CHAPTER 39

148 10 2
                                    

Malayo na ang itinatakbo ng bus na sinakyan nina Asha at Faye. Hindi nila alam kung saan ito patungo dahil kaagad lamang silang sumakay dito at hindi na nila inalam pa ang lugar dahil ang mas mahalaga sa kanila ay ang makalayo. Tatanungin na lamang nila 'yon mamaya kapag magbabayad na sila ng kanilang pamasahe.

Nakatingin sa labas ng bintana si Faye at tinitingnan ang paligid sa labas habang nakatingin naman si Asha kay Faye.

Napangiti nang tipid si Asha. Bumaba ang tingin niya at nakita niya ang magkahawak nilang mga kamay.

Hindi mapigilan ni Asha ang mag-alala. Dahil sa kanya, pati si Faye ay nadadamay sa mga problema niya na dapat siya lamang ang sumasalo.

Nakaramdam si Faye na nakatingin sa kanya si Asha kaya nilingon at tiningnan niya ito. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtanto niyang nakatingin nga ito sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" nagtatakang tanong ni Faye.

Ngumiti si Asha. "Nothing," sagot niya.

"Nothing? As in wala?" tanong ni Faye na nagtataka pa rin. "Pwede ba 'yon?" pagtatanong niya pa saka bahagyang ngumuso ang ibabang labi niya.

Ningitian ni Asha si Faye. "I just want to say sorry," sincere na wika niya. Bumuntong-hininga siya pagkatapos. "Ayokong madamay ka sa mga nangyayari sa akin pero wala naman akong magawa para hindi mangyari iyon," dugtong pa niya.

Ngumiti si Faye. Pinisil niya ang kamay ni Asha. "Okay lang," sagot niya. "Mabuti nga at nadadamay ako sa mga nangyayari sa'yo. At least nasasamahan at nadadamayan kita," sabi pa nito.

Napangiti si Asha sa sinabi ni Faye. Hindi talaga siya nito binibigo na pasayahin sa kahit anumang oras.

"Huwag kang mag-alala, kahit saan ka man magpunta ay sasamahan kita. Siguro naman alam mo kung gaano kita kamahal, 'di ba?" tanong pa ni Faye habang tinitingnan niya sa mga mata si Asha.

Tumango-tango si Asha. "I know," sagot niya. "Mahal na mahal din kita," may lambing na wika niya. "Nagpapasalamat ako kasi natagpuan kita at pinili mong yakapin din ako," dugtong pa niya.

Mas lalong ngumiti si Faye. Sa ngiti nito, tila nawawala ang problema ni Asha. Si Faye ang nagpapalakas ng kanyang loob lalo na sa mga panahong hinang-hina siya.

Noon pa man ay likas ng mabait si Faye. Bagong salta si Asha sa bayan ng magtagpo silang dalawa. Walang kaalam-alam si Asha kung nasaan siya. Nagpalakad-lakad siya hanggang sa mapunta siya sa palengke kung saan doon sila unang nagkita ni Faye.

Aminado si Asha na sa unang pagkikita pa lamang nila ni Faye ay iba na ang naramdaman niya. Bukod sa nagagandahan siya dito, mayroon sa loob niya na tila bigla nitong nabihag.

Hindi pa man lubusang kilala ni Faye si Asha ay pinatuloy niya ito sa bahay. Ang katwiran noon ni Faye kay Asha kaya niya ito pinatuloy at pinatira sa bahay niya ay dahil sa nakikita niyang mabait si Asha kahit hindi pa man niya ito kilala at wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito.

Madaling magtiwala si Faye sa mga tao kaya naman hindi maiwasang maloko siya ng iba ngunit hindi naging hadlang iyon para patuloy siya na magtiwala. Wala siyang pakiealam kung magkamali siya sa pinagkakatiwalaan niya basta ang mahalaga sa kanya ay makatulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

At nang makita ni Faye si Asha, napagtanto niya na kailangan nito ng tulong.

Ulilang lubos na si Faye. Galing siya sa bahay ampunan at inampon noong dose anyos siya ng isang matandang babae na siyang unang may-ari ng pwesto niya sa palengke. Katu-katulong siya nito sa pagtitinda hanggang sa mawala ang matanda dahil sa komplikasyon sa sakit at siya na ang nagpatuloy nito. Naging mabait sa kanya ang matanda at nagtiwala, bagay na ipinagpapasalamat ni Faye kaya naman bilang ganti sa kabutihang nangyari sa buhay niya ay nagiging mabuti rin siya sa iba, bagay na lalong hinangaan ni Asha kay Faye at naging dahilan ng lalo niyang pagkahulog sa dalaga.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon