CHAPTER 36

361 10 0
                                    

Dahan-dahang idinilat ni Aiden ang kanyang mga mata. Naramdaman pa niya ang lalong pagyakap ni Derek sa kanyang katawan. Sumalubong sa kanyang paningin ang maamong mukha ni Derek na nakaharap sa kanya habang mahimbing pa rin ang tulog nito. Kumurba ng magandang ngiti ang labi niya. Umagang-umaga pero masayang-masaya ang pakiramdam niya dahil katabi niya sa ibabaw ng kama si Derek.

Naalala ni Aiden ang nangyari sa kanila ni Derek kagabi. Hindi niya maikakaila ang sarap na hatid ng kanilang pag-iisa. Sa buong buhay niya, ngayon lamang niya naranasan na paligayahin ng isang lalaki at magpaligaya ng kanyang kapwa at hindi niya maitatanggi na iyon ang pinakamasarap na sandali para sa kanya. Wala siyang nararamdamang pandidiri sa kanilang ginawa.

"Nagtatago lang ba sa loob ko ang pagkagusto na maranasan din sa lalaki ang naranasan ko sa piling ng mga babae kaya hindi ako nakakaramdam ng pandidiri ngayon sa ginawa namin, o sadyang gustong-gusto ko lang ang lalaking ito kaya gusto ko rin ang nangyari sa'ming dalawa?" bulong na tanong ni Aiden habang nakatitig sa mukha ni Derek. Muli siyang napangiti. "I think, dahil tanggap ko na ang sitwasyon na tuluyang bumago sa'kin kaya gusto ko na 'to. Ayaw ko man noong una ngunit ngayon, masaya na ko na hinayaan ko lang ang aking sarili na sumunod sa agos at hindi ko na iniisip kung saan man ako dadalhin nito," aniya pa.

Wala pa ring saplot sa katawan si Aiden at ganoon din si Derek. Nakabalot hanggang sa kanilang tiyan ang makapal na kumot na kulay puti. Hindi na sila nag-abala pang magbihis pagkatapos nilang maligo ng sabay kagabi sa banyo.

Ilang sandali pa ay itinaas ni Aiden ang kanang kamay niya at marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Derek. Naramdaman ng kanyang palad ang kakinisan nito. Mahina pang natatawa si Aiden dahil nakikita niya ang pangungunot ng noo ni Derek at paglukot ng ilong nito senyales na nakikiliti ito sa kanyang ginagawang paghaplos ng kanyang kaliwang kamay sa kanang pisngi nito.

Hindi akalain ni Aiden na ang mukhang hinahaplos niya ang siyang magiging imahe ng taong una niyang mamahalin sa buong-buhay niya. Sa kabila man ng pagiging mapaglaro niya sa mga babae, hindi niya inakala na sa lalaki na gaya ni Derek siya babagsak at iibig.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Aiden. "Marami talagang surprise ang buhay," bulong niya.

Nakita ni Aiden ang dahan-dahang pagbuka ng mga mata ni Derek. Sa naniningkit na paningin nito ay tiningnan siya. Nagtagpo ang kanilang mga mata na parehas na kuminang pa.

Napangiti ang labi ni Derek ng kanyang masilayan ang mukha ni Aiden. Muli din siyang pumikit saka hinawakan ang pulsuhan ni Aiden at ginabayan ang paghaplos nito sa kanyang pisngi. Gusto niya ang ginagawa nitong marahang paghaplos sa kanyang pisngi.

Idinilat ulit ni Derek ang kanyang mga mata. Tinitigan niya si Aiden. Inilayo niya ang kamay nito sa kanyang mukha pagkatapos ay hinalikan nito ang pulsuhan ni Aiden.

Napangiti naman lalo si Aiden sa ginawa ni Derek. Sa loob-loob niya ay kinilig din siya sa pagiging sweet nito.

"Good morning, babe," malambing na pagbati ni Derek using his bedroom voice.

"Good morning," nangingiting balik ni Aiden na pagbati rink ay Derek.

Muling hinalikan ni Derek ang pulsuhan ni Aiden at ipinikit ang mga mata nito. Matagal na nakadampi ang labi nito sa bahaging iyon ni Aiden.

Pamaya-maya ay umusog si Derek palapit lalo kay Aiden. Mas lalong nagdikit ang kanilang mga katawan na nasa ilalim ng kumot at ang kanilang mga sandata ay unti-unting tumitigas na naman at tila naghahanda sa napipintong digmaan.

Dumilat nag mga mata ni Derek. Sinalubong naman ni Aiden ang titig ni Derek. Pamaya-maya ay dahan-dahang kumadyot ang ibabang bahagi ng katawan ni Derek, binubunggo ang naninigas na niyang sandata sa nakatayo at naninigas na alaga ni Aiden.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon