ang mga dala niyang damit.

Tinungo ni Aiden ang twalya at kinuha iyon saka dumiretso sa banyo. Pumasok siya sa loob at sinabit niya sa sampayan ang dala niyang twalya.

Pumunta si Aiden sa shower area. Pinihit niya pabukas ang gripo at hinayaang bumuhos sa kanyang katawan ang may kalamigang tubig.

Pamaya-maya ay isinandal ni Aiden ang dalawang kamay sa pader ng banyo na gawa sa tiles at ipinikit ang kanyang mga mata. Dinadama ang lamig ng tubig na bumubuhos sa kanyang hubad na katawan.

Muling tumakbo sa kanyang isipan ang mga naganap sa pagitan nila ni Derek. Hindi siya makapaniwalang magagawa nila iyon. May halo mang pandidiri siyang nararamdaman ngayon sa kanilang ginawa ngunit mas nangingibabaw iyong sarap. Hanggang ngayon ay ramdam ng palad niya ang kargada nito na hawak niya at ang paghawak nito sa kargada niya habang nagtataas-baba ito.

Natawa si Aiden sa sarili. Ngayon masasabi na niyang abnormal at baliw na siya dahil sa nasarapan siya sa ginawa nila ni Derek. Nagustuhan niya ito na dapat ay hindi.

Isinuklay ni Aiden pataas ang kanyang basa ng buhok. Idinilat ang kanyang mga mata. Pinihit pasara ang gripo saka kinuha ang sabon at sinimulang kuskusin ang katawan gamit iyon. Nilinis niya ang kanyang buong katawan.

---

Humikab si Derek saka idinilat ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa bintana. Napangiti siya dahil sa magandang panahon.

Naalis ang tingin ni Derek sa bintana at nalipat sa kabilang side ng sofa na inuupuan niya. Doon niya napansin na wala na pala si Aiden at iniwan siyang nag-iisa at hubad sa sala. Natawa siya ng mahina.

Naalala ni Derek 'yung nangyari kagabi sa pagitan nila ni Aiden. Hindi niya maitatanggi sa sarili na nasarapan siya sa kanilang ginawa. Bago sa kanyang pakiramdam ang ginawa nila at gusto niya itong maulit.

Nagbuga nang hininga si Derek. Na-realize niya na nababaliw na nga talaga siya at si Aiden ang dahilan nito pero wala naman siyang magawa para mapigilan ang tuluyang pagkabaliw. Siguradong kapag may ginawa siya para pigilan ito, magwawala naman ang kanyang kalooban at mas lalong nanaisin mangyari ang kinababaliwan niya. Kaya naisip niya na hayaan na lamang ang lahat ng nangyayari sa kanya. Bahala na kung saan siya nito dalhin.

Muling ipinikit ni Derek ang mga mata. Nagpahinga pa siya ng kaunti pagkatapos ay muli rin siyang dumilat saka dahan-dahang umayos sa pag-upo at hindi nagtagal ay tumayo na din siya. Pinulot niya isa-isa ang mga damit na hinubad niya kagabi saka humihikab na naglakad patungo sa hagdan. Umakyat siya roon hanggang sa makarating na siya sa kanyang kwarto. Nilapag niya sa mesa ang mga dala niyang damit saka kumuha ng twalya sa cabinet pagkatapos ay pumunta siya sa banyo para maligo.

---

Hindi sana bababa si Aiden dahil sa totoo lang ay nakakaramdam siya nang hiya kay Derek dahil sa nangyari sa kanila. Baka maabutan niya ito sa kusina kung saan doon ang sadya niya pero wala naman siyang magagawa dahil uhaw na uhaw na siya at gusto na ng lalamunan niya ang tubig.

Nasa kusina nga si Derek. Napatingin si Aiden sa kanya at sumunod ay sa mga nakahain na pagkain sa mesa na siyang niluto ni Derek.

Napalingon si Derek sa kinaroroonan ni Aiden na nanatiling nakatayo sa bukana ng kusina. Ningitian niya ito. "Tara na at kumain ka muna," pag-aaya niya kay Aiden.

Hindi naman sumagot si Aiden at nanatili lamang siyang nakatingin kay Derek. Nagkibit-balikat si Derek saka naupo na sa upuan nito.

"Hindi ka mabubusog sa pagtayo mo lang diyan kaya halika na," pag-aaya ulit ni Derek nang hindi tinitingnan si Aiden.

Bukod sa uhaw ay nakaramdam din ng gutom si Aiden dahil sa mga nakikita niyang pagkain. Ayaw man niyang kasabay si Derek sa pagkain pero wala naman siyang magawa kundi ang lumapit sa lamesa at maupo sa upuan nito. Magkaharap na ngayon na nakaupo sa hapag-kainan sina Aiden at Derek.

Tiningnan ni Derek si Aiden. "Kumain ka ng marami. Napapansin kong namamayat ka," sabi nito. "Ano bang ginagawa mo no'ng mga panahong lagi kang wala dito sa bahay?" tanong pa nito.

Tiningnan naman ni Aiden ang sarili. Para sa kanya ay okay naman ang kanyang katawan. Huminga na lang siya ng malalim saka hindi na sinagot ang mga sinabi ni Derek sa kanya at nagsandok na lamang siya ng pagkain at isa-isa itong inilagay sa plato niya. Sinulyapan naman ni Derek si Aiden. Napangiti na lamang siya.

Katahimikan ang bumabalot sa buong kusina habang kumakain sila. Tanging ang tunog lamang ng kubyertos na tumatama sa babasaging plato ang maririnig.

Pamaya-maya ay tiningnan ulit ni Derek si Aiden. "Gusto mo bang magbakasyon tayo?" tanong niya sa binata.

Napatigil sa pagkain si Aiden saka tinapunan ng tingin si Derek. "Bakasyon?" nagtatakang tanong niya.

Tumango-tango si Derek saka ngumiti. "Magbakasyon tayo," pag-aaya niya.

"Pero may online class pa ako," sabi ni Aiden. Gusto rin niya na magbakasyon para ma-relax man lang. "At alam kong ikaw rin," dugtong pa niya.

"Eh di mag-absent ka muna. Ilang araw lang naman," suggestion ni Derek. "Ganun din ang gagawin ko, aabsent na muna ako," sabi pa nito.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Aiden.

Hindi sumagot si Derek sa halip ay ngumiti lamang ito saka nagpatuloy sa pagkain. Natutuwa siya dahil naging interesado rin si Aiden na magbakasyon. Nanatili namang nakatingin si Aiden kay Derek at naghihintay ng sagot niya.

Ilang sandali pa ay napangiti na lang ng tipid si Aiden at umiwas na ng tingin kay Derek nang mapagtanto niyang hindi ito sasagot. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain.

Muli namang tiningnan ni Derek si Aiden. Kumurba ulit ng magandang ngiti ang kanyang labi. 

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon