Nagaganap sa isang malaki at antigong simbahan na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila ang isang engrandeng kasal. Humahalimuyak sa loob ng simbahan ang bango ng white roses na nagsisilbing palamuti sa mga upuan, mesa at iba pang sulok ng nasabing lugar.
Maraming tao ngayon ang nakakasaksi sa nasabing kasal, kabilang na ang dalawang pamilya na sa ilang oras lamang ay magiging isa na.
Pumapailanlang sa loob ng simbahan ang isang romantikong awitin na love song ng ikakasal. Napakagandang pakinggan at bagay na bagay sa romantikong ambiance ng lugar. Ang kantang iyon ang sumasalamin sa love story nila kaya 'yon din ang kanilang paborito.
Sa harapan ng altar ay nakatayo at naghihintay ang isang bente anyos na matangkad at gwapong moreno na nakasuot ng puting suit. Pormal na pormal ang itsura niya na bumagay naman sa maganda niyang tindig. Halata sa kanyang mukha ang magkahalong excitement, kaba at saya. Nakikita sa kanyang mga medyo singkit na mga mata ang kaligayahan. Kumikislap ito na parang mga bituin habang nakatingin sa pintuan ng simbahan na kung saan papasok naman sa loob ang kanyang pinakamamahal.
Dahan-dahang tumayo ang lahat at tiningnan ang marahang paglalakad ng bride sa gitna ng aisle.
Napatingin naman sa kanya ang kanyang kaibigan at best man sa kasal na si Yuri na katabi niya sa pagtayo at naghihintay rin na makarating ang bride na mabagal na naglalakad papunta sa harapan ng altar kasama ang mama at papa nito.
"Relax lang, Pare," mahinang wika ni Yuri saka tinapik ng dalawang beses ang groom sa balikat. Nahalata niya ang matinding kaba na nararamdaman ng kaibigan kaya pinagaan niya ito kahit papaano.
Napatingin naman si Derek kay Yuri na nakangiti sa kanya. Napangiti na lamang din siya at nagbuga nang hininga.
Muling tiningnan ni Derek ang kanyang bride. Ang pinakamamahal sa loob ng lagpas anim na taon. Napakaganda nito sa suot na kulay puting wedding gown na ipinagawa pa sa isang kilalang fashion designer. Naalala niya tuloy kung paano nagsimula ang lahat sa kanila. Ang mga nangyari sa kanilang relasyon na hindi man perpekto pero masaya hanggang sa ngayon na ikakasal na sila.
Ang kanyang pinakamamahal na si Asha. Ang babaeng ginusto niyang makasama habang nabubuhay siya. Ang babaeng pinakaaasam niya kahit na bigyan muli siya ng pagkakataon na muling maging tao at mabuhay sa mundong ibabaw.
Malaki at usap-usapan ang kanilang kasal sa bayan ng Sta. Ynez, probinsya ng Las Estrella. Palibhasa, ang mga pamilya nila ang pinakamayaman sa lahat ng mga nakatira doon. Halos pantay lamang ang kanilang yaman at ngayong nakatakda ang pagsasanib-pwersa, mas lalong lalago ang mga negosyo ng kanilang mga pamilya.
Hindi sila itinakdang ipakasal, ginusto nila itong dalawa. Hindi nga akalain ng kanilang mga pamilya na magtatagpo ang kanilang mga landas at hahantong sila sa matamis na pag-iibigan.
Masaya ang lahat pero wala ng mas sasaya pa kay Derek. Kinakabahan man ngunit sa loob-loob niya ay wala ng mapagsidlan ang nararamdaman niyang kaligayahan.
Pero may apat na mukha ang kakikitaan nang matinding pag-aalala, ang ama at ina ng bride at ang ama at ina ni Derek. Iniisip nila kung ano ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito lalo na at may isang malaking sikreto silang tinatago na lingid sa kaalaman ni Derek.
Sa wakas ay nakarating na sa harapan ng altar ang bride. Ngumiti ang ina ng bride habang nag-aalangan naman ang sa ama.
"Ikaw ng bahala sa kanya," may lambing na wika ng ina ng bride na si Donya Esmeralda. Itinatago niya ang kaba na nararamdaman.
Matamis na ngumiti si Derek saka dahan-dahang tumango-tango sa sinabi ng kanyang mother-in-law.
Marahang tinapik naman ni Don Timoteo, ang ama ng bride ang kaliwang balikat ni Derek. Sinuklian naman ng ngiti ni Derek ang kanyang magiging father-in-law.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
Roman d'amourSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...