Seryoso ang mukha ni Derek habang siya'y naglalakad ng mabagal papasok sa bakuran. Nakatingin lang siya ng diretso sa nilalakaran niya at tila walang pakiealam sa kanyang paligid.
Naglalaro pa rin sa isipan ni Derek hanggang ngayon ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Asha at ang mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman mula sa babaeng minahal niya.
Nais ni Derek na maintindihan kaagad ang mga sinabi ni Asha sa kanya ngunit hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay pinaglaruan at niloko siya nito, bagay na nagpapabigat sa kanyang damdamin. Totoo ang naging damdamin niya ngunit kalokohan ang isinukli sa kanya at ang hirap nitong tanggapin para sa kanya.
Huminga nang malalim si Derek. Hindi niya namalayang malapit na siya sa bahay at nasa pintuan nito si Aiden na nakatayo at nakatingin ng mataman sa kanya.
Ngumiti si Aiden pero kaagad din iyong naalis at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. Lalagpas na kasi si Derek sa bahay nila at pupunta sa likod. Doon din niya napansin na parang wala ito sa sarili.
Tuluyang lumabas si Aiden sa bahay at pinuntahan si Derek. Humarang siya sa dinaraanan nito. Bahagyang nagulat at huminto sa paglalakad si Derek nang makita niya si Aiden. Bumalik siya sa kanyang sarili.
Nakakunot pa rin ang noo ni Aiden habang matamang nakatingin kay Derek. Umiwas nang tingin si Derek kay Aiden at nilibot nang tingin ang paligid. Doon niya napagtantong nasa harapan na pala siya ng bahay at kung hindi siya hinarangan ni Aiden ay lalagpas na siya doon.
"Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Aiden kay Derek.
Hindi kaagad nakasagot si Derek. Nakatingin lamang siya kay Aiden na kakikitaan ng pag-aalala sa kanya. Iniisip niya kung sasabihin niya ba dito na nakita na niya si Asha at ang mga nalaman niya.
Sa huli ay pinili na muna ni Derek ang ngumiti ng tipid at manahimik. Naghihintay naman si Aiden na magsalita si Derek.
"Tara na sa loob," pag-aaya na lamang ni Derek na pumasok na sila sa bahay.
Hindi sumagot si Aiden at mataman pa rin siyang nakatingin kay Derek. Pinilit ni Derek na ngumiti ng malawak kay Aiden saka umiwas rin ito nang tingin pagkatapos ay iniwasan niya ang kinaroroonan ni Aiden saka siya naglakad na muli at nilagpasan ito.
Nakasunod naman ang tingin ni Aiden kay Derek. Nagbuntong-hininga siya. "Halatang hindi siya okay," bulong niya. Hindi niya mapigilan na lalong mag-alala. "Ano kayang nangyari? May nangyari kayang hindi maganda sa palengke?" tanong pa nito. "Nakipagtalo kaya siya sa tindera dahil niloko siya sa sukli? Ano kayang tunay na nangyari? O baka napagod lang siguro siya sa pamamalengke kaya ganoon siya," paghihinala niya pa.
Muli na lamang napabuntong-hininga si Aiden at nagkibit-balikat. Sinundan niya si Derek na tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.
---
Nakaupo si Aiden sa upuan habang pinapanuod niya si Derek sa paghahanda ng kakainin nila sa tanghalian. Gaya kanina ay seryoso pa rin ang nakikita ni Aiden na itsura ni Derek at hindi umiimik.
"Halatang hindi ka okay," hindi na nakapagpigil si Aiden at kinausap na niya ulit si Derek.
Napahinto naman sa paghihiwa ng gabi si Derek sa sangkalan at tiningnan si Aiden.
"May nangyari bang hindi maganda?" tanong pa ni Aiden na matamang tinitingnan si Derek.
Umiling-iling si Derek. Pinilit niyang ningitian si Aiden. "Wala lang ito. May nakaaway lang kasi akong tindero kanina dahil tinangka akong lokohin sa sukli. Akala yata bobo ako," pagdadahilan niya.
Kumunot ang noo ni Aiden. Hindi ito nagsalita at mataman lamang na tinitingnan si Derek. 'Tama ako ng hinala? May nakaaway talaga siyang tindera?' sa isip-isip niya.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman niya ako naloko. Magaling kaya ako sa numero," pagmamalaki ni Derek saka siya ngumiti ulit.
Hindi pa rin nagsalita si Aiden. Nanunuri ang tingin niya. 'Halatang hindi siya nagsasabi ng totoo,' iniisip niya.
"Nagsasabi ako ng totoo," ani Derek. Ngumiti ito saka umiwas nang tingin kay Aiden at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Sinigang na baboy ang ulam natin. Gusto mo iyon, 'di ba?" tanong pa niya.
Napatango-tango na lamang si Aiden habang mataman pa rin siyang nakatingin kay Derek. Pakiramdam niya, hindi ang mga sinabi nito ang tunay na dahilan kung bakit tila hindi ito okay. Hindi niya maiwasang na mas lalong mag-alala lalo na at hindi nagsasabi sa kanya si Derek ng totoo.
---
Nasa loob ng banyo si Derek at naliligo. Hubo't-hubad siya sa loob at sinasabon ang kanyang malapad na dibdib.
Ilang sandali lang ay napatigil si Derek sa pagsasabon ng dibdib at natulala na naman siya. Muling tumakbo sa kanyang isipan ang mga napag-usapan nila ni Asha. Ayaw siyang patahimikin nito at sa tingin niya ay hindi rin siya makakatulog mamaya ng dahil dito.
Napabuntong-hininga ng malalim si Derek. Umiling-iling siya saka niya itinaas ang kanyang kanang braso saka sinabon ang kili-kili niya.
"Umayos ka nga Derek. Nahahalata ka na ni Aiden kaya please lang, umayos ka," panenermon ni Derek sa kanyang sarili.
Marahas ang ginagawang pagsasabon ni Derek sa katawan. Doon niya ibinubuhos ang frustration na nararamdaman niya.
---
Lumabas si Derek sa banyo saka pumasok sa loob ng bahay. Nakatapis lamang siya ng twalya sa baywang. Naglakad siya at nakita niya si Aiden na nakaupo sa gilid ng kama at matamang nakatingin sa kanya. Kita ni Aiden ang magandang katawan ni Derek na mamasa-masa pa.
Huminto sa paglalakad si Derek at sinuklay pataas ang kanyang basa pang buhok. "Bakit ka ganyan ka makatingin?" takang-tanong niya kay Aiden. Tiningnan nito ang sarili saka ngumisi. "Ang hot ko, 'di ba?" tanong pa nito saka hinagod pa nang haplos ang malapad niyang dibdib.
Hindi ngumiti si Aiden sa naging tanong ni Derek. Seryoso ito na nakatingin pa rin sa kanya.
Nawala ang ngisi sa labi ni Derek. Inalis niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib. Umiwas nang tingin si Aiden mula kay Derek. Tumingin ito sa bintana at tiningnan ang view sa labas. Huminga siya ng malalim.
"Hindi ako kasing galing mo pagdating sa pagpapayo pero tandaan mo na may dalawa akong tenga na handang makinig sa kahit ano pang problema mo," seryosong sabi ni Aiden. "Okay lang na hindi ka kaagad magsabi sa akin pero sana... sana dumating 'yung araw na masabi mo sa akin 'yung mga bagay na gumugulo at nagbibigay sakit ng ulo sa'yo. Gusto ko rin kasing makasama mo na lumutas ng mga ito kung may maitutulong man ako," dugtong pa niya.
Nanatili namang nakatingin si Derek kay Aiden. Napangiti ito ng tipid.
"Siguro naman naiintindihan mo ko," ani Aiden saka inalis ang tingin sa bintana at muling tinapunan nang tingin si Derek. "Gusto ko ring makasalo mo sa pait at hindi lamang sa tamis na hatid ng buhay," sabi pa niya saka tipid na ngumiti. "Hayaan mo sana akong makisalo sa problema mo gaya ng gusto kong saluhan mo din ako sa tuwing may problema ako," aniya pa. Iyon ang gusto niya na mangyari ngayon, ang maramdaman niya na palagi niyang kasama si Derek, sa magandang panahon man o kahit may bagyo pa.
Napatango-tango si Derek. Ningitian niya si Aiden. "Salamat at nag-aalala ka sa akin," aniya. Hindi niya itatanggi na natutuwa siya doon. "Huwag kang mag-alala, okay lang ako at kung may problema man, sasabihin ko sayo kaagad, okay?" tanong niya pa.
Bahagyang tinango-tango na lamang ni Aiden ang kanyang ulo sa sinabi ni Derek. Ningitian niya ito ng maliit.
"Sige na at magbihis ka na. Nagugutom na ako," utos ni Aiden. May natira pang pagkain kanina at iyon na lamang ang kakainin nila ngayong hapunan.
"Hindi ka pa ba busog sa nakikita mo?" malokong tanong ni Derek saka ngumisi. Flinex pa nito ang kanyang mga braso saka pinagalaw ang maumbok niyang dibdib at abs niya.
Natawa naman si Aiden. "Hindi ako mabubusog ng pandesal mo sa tiyan," birong sagot niya.
Tinawanan ni Derek ang sinabi ni Aiden. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya at dahil 'yon sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...