Tahimik na nakasunod lang ang tingin ni Aiden kay Derek na mabagal namang naglalakad. Isa-isang tsinetsek ng huli ang mga pinunasang lamesa at mga gamit ng una. Para itong masungit at istriktong mayordoma ng mansyon na sinusuri kung okay ba ang naging trabaho ng mga tauhan niyang katulong sa mansyong pinagsisilbihan niya at kapag hindi okay ay pagagalitan siya.
Sinipat nang tingin ni Derek ang hintuturong daliri niya na pinadulas niya sa ibabaw ng isa sa mga lamesa at tiningnan mabuti kung may dumi. Umismid siya. Pamaya-paya pa ay tinanggal niya ang tsinelas na suot ng kanyang kanang paa saka pina-slide ito ng tatlong beses sa sahig. Itinaas niya ang kanyang paa para tingnan kung dumumi ito. Napaismid siya ulit saka nilingon si Aiden na nakatayo malapit sa kanya.
"Good job," wika ni Derek habang sinusuot ang hinubad na tsinelas. Maayos at malinis ang pagpunas ni Aiden pati na rin ang paglampaso nito sa sahig.
Inismiran na lamang ni Aiden si Derek. 'Akala ko aarte pa eh,' sa isip-isip niya.
Hinarap ni Derek si Aiden. "So, ngayong tapos ka na maglinis, magluto ka naman ng pagkain natin," utos niya sa binata.
Sumama ang tingin ni Aiden kay Derek. Mas lalo namang umismid si Derek.
"Nagrereklamo ka?" nangingiting tanong ni Derek.
Napairap na lamang si Aiden. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang pag-ikot ng kanyang mata. "Nakakabwisit talaga," sobrang hina na saad niya.
"Gusto ko 'yung may sabaw na ulam kagaya ng sinigang na baboy," request pa ni Derek.
Muling tiningnan ni Aiden si Derek. "Bakit hindi ka na lang magluto ng noodles? May sabaw rin naman iyon," sarcastic na sabi niya.
"Masama sa katawan ang sobrang noodles, lalo na ang seasoning nito," nangingiting sagot ni Derek.
Sumimangot si Aiden.
"Sige na at magluto ka na para kaagad kang matapos at makakain na ako," sabi ni Derek. "Gutom na gutom na kasi ako," nagpaawa pa siya at hinimas-himas pa niya ang tiyan.
Nagbaba nang tingin si Aiden. Huminga na lang siya ng malalim saka tinalikuran si Derek at naglakad papunta sa kusina.
'Pucha! Ginawa akong katulong ng g*g*! Bwisit!' naiinis na reklamo ni Aiden sa kanyang isipan. Hindi niya akalain na labis siyang mabwibwisit kay Derek. Pero wala naman siyang magawa kundi ang sumunod na lamang.
Pamaya-maya ay napaisip siya. 'But I think... okay na rin na ganitong nakakabwisit siya. Para puro pagkabwisit na lang ang maramdaman ko sa kanya at wala ng iba pa,' aniya.
Napaismid na lang si Aiden saka binilisan ang paglalakad niya. Samantala, nakasunod naman ang tingin ni Derek kay Aiden. Napangiti ang labi niya.
"Nakakatuwa ka talaga, Aiden," bulong ni Derek.
---
Nasa hapagkainan na si Derek at nakaupo. Nakahain sa ibabaw ng lamesa ang mga niluto ni Aiden gaya ng request ni Derek sa kanya na sinigang na baboy. May isang bandehadong kanin din at pitsel ng tubig. Nakaayos na rin sa mesa ang mga gagamitin sa pagkain.
Tiningnan ni Derek si Aiden na nakatayo lamang sa likod ng upuan na nasa harapan niya. Kumunot ang noo nito.
"Bakit nakatayo ka lang diyan?" pagtatanong ni Derek kay Aiden. "Sabayan mo na kaya kong kumain," pahabol pa niyang sabi.
Hindi nagsalita si Aiden. Inatras lang nito ang upuan na lagi niyang inuupuan kapag kakain dito sa hapag-kainan saka naupo. Tiningnan naman ni Derek ang mga nakahaing pagkain. Napangiti siya sa tuwa.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...