CHAPTER 9

342 18 1
                                    

Napangiti si Aiden nang mailapag niya sa mesa ang mangkok ng caldereta. Inihilera niya ito sa iba pa niyang naluto gaya ng adobo at sinigang na baboy.

Nakahain at nakaayos na rin sa ibabaw ng lamesa ang mainit na kanin, isang pitsel ng juice, manggang hinog na hiniwa na niya sa tatlo at ang mga gamit sa pagkain gaya ng plato, baso at mga kubyertos.

Maagang nagising si Aiden kaya naisipan niyang magluto. Hindi lamang niya ito hilig kundi magaling siya pagdating sa larangang ito. Binabalak nga niya na kapag natapos siya sa kurso niyang Business Management ay papasok naman siya sa culinary para mas marami pa siyang matutunan at magkaroon din siya ng sarili niyang restaurant someday.

Mukha lang walang mga pangarap si Aiden dahil sa pagiging matigas ang ulo niya pero meron at gusto niya iyong matupad.

Tumingin si Aiden sa bukana ng kusina. Hinihintay niyang pumasok si Derek. Napabuntong-hininga siya. Simula kahapon ay hindi na siya nito pinansin at marahil ay dahil iyon sa nasabi niya. Nakokonsensya tuloy siya dahil nasaktan na nga ng Ate niya ang binata pagkatapos ginatungan pa niya.

Napailing-iling na lang ng ulo si Aiden. Isa rin sa dahilan kaya siya nagluto ay para pansuhol kay Derek para hindi na ito magalit sa kanya. Sila na nga lang ang magkasama dito sa bahay tapos hindi pa sila ayos. Isa pa, kailangan niya si Derek dahil ito lang naman ang may alam sa mga lugar dito sa Kamaynilaan.

Nakaranig ng mga yabag si Aiden. Bigla siyang na-excite. Nakatingin lamang siya sa bukana ng kusina at hinihintay ang pagdating ni Derek. Wala na siyang ibang inaasahang taong darating dahil ito lang naman ang kasama niya sa bahay.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na nga ang pinakahihintay ni Aiden, si Derek na halatang bagong gising lang dahil sa paniningkit ng mga mata nito.

Huminto sa paglalakad si Derek at tiningnan si Aiden. Kumunot ang noo nito sa pagtataka habang nakatayo sa may bukana.

Ningitian naman ni Aiden si Derek. "Bro, nagluto ako. Tara kain tayo," aya nito.

Hindi nagsalita si Derek. Tiningnan niya ang mga nakahain sa ibabaw ng lamesa.

"Pasensya ka na sa nasabi ko kahapon-"

"Kaya ka ba nagluto kasi gusto mo akong suhulan?" malamig na tanong kaagad ni Derek. Tiningnan ulit nito si Aiden. Walang emosyon ang mukha niya.

"Ha?" tanong ni Aiden.

Nag-smirk si Derek. Nag inat-inat ito ng katawan at dahil nakasuot lamang ito ng sandong puti ay nakita ni Aiden ang pag-flex ng biceps nito sa braso at ang may kalaguang buhok sa kili-kili nito. Bumakat pa ang malapad na dibdib nito at pares ng utong na nasa loob ng sandong suot niya.

"Sorry talaga," sincere na pagso-sorry ni Aiden. Bumuntong-hininga ito.

Tumigil sa pag inat-inat ng katawan si Derek at tiningnan muli si Aiden. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng 'yan?" tanong niya saka ninguso ang labi para ituro ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

Ngumiti si Aiden saka tumango-tango. Lumapit naman si Derek sa mesa at isa-isang tiningnan ang mga pagkain. Tumango-tango pa ang kanyang ulo habang tinatapunan nang tingin ang bawat pagkain.

"Order ka ng cake," utos ni Derek kay Aiden.

Kumunot ang noo ni Aiden. "Ha?" nagtatakang tanong niya.

Tiningnan ni Derek si Aiden. Ngumiti ito ng tipid. "Birthday ko ngayon," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ni Aiden sa gulat. Sobra siyang nagulat dahil hindi niya alam na birthday pala ni Derek ngayong araw.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon