Nakasakay sa umaandar na bus sina Aiden at Derek. Paluwas na sila ng Maynila pagkatapos ng lagpas isang linggo nilang pananatili sa isla. Nasa dulo ang pwesto nila at magkatabi silang nakaupo. Nakatingin si Aiden sa labas ng bintana dahil siya ang malapit dito habang nakatingin naman si Derek kay Aiden.
Nakasilay ang magandang ngiti sa labi ni Derek. Gustong-gusto talaga niya na pinagmamasdan ang mukha ni Aiden. Pakiramdam niya ay hulog na hulog na siya sa taong ito at hindi na niya alam kung makakaahon pa ba siya. Napangiti siya, 'Hindi ko rin naman gustong umahon sa pagkahulog sa kanya,' sa isip-isip niya.
Pinagmamasdan naman ni Aiden ang paligid sa labas. Napapangiti siya. Hindi niya maikakaila na mami-miss niya ang isla na pinuntahan nila ni Derek dahil maraming memories ang nabuo doon.
Bumaba ang tingin ni Derek at tiningnan ang kanang kamay ni Aiden na nakapatong sa hita nito. Mas lalong siyang napangiti sa naisip niya.
Pamaya-maya ay bahagya na lamang nagulat si Aiden dahil bigla niyang naramdaman ang paghawak sa kanyang kamay. Naalis ang tingin niya sa labas ng bintana at tiningnan si Derek kasunod ay ang pagbaba niya nang tingin papunta naman sa magkahawak na nilang kamay. Pinisil ni Derek ang kamay ni Aiden.
"Uy! Nasa bus tayo," bulong ni Aiden kay Derek. "Baka may makakita," aniya pa. Tiningnan pa niya ang paligid ng bus. Karamihan sa mga pasahero ay nakatutok sa screen ng kanilang mga hawak na cellphone habang ang iba ay natutulog.
Bumalik ang tingin ni Aiden kay Derek na hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Kita niya ang saya sa mga mata nito at abot-tengang ngiti. Nakagat ni Aiden ang ibabang labi niya para mapigilan ang lalong pagngiti.
"Gusto kong hawakan ang kamay mo," ani Derek.
Kumunot ang noo at nagsalubong ang makapal na kilay ni Aiden. "Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
Tiningnan ni Derek ang magkahawak nilang kamay ni Aiden. Hindi naaalis ang abot-tenga ngiti sa labi. Isa-isa niya pang pinasok sa pagitan ng mga daliri ni Aiden ang mga daliri niya at hinigpitan ang paghawak dito.
"Gusto ko kasing maramdaman kita palagi," sincere na sagot ni Derek saka muling bumalik sa mukha ni Aiden ang tingin niya. Ningitian niya ito. "Gusto kong maramdaman palagi na nandyan ka," aniya pa.
Hindi na napigilan ni Aiden ang pagngiti nang matamis. Hindi niya maikakaila na kinikilig siya. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya kinilig ng ganito katindi at si Derek pa ang nakagawa nito sa kanya.
"Okay," nangingiting sabi ni Aiden. "Pero kapag nasa public places tayo, bawal 'to ah," dugtong pa niya.
Kumunot naman ang noo ni Derek at nagsalubong ang makapal na kilay niya. "Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
"Kasi maraming makakakita," sagot ni Aiden.
"So?" tanong ni Derek na salubong pa rin ang mga kilay.
Ningitian ng maliit ni Aiden si Derek. "Ayoko lang makarinig ng panghuhusga ng iba. Parehas naman nating alam na sa lipunang ginagalawan natin, hindi pa lubusang tanggap ang ganito," sabi niya. "Ayoko lang na masira palagi ang mood natin sa tuwing may titingin sa'tin na parang tayo na ang pinakamasamang tao na nandito sa mundo," aniya pa.
"So iniisip mo ang sasabihin ng iba?" tanong ni Derek habang titig na titig siya kay Aiden.
Tumango-tango si Aiden. "Hindi ko naman maiiwasan iyon," pag-amin niya
"Ayaw mo bang ipagmalaki na may gwapo kang boyfriend?" tanong ni Derek saka nagpa-cute pa.
"Boyfriend?" tanong ni Aiden sa nagtatakang tono.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...