CHAPTER 52

147 11 0
                                    

Nasa kusina sina Aiden at Derek. Magkaharap silang nakaupo sa mga upuan na nakapwesto sa magkabilang side ng lamesa at tahimik na pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain.

Nagsusulyapan ang mag-syota tapos ngingiti sa isa't-isa. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang kaligayahan sa bawat paglipas ng mga segundo na magkasama sila.

Sandaling tumigil sa pagkain si Derek. "Para kang bata kumain," nangingiting sabi niya kay Aiden.

Kumunot naman ang noo ni Aiden. "Ha?" nagtatakang tanong niya habang salubong ang makapal na kilay.

"'Yung sauce ng adobo, nagkalat sa gilid ng labi mo," saad ni Derek.

"Ha? Saan?" gulat na tanong ni Aiden at kinapa-kapa niya ang gilid ng kanyang labi. "Dito ba?" tinuro niya ang kaliwang gilid ng kanyang labi.

Napangiti si Derek at sa halip na sagutin ang tanong sa kanya ni Aiden ay bahagya itong tumayo mula sa kinauupuan at dumukwang sa lamesa, inabot ng kaliwang kamay niya ang mukha ni Aiden at gamit ang hinlalaking daliri ay tinanggal nito ang adobo sauce sa kanang gilid ng labi nito. Nasalat pa ng hinlalaking daliri niya ang malambot na labi ng kasintahan na nagulat naman sa ginawa niya.

Mas lalong ngumiti si Derek saka muli na itong naupo sa upuan. Tiningnan niya ang kanyang hinlalaking daliri na pinampunas niya ng sauce. Pamaya-maya ay isinubo niya iyon na ikinalaki ng mga mata ni Aiden.

"Hoy!" pasigaw na saway ni Aiden kay Derek.

"Ang sarap," wika ni Derek saka ngumiti ng nakakaloko.

Natawa si Aiden saka umiling-iling.

"May isasarap pa pala iyong adobo," pagbibiro pa ni Derek.

"Baka 'yung labi ko ang masarap," pagsakay ni Aiden sa biro ni Derek.

Tumawa naman si Derek. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng nobyo na ikinangiti naman ng malaki ni Aiden.

"Oo nga pala, sa fifteen ay sahod ko na," natutuwang sabi ni Aiden. "Ako ng bahala magbayad sa kuryente saka sa tuition fees ko. Gusto ko nga sana bayaran ko lahat ang kaso sa tingin ko ay hindi sasapat pa 'yung sahod ko sa lahat ng gastusin dito sa bahay," dugtong pa niya.

"Itago mo na lang 'yung sweldo mo," saad ni Derek. "Sinabi ko naman na ako ng bahala sa'yo, 'di ba?" dugtong pa niya.

Iniling ni Aiden ang kanyang ulo. "Hindi pwede 'yon," sabi niya.

Tumaas ang pares ng kilay ni Derek. "At bakit hindi naman pwede?" tanong niya sa nagtatakang tono.

Ningitian ni Aiden si Derek. "Gusto kong may maiambag kahit papaano dito sa bahay," sabi niya. "Gusto kong tumulong kaya hayaan mo sana ako," aniya pa.

Hindi nagsalita si Derek. Mataman lang niyang tinitingnan si Aiden na sinasalubong naman ang pagtingin niya.

"Kaya nga ako nagtrabaho para makatulong," ngumingiting sabi ni Aiden. "Hindi ko rin rin gusto na iasa sayo ang lahat," dugtong pa niya. "Magtulungan tayo, okay?" tanong pa niya habang nangungumbinsi ang tingin niya kay Derek.

Napatango-tango na lamang si Derek. Hindi na lamang siya makikipagtalo pa. "Ikaw ang bahala," wika niya.

Muling ningitian ni Aiden si Derek. "Kapag dumating 'yung bill sa kuryente ay ibigay mo sa akin. 'Yung sa tuition ko, ibibigay ko na lang 'yung pambayad at ikaw ng bahala na magbayad sa school," aniya pa.

Ningitian ni Derek si Aiden saka tinango muli ang kanyang ulo. Muli namang ningitian ni Aiden ang gwapong nobyo.

"Ang saya ko lang kasi ngayong nakakapagtrabaho na ako, kumikita na ako ng sarili kong pera at nakakapagbayad ako ng mga dapat bayaran. Ganito pala 'yung pakiramdam na napupunta sa maganda 'yung pinaghirapan ko," sabi ni Aiden. Makikita sa kanyang mga mata at mukha ang tuwa sa mga nagagawa niya lately.

Napangiti naman si Derek. "Huwag kang mag-alala, kapag mag-asawa na tayo, hindi ka na mahihirapan. Hinding-hindi mo kakailanganin magtrabaho," sabi niya saka kinindatan niya si Aiden.

Ngumiti si Aiden. "Ikaw talaga-"

"Ibang trabaho ang gagawin mo, 'yung ikaw at ako lang ang nakakaalam," nakakalokong dugtong kaagad ni Derek saka ngumiti pa ng nakakaloko.

Humagalpak sa pagtawa si Aiden. Nakuha niya kaagad ang ibig sabihin ni Derek. "Sira ka!" sigaw niya kay Derek sa gitna ng kanyang pagtawa.

Natawa na lamang din si Derek sa sinabi niya.

"Kumain na nga tayo at baka kung saan pa mapunta 'tong usapan natin," ani Aiden na tumatawa pa rin.

"Bakit? Hindi mo ba gustong mapunta sa kung saan itong usapan natin?" makahulugang tanong ni Derek na tinaas-baba pa ang dalawang kilay habang inaakit niya ng kanyang tingin si Aiden.

Muli na lang tumawa si Aiden. "Loko-loko!" natatawang litanya niya pa na muling ikinatawa na lang din ni Derek.

---

Kinabukasan ay mag-isa muli si Derek sa bahay dahil pumasok na si Aiden sa trabaho. Kasalukuyan siyang naglilinis ng bahay.

Mainit ang panahon kaya naman walang suot na pang-itaas na damit si Derek. Tagaktak ang pawis niya mula sa noo at namamawis din ang kanyang dibdib, magkabilang balikat, abs at mga braso. Nangingintab iyon kaya naman litaw na litaw ang bawat hulma at detalye ng kanyang katawan.

Tumigil sandali sa pagwawalis si Derek. Nilapitan niya ang lamesa at kinuha doon ang tumbler na naglalaman ng tubig saka siya uminom. Huminga siya ng malalim saka ibinalik sa pagkakapatong sa mesa ang tumbler.

Muling nagpatuloy sa pagwawalis si Derek. Lahat ng sulok ng bahay ay nililinisan niya. Ayaw na rin niyang magkikilos pa si Aiden dito sa bahay lalo na kapag day-off nito dahil alam niyang nahihirapan din ito sa pagtatrabaho at gusto niya ay magpahinga lamang ito sa araw na iyon at maglambingan silang dalawa.

Patuloy lamang sa ginagawa si Derek ng muli siyang mapatigil. Kumunot ang kanyang noo at napatingin siya sa kanyang smartphone na nakapatong din sa mesa. Patuloy iyong tumutunog.

Isinandal na muna ni Derek ang walis sa malapit na sofa saka nilapitan ang lamesa at kinuha ang kanyang smartphone. Lalong kumunot ang kanyang noo at nagsalubong na rin ang makapal na kilay niya ng makita na tumatawag ang kanyang mama na si Rina. Akala nga niya ay si Aiden pero naalala niyang maaga pa kaya malamang hindi pa nito breaktime ngayon. Sinagot ni Derek ang tawag. Tinapat niya sa kanang tenga ang cellphone.

"Hello, Ma. Bakit ka napatawag?" tanong ni Derek sa mama niya na nasa kabilang linya ng telepono.

Nagtaka si Derek. Hindi kasi kaagad sumagot ang mama niya mula sa kabilang linya.

"Hello, Ma," pagtawag muli ni Derek sa mama niya mula sa kabilang linya.

"Nandyan ba si Aiden?"

Kumunot ang noo ni Derek. 'Bakit ganun ang boses ni Mama? Bakit sobrang lungkot?' tanong niya sa kanyang isipan. Hindi niya napigilang mag-alala at kabahan.

Kumibit-balikat na lang si Derek. "Wala si Aiden dito, Ma. May trabaho na kasi siya," sagot niya sa tanong ng mama niya. "Teka po, bakit niyo siya hinahanap?" nagtatakang tanong pa niya.

Hindi na naman nakasagot si Rina sa kabilang linya pero naririnig ni Derek ang sunod-sunod na paghugot nito ng malalim na hininga nito.

"Ma? May problema ba?" magkasunod na tanong ni Derek. "Nag-aalala ako," aniya pa.

"Makinig ka sa mga sasabihin ko Derek," utos ni Rina. "Ka-Kailangan niyong bumalik kaagad dito sa atin kasi..."

Nakikinig naman si Derek sa mga sinasabi ng mama niya. Hanggang sa manlaki na lamang ang mga mata nito. Bigla siyang namutla dahil sa gulat sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala.

"Sabihan mo kaagad siya. Kailangan na kailangan na siya dito," malungkot na sabi ni Rina.

Hindi na nakapagsalita pa si Derek. Tila naging estatwa na siya sa kanyang kinatatayuan at hindi makagalaw dahil sa pagka-shock sa mga nalaman.

'Ito na ba ang kapalit ng kaligayahang natatamasa namin ngayon?' tanong ni Derek sa kanyang isipan. Bumanaag ang labis na kalungkutan sa kanyang mga mata at buong mukha.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon