CHAPTER 10

403 24 0
                                    

Abala si Aiden sa ginagawa niyang report. Ipapasa niya ito bukas kaya naman kailangan niya itong matapos ngayong araw.

Pamaya-maya ay sandaling huminto si Aiden sa pagta-type sa kanyang laptop na nasa harapan at nakapatong sa study table niya dito sa loob ng kanyang kwarto. Hinilot niya ang kanyang magkabilang-sentido dahil sa bahagyang pananakit ng kanyang ulo. Ilang oras na din siyang babad sa harapan ng kanyang laptop at nakatitig sa screen nito kaya nakakaramdam na siya ng pangangalay sa pag-upo at pananakit ng ulo.

Sa ngayon ay sa online class na muna pumapasok si Aiden dahil na rin sa kagustuhan niya lalo na at hindi pa niya kabisado ang pasikot-sikot ng Maynila. Huminga ng malalim si Aiden. Tumayo na muna ito at umalis sa harapan ng kanyang laptop.

Nag inat-inat ng katawan si Aiden para mawala ang pangangalay nito. Inikot-ikot ang kanyang ulo para mawala ang pananakit dito.

Nakaramdam nang pagkauhaw si Aiden kaya naman lumabas siya ng kanyang kwarto. Habang pababa siya ng hagdanan ay napatingin siya sa ibaba kung saan nakita niya si Derek na nagpu-push up.

Huminto si Aiden at pinanuod si Derek. Nangingintab sa pawis ang balat nito at ang iba ay tumutulo pa sa sahig. Walang suot na damit pang-itaas si Derek kaya naman nakikita ni Aiden ang magandang likod nito at ang pag-flex ng muscles nito lalo na ang biceps.

Hindi naman napapansin ni Derek na may nanunuod na sa kanya at tuloy-tuloy lamang sa ginagawang pag-wo-workout.

"99... 100..." Huminto si Derek sa pagpu-push up saka ito naupo. Sandali siyang nagpahinga pagkatapos ay humiga naman ito sa mat at nagsimulang mag-curl up.

Patuloy pa rin sa panunuod si Aiden sa ginagawa ni Derek. Ngayon ay ang harapang bahagi ng katawan naman ni Derek ang nakikita niya. Pawis na pawis na rin ito. Kitang-kita niya ang paggalaw ng muscles nito sa braso, ang paggalaw ng maumbok nitong dibdib at ang mga abs nito na dinadaluyan ng pawis.

Napalunok si Aiden sa kanyang nakikita. Hindi niya maintindihan sa sarili pero bigla siyang nakaramdam ng init habang patuloy pa ring pinapanuod si Derek. Napatingin pa siya sa kili-kili nito na basa na rin ng pawis kaya diretsong-diretso ang mga buhok na nandoon. Sa paningin at isipan niya ay parang biglang naging nakakatakam na pagkain si Derek na gusto niyang kainin.

Mabilis na napailing si Aiden. Bigla siyang nangilabot sa naisip niya. 'Kung ano-ano na lang ang naiiisip ko,' aniya.

Pawisan man si Derek pero hindi nakikita ni Aiden na dugyutin ito. Para sa kanya, mukhang mabango pa rin ito kahit ganun ang ayos nito.

Dumako pa sa ibaba ni Derek ang mata ni Aiden at doon niya napansin ang bumubukol sa suot nitong jersey short. Sa kanyang palagay ay may kalakihan iyon kung pagbabasehan niya ang nakikita.

Mabilis na umiwas na ng tingin si Aiden ng biglang tumingin sa kinaroroonan niya si Derek. Bigla siyang kinabahan.

'Lintik! Baka kung ano ang isipin niya dahil nakatingin ako sa kanya!' hiyaw ni Aiden sa kanyang utak. 'Ano bang nangyayari sa akin? Tsk!' sabi pa niya sa kanyang utak.

Tuluyan na lamang bumaba ng hagdanan si Aiden saka pinaypayan pa ang sarili para maibsan ang init na nararamdaman gamit ang kanan niyang kamay.

"Tapos na ang online class mo?" tanong ni Derek nang mapadaan si Aiden sa gilid niya.

Huminto sa paglalakad si Aiden at tiningnan si Derek. Sa mukha lang siya nito tumingin dahil baka kung ano na namang nakakakilabot ang maisip niya.

"Ah... oo," sagot ni Aiden saka tipid na ngumiti. "Gumagawa na ako ng report," dugtong pa nito na may kasama pang pagtaas-baba ng dalawang makakapal na kilay.

Tumango-tango si Derek. Huminto ito sa ginagawa at nahiga. Hindi naman nakaligtas sa pang-amoy ni Aiden ang amoy ng pawis ni Derek. Hindi siya nabahuan bagkus ay nagustuhan niya ang natural na amoy nito. Muli na lang siyang napailing ng bahagya.

"Sige at punta lang ako sa kusina," pagpapaalam na ni Aiden.

"Okay," sagot na lamang ni Derek.

Umiwas nang tingin si Aiden kay Derek saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina. Bumuntong-hininga pa siya pagkapasok doon. Napailing-iling pa siya.

"Wala lang 'yon. Mas maganda lang kasi ang pangangatawan niya kumpara sayo kaya naiinggit ka lang," pagkumbinsi ni Aiden sa sarili. 'Yun ang dahilan na gusto niyang itatak sa kanyang sarili at wala ng iba pa.

Dumiretso na lang sa dish rack si Aiden at kumuha ng baso. Pumunta siya sa refrigerator saka binuksan iyon at kumuha ng malamig na bote.

Sunod-sunod ang pag-inom niya ng tubig na sinalin sa baso para maibsan ang init na kanyang nararamdaman.

"Aiden!"

Tumingin si Aiden sa bukana ng kusina nang marinig niya ang pagtawag ni Derek sa kanya.

"Pwede bang dalhan mo ako ng tubig?!" pakiusap pa ni Derek.

"Lintik! Inutusan pa ako," naiinis na bulong ni Aiden. Sumimangot pa siya.

"Sandali lang!" sigaw ni Aiden mula sa kusina.

Matapos maubos ni Aiden ang isang tumbler ng malamig na tubig ay kumuha muli siya ng isang tumbler na dadalhin naman kay Derek. Lumabas siya ng kusina at pinuntahan si Derek. Naabutan ni Aiden si Derek na naka-indian sit sa mat.

Huminto si Aiden sa harapan ni Derek saka inabot ang tubig dito. Napangiti naman si Derek saka kinuha iyon.

"Salamat," pasasalamat ni Derek kay Aiden.

Tumango-tango lamang si Aiden. Uminom si Derek. Napansin ni Aiden ang pagtaas-baba ng adam's apple nito habang umiinom ng tubig. Kapansin-pansin iyon dahil sa may kalakihan.

At hindi maintindihan ni Aiden kung bakit pero ang hot nito sa paningin niya.

Mabilis na umiwas nang tingin si Aiden kay Derek at napailing-iling ito ng ulo.

"Bakit ka umiiling diyan?" nagtatakang tanong ni Derek.

Muling tiningnan ni Aiden si Derek na nakakunot ang noo. "Ah... eh... wala," nauutal na sagot niya saka pinilit pang nginiti ang labi. "Sige at babalik na ako sa kwarto ko," dugtong pa niya at mabilis na sumibat paalis sa harapan ni Derek.

Napailing-iling na lamang si Derek at kumibit-balikat saka nagpatuloy sa pag-inom ng tubig.

Samantala, mabilis na napasandal si Aiden sa likuran ng pintuan nang makapasok na siya sa kanyang kwarto at maisara ito. Taas-baba ang kanyang dibdib dahil sa paghingal.

"Ano bang nangyayari sayo Aiden? Nagiging abnormal ka na ba?" naguguluhang tanong ni Aiden sa kanyang sarili.

Umiling-iling nang mabilis si Aiden. "Wala lang ito. Tama. Wala lang ito. Wala," paulit-ulit na pagkumbinsi niya sa kanyang sarili.

Gusto ni Aiden na isipin na wala pero alam rin niya sa kanyang sarili na merong ibig sabihin ang mga kakaibang nararamdaman na ito na bigla na lang umusbong sa sarili niya.

Napabuga nang hininga si Aiden. "Kabaliwan... tama at kabaliwan lang ito," pagkausap niya pa sa sarili niya.

Lumunok na lang ng laway si Aiden saka binalikan ang study table niya. Lulunurin na lang niya muli ang kanyang sarili sa paggawa ng project para makalimutan ang mga gumugulo sa kanya na dulot ni Derek.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon