Magkatabing nakaupo sa mahabang leather sofa sina Aiden at Asha. Parehas silang nakatingin sa mahabang lamesa na nasa harapan kung saan nakapatong ang dalawang urn na pinaglalagakan ng mga labi ng magulang nila.
Nagbuntong-hininga si Asha na pumutol sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya akalain na sa muling pagbabalik niya sa mansyon nila ay aabutan niyang wala na ang mama at papa niya. Hindi niya ikakaila na nasasaktan siya dahil kahit na may hindi sila pagkakaunawaan ay itinuturing niya pa ring magulang ang mga ito at masakit sa kanya na mawalan.
Tiningnan naman ni Aiden si Asha. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Parang siyang nananalamin dahil sa magkatulad sila ng mukha. Kung gwapo siya, maganda naman ang ate niya na wala pa ring ipinagbago ang kagandahang tinataglay nito.
Nakaramdam naman si Asha na nakatingin sa kanya si Aiden kaya nilingon niya ito. Kumunot ang kanyang noo nang makitang tinitingnan siya nito.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Asha habang sinasalubong niya ang pagtingin ni Aiden sa kanya.
Tipid na ngumiti si Aiden saka umiling-iling. "Saan kayo nanggaling?" pagtatanong niya.
"Kami?" tanong ni Asha ng pataka.
Tumango-tango si Aiden. "Oo," sagot niya.
Ngumiti nang bahagya si Asha saka niya iniwas ang tingin kay Aiden. Muli nitong ibinalik ang tingin sa harapan.
"Sa malayong lugar... sa lugar na kung saan hindi kami mahahanap," sagot ni Asha.
"Saan nga?" tanong ulit ni Aiden.
"Sa Mindoro," pagsagot ni Asha sa tanong ni Aiden.
Bahagyang tinango-tango ni Aiden ang kanyang ulo. "Kumusta ang naging buhay niyo doon?" pagtatanong niya pa sa kakambal. Nais niyang malaman kung ano na ang mga nangyari sa buhay nito.
"Naging okay naman," sagot muli ni Asha. "Kahit papaano ay nakakaraos," dugtong pa niya.
"Naging masaya ba kayo?" tanong pa ni Aiden na nananatiling nakatingin kay Asha.
Muling tiningnan ni Asha si Aiden. Ningitian niya ito saka siya tumango-tango. "Masaya. Tama, naging masaya kami," aniya. "Kapag kasama mo ang taong mahal mo, kahit anong hirap ang dinaranas niyo ay napapawi 'yun at nagiging masaya pa rin kayo," sabi pa niya. "Gumagaan lahat kapag kasama mo ang taong nilalaman ng isipan at puso mo," wika niya pa.
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Aiden. "Nasabi sa akin noon ni Mama na nahanap ka nila ni Papa at pinapabalik dito," sabi niya.
Tipid na ngumiti si Asha. "Tama ka," sagot niya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan. "Nahanap nga nila ako... o baka itinuro niyo ako sa kanila kaya nahanap nila ako," sabi pa niya.
Umiling-iling si Aiden. "Wala kaming sinabi sa kanila," pagtanggi niya sa sinabi ni Asha.
"Gano'n ba?" tanong ni Asha.
Tumango-tango si Aiden. "Kilala mo naman ang parents natin, marami silang koneksyon. Kaya ka nilang ipahanap kahit saan at makita ka kung nasaan ka man," aniya.
Bumuntong-hininga si Asha. "Tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang nangyaring 'yon," wika niya. "Kung paano ako sinigaw-sigawan ni Mama sa harapan mismo ng maraming tao sa palengke. Pinipilit niya akong bumalik sa kanila pero nanindigan akong hindi ako babalik kaya labis silang nagalit sa akin. Bukod sa masasakit na salita, ilang malalakas na sampal din ang natanggap ng mukha ko mula sa palad ni Mama at lahat ng iyon ay tinanggap ko lamang," pagkwekwento niya. "Inisip ko na lang na sige, sampalin niya lang ako ng paulit-ulit kung 'yon ang ikakagaan ng kanyang loob," dugtong pa niya. Ngumiti siya ng maliit.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...