"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10... 30,31,31,32..."
Nasa loob ng kanyang kwarto si Aiden at patuloy na nagpu-push ups sa sahig. Tumutulo na ang pawis mula sa kanyang noo at pinagpapawisan na rin ang kanyang katawan na walang suot na damit pang-itaas na bumabasa sa sahig ng kwarto niya.
"80,81,82,83,84,85,86,87,88,89..."
Inaabala ni Aiden ang sarili sa ibang bagay. Kailangan niyang ma-divert sa iba ang kanyang atensyon para hindi kung ano-ano ang naiisip niya.
"95,96,97,98,99,100..."
Tumigil si Aiden sa pagtaas-baba. Pamaya-maya pa ay dumapa siya saka tumihaya nang higa sa sahig. Taas-baba ang kanyang dibdib dahil sa kanyang paghingal. Nakakaramdam siya ng pagod ngunit gumaan ang pakiramdam niya.
Tumitig si Aiden sa kisame. "Tama ang ginagawa mo Aiden, mag-focus ka sa ibang bagay at hindi sa kagaguhan," pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. "Tama, kagaguhan lang 'tong mga kakaiba kong nararamdaman," sabi pa niya.
Matapos magpahinga sandali ay muling sumabak si Aiden sa pagpu-push up. Nag-umpisa ulit siyang magbilang simula sa uno habang nagtataas-baba ang kanyang katawan.
---
Sumalubong kay Aiden ang ingay na nanggagaling sa malakas na sound system ng bar na pinasukan niya. Siya lamang mag-isa ang pumunta dito. Mabuti na lang at may Gugel map kaya naman nakapunta siya dito nang hindi naliligaw.
Kailangang maibaling ni Aiden sa ibang bagay ang kanyang atensyon kaya naman naisipan niyang pumunta dito.
Napangiti si Aiden sa nakitang itsura ng loob. Masasabi niyang wala naman itong pagkakaiba sa mga bar na pinupuntahan niya noon sa lugar nila liban lang na mas maraming tao at mas maingay dito kumpara doon.
Medyo madilim sa loob at kumikindat lamang ang mga iba't-ibang kulay ng mga ilaw na sinasabayan ang nakakaindak na awitin. May mga nakasinding ilaw pero maliliit lang ang mga iyon at nasa gilid.
Pumunta si Aiden sa bar counter. Umupo siya sa mataas na upuan. Lumapit sa kanya ang bartender na siyang nagbabantay doon.
"One tequila sunrise," ani Aiden sa bartender.
"Okay, Sir," magalang na sagot ng bartender saka ningitian si Aiden.
Napapangiti na lamang si Aiden habang pinapanuod ang bartender sa ginagawa nitong paghahalo ng inumin. Hindi niya maikakaila na magaling ito sa paghahalo ng alak. Para lamang siyang nanunuod ng show nito.
Natapos sa paghahalo ng inumin ang bartender at ibinigay kay Aiden ang order niyang alak. Napangiti naman ulit si Aiden saka kinuha ang maliit na glass at sinimsim ang laman nito.
Hinarap ni Aiden ang inuupuan niya sa dance floor at pinanuod ang mga taong nagsasayawan doon. Karamihan ay magbabarkada at mga taong nag-uusap na halatang kakakilala pa lang sa isa't-isa.
Pamaya-maya ay may umupo na maganda at sexy na babae sa mataas na upuan na katabi lamang ng inuupuan ni Aiden. Nakatingin ito sa kanya saka nakangiti. Kitang-kita sa mata ng babae ang pagkagusto sa kagwapuhang taglay ni Aiden.
"One glass of martini, please?"
Nilingon ni Aiden ang babae na umorder ng martini sa bartender. Nakaagaw sa atensyon niya ang may halong landi na boses nito. Mula sa konting ilaw ay nakita niya ang kagandahan at kasexy-han nito na hubog sa suot nitong black dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Lumilitaw na nga ang makinis at maputi nitong hita dahil sa pag-angat ng laylayan ng kasuotan nito.

BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomantikSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...