CHAPTER 4

446 21 0
                                    

Nililibot nang tingin ni Aiden ang loob ng bahay kung saan kasama din niya si Derek. Dito sila hinatid ng driver matapos ang lagpas tatlong oras na biyahe. Ito ang magiging tirahan nila sa Maynila.

Isa itong two-storey house na matatagpuan sa loob ng isang magandang subdivision. May malawak na garden sa harapan, may garahe at may swimming pool naman na matatagpuan sa likod.

Malawak ang bahay at kumpleto sa gamit. Sinabi sa kanya ng kanyang mama na wala na silang proproblemahin sa pagtira dito bukod pa sa ipapadalang pera sa kanya buwan-buwan at marahil ay ganu'n din kay Derek dahil siguradong hindi ito papabayaan ng magulang.

Tiningnan ni Aiden kay Derek. Nakaupo ito sa sofa at tulalang nakatingin sa naka-off na telebisyon na nasa harapan. Wala itong pinapanuod at nakatingin lamang doon. Hindi niya mapigilang maawa dito. Kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot na nararamdaman.

Napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Aiden. Iniwas niya ang tingin kay Derek saka nagpunta siya sa kusina. Uminom siya ng tubig pagkatapos ay tiningnan rin niya kung ano ang laman ng refrigerator. Halos mapuno ito ng pagkain at may mga alak pa.

Sinara ni Aiden ang pinto ng refrigerator saka lumabas ng kusina. Muli niyang tiningnan si Derek at ganoon pa rin ito nang abutan niya.

Mabagal na napailing-iling na lamang si Aiden saka umakyat sa ikalawang palapag. Pumunta siya sa kanyang kwarto kung saan nakaayos na rin doon ang mga gamit niya. Katapat ng kwarto niya ang magiging kwarto ni Derek. May isa pang kwarto para naman sa mga guest.

Malaki ang kwarto ni Aiden. Sky blue at puti ang kulay ng mga pader. Malaki ang kama at may sariling banyo din ang kwarto.

Natigil si Aiden sa paglilibot sa buong kwarto niya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha niya iyon at nakita niya sa screen na tumatawag ang kanyang ina. Sinagot niya iyon.

"Hello, Ma."

"Kumusta? Nakarating ba kayo diyan ng maayos?" tanong ng ina ni Aiden.

Tumango-tango si Aiden. "Oho," sagot niya.

"Mabuti naman kung ganun," wika ni Esmeralda. Bumuntong-hininga ito. "Oo nga pala, magpapadala ako diyan ng magiging katulong niyo para hindi rin kayo masyadong mahirapan," dugtong pa niya.

"Kayong bahala," sagot lamang ni Aiden.

Nagbuga nang hininga si Esmeralda sa kabilang linya.

"Pasensya ka na, Anak."

Hindi sumagot si Aiden sa sinabi ng ina. Hindi na lamang siya nagsalita dahil wala din naman iyong magagawa.

"Huwag kang mag-alala, maaayos din ang lahat. Basta ingatan mo na lang ang sarili mo diyan. Tingnan-tingnan mo na rin si Derek dahil baka kung ano pa ang gawin niyan. Huwag mo ring pababayaan ang pag-aaral mo."

Marahang napatango-tango na lamang si Aiden sa sinabi ng ina.

"Sige anak, bye na. Madalas kitang tatawagan para kumustahin, okay?" pagpapaalam ni Esmeralda. Hindi naman na sumagot si Aiden sa kanya.

Ibinaba na ni Aiden ang tawag. Malalim na napabuntong-hininga siya.

Tiningnan ni Aiden ang kama pagkatapos ay nilapitan ito saka sumalampak nang higa patihaya. Kahit papaano ay na-relax ang pakiramdam niya dahil sa lambot nito. Pamaya-maya ay dinalaw siya ng antok hanggang sa makatulog siya.

---

Gabi na nang magising si Aiden. Nag-inat-inat ito ng katawan saka kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Tiningnan ng mga naniningkit niya pang mga mata ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader. Maga-alas otso na ng gabi.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon