"Nakita niyo na ba siya dito sa lugar na ito?" pagtatanong ni Aiden sa matandang lalaking pinagtatanungan niya na nakatambay lang sa tabi.
Tiningnan ng lalaki ang ipinapakitang litrato sa cellphone ni Aiden. Matapos tingnan iyon ay saka titingin ito kay Aiden.
"Kakambal ko po siya," paglilinaw ni Aiden.
"Ahhh." Tumango-tango ang lalaki. "Sorry iho at hindi ko pa siya nakikita dito," sagot ng lalaki kay Aiden.
Tumango-tango si Aiden saka nito ningitian ng maliit ang matandang lalaki. "Salamat po," sabi na lamang ni Aiden saka lumayo na sa lalaki. Nagbuntong-hininga siya.
Agad-agad na lumapit naman si Aiden sa isang middle-aged na babaeng nakita niya at nagtanong.
"Nakita niyo ba siya dito? Kakambal ko po siya. Magkasingtangkad lang kami tapos hanggang likod ang kanyang buhok."
"Hindi ko pa siya nakikita dito," sagot ng babae na tiningnan rin si Aiden matapos nitong tingnan ang phone ng binata kung saan nandoon ang picture ni Asha.
Tipid na ngumiti na lang si Aiden. "Salamat po," pasasalamat na lamang niya saka lumayo na rin sa babae na muli namang naglakad.
Nagbuga nang hininga si Aiden. Nilibot niya ng tingin ang paligid kung nasaan siya ngayon. Kanina pa siya palakad-lakad at hinahanap si Asha. Nagbabakasakali siya na baka napadpad sa lugar na ito ang kakambal niya. Alam niyang mahihirapan siya sa paghahanap lalo na kung ganito lang ang gagawin niya ngunit kung wala siyang gagawin na kahit ano at maghihintay lang, wala siyang mapapala kaya magbabakasakali siya dahil baka may matisod siya.
Tiningnan ni Aiden ang kanyang hawak na smartphone. Nagpipindot siya sa screen nito hanggang sa mapunta siya sa gugel map. Inalam niya kung nasaang lugar na siya.
"Nasaan ka na ba?" bulong na tanong ni Aiden. Kailangan niya itong mahanap para bumalik na siya sa dati niyang buhay at hindi na ito magulo pa ng mga kakaiba niyang nararamdaman.
Muling naglakad na lang si Aiden at nagpatuloy sa paghahanap. Patingin-tingin siya sa paligid at tinitingnan mabuti ang bawat sulok ng lugar na pinupuntahan niya.
---
Nakatayo sa harapan ng malaking salamin si Aiden. Tanging ang lampshade lamang ang nakabukas ay nagbibigay liwanag sa paligid ng kwarto niyang may kadiliman. Nakasarado ang mga kurtina na nakasabit sa nakasarado ding bintana.
Tulalang nakatingin lamang si Aiden sa sariling repleksyon. Tanging boxer short lang ang kanyang suot sa pang-ibaba.
"Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya," mahina at madiin na wika ni Aiden. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili ang nararamdamang iyon. "Hindi ako pwedeng magbago kaya gagawin ko ang lahat para hindi iyon mangyari," sabi pa nito.
Kumuyom ang mga kamao ni Aiden. Sumeryoso ang itsura ng kanyang mukha.
Hanggang sa malakas niyang suntukin ang salamin na sanhi ng matinding pagkabasag at pagbagsak ng pira-piraso nito sa sahig.
Hindi iniinda ni Aiden ang sakit sa natamong sugat ng kanyang kamao dahil sa pagkabasag ng salamin. Nagdurugo iyon at tumutulo sa sahig.
"Kailangan na kitang mahanap Ate para matigil na itong kahibangan ko," ani Aiden habang titig na titig pa rin sa nabasag na salamin. "Hindi ako pwedeng mahulog lalo sa kanya. Hindi pwede... Ayoko," sabi pa niya.
Hindi na titigil si Aiden sa paghahanap kay Asha. Gagawin niya ang lahat para maibalik ito anuman ang mangyari.
---
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
Storie d'amoreSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...