CHAPTER 26

256 12 0
                                    

Nasa loob ng isang bahay kubo sila Aiden at Derek. Isa ito sa mga bahay dito sa lugar na ito na hindi tinitirhan.

Nililibot ng tingin ni Aiden ang loob ng bahay. Simple lang ang itsura ng bahay na mayroong isang palapag. May mangilan-ngilang gamit na gawa rin sa kawayan gaya ng mga upuan, mesa at kama. Walang kwarto at ang banyo ay nasa likuran ng bahay kaya kitang-kita ito ni Aiden ng buo.

Nasa kusina naman si Derek at umiinom ng tubig. Matapos nitong uminom ay tiningnan nito si Aiden. Sumilay ang ngiti sa labi niya.

Inilapag ni Derek sa kitchen sink ang ginamit niyang baso at nilapitan si Aiden. Napatingin naman si Aiden kay Derek. Kumunot ang noo nito.

"Bakit ka ganyan makatingin?" nagtatakang tanong ni Aiden kay Derek.

Hindi sumagot si Derek. Napangiti lamang ito. Umismid na lamang si Aiden saka umiwas nang tingin kay Derek.

"Matibay ba itong bahay kubo na ito?" tanong ni Aiden. "Hindi ba ito kaagad masisira kung sakaling may malakas na bagyong dumating dito?" dugtong pa nito.

"Huwag kang mag-alala dahil matitibay ang mga bahay rito. Ilang malalakas na bagyo na ang dumaan sa lugar na ito pero nananatiling nakatayo ang mga ito," may pagmamalaki na sagot ni Derek.

Tumango-tango si Aiden. "Bakit hindi niyo gawing private resort ito? Sayang naman kung hindi napagkakakitaan," aniya na nililibot ulit ng tingin ang loob ng bahay.

"Request ko na rin kay Mama at Papa na huwag na nilang pakiealaman ang property na ito dahil gusto kong mapreserba ang kagandahan nito. Kagaya ng tao, gusto kong mapanatili ang kainosentehan nito," sagot ni Derek.

Muling tiningnan ni Aiden si Derek na ningitian naman siya. Umiwas ito nang tingin kay Aiden at naglakad papunta sa bintana. Tiningnan nito ang magandang view sa labas.

"Regalo nila sa akin ito noong nag-eighteen ako," ani Derek.

Napatango-tango naman si Aiden. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila.

Naalis ang tingin ni Derek sa labas at muling tiningnan si Aiden. Nakita niyang hawak nito ang cellphone.

"Mahina pala signal dito."

Napangiti ng tipid si Derek sa narinig mula kay Aiden. Nakita niya pa ang pag iling-iling ng ulo nito.

"Oo nga pala, ikaw na ang matulog mamaya sa kama at ako na dito sa sofa," saad ni Derek na ikinatingin sa kanya ni Aiden.

"Sigurado ka?" tanong ni Aiden. Tiningnan nito ang sofa. Mahaba iyon pero hindi ganoon kataba at gawa pa sa kawayan. Walang foam kaya hindi siguradong malambot kapag hinigaan.

Gawa din sa kawayan ang kama at walang foam pero sa tingin ni Aiden ay makakatulog pa rin siya ng komportable dahil malaki naman iyon kaya kasyang-kasya siya.

"Oo. O kung gusto mo ay magkatabi tayong matulog mamaya," sabi ni Derek na ikinatingin muli ni Aiden sa kanya.

Nakita ni Aiden ang pagngiti ng nakakaloko ni Derek. Napailing-iling na lamang siya saka umiwas nang tingin mula kay Derek.

"Pilyo," bulong ni Aiden. Napangiti na lang siya.

---

Naisipan ni Aiden na maglakad-lakad na muna sa labas. Ramdam ng paa niyang walang suot na tsinelas ang pagkapino ng puting buhangin na kaysarap sa pakiramdam sa paa.

Mag-isa lamang si Aiden dahil abala si Derek sa pagluluto. May mga dala naman silang pagkain kabilang na ang mga processed foods kaya hindi na nila kailangan pang mamingwit ng isda sa dagat para may makain.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon