Bumalik na sa online class si Aiden at kakatapos lamang nito. Lumabas siya ng kanyang kwarto habang hinihilot ang kanyang sentido dahil sa pananakit nito.
Saktong paglabas ni Aiden sa kwarto nito ay ang paglabas naman ni Derek sa kanyang kwarto. Kakatapos lamang din nitong umattend sa kanyang online class.
Kumunot ang noo ni Derek nang makita si Aiden na hinihilot ang sentido. Dali-dali siyang naglakad palapit rito.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Derek.
Napatigil naman si Aiden saka tiningnan si Derek. Ningitian niya ito. "Ikaw pala," sabi niya. "Oo, okay lang ako. Ang dami ko lang kasing binasa kaya ito, hindi kinaya ng utak ko," sabi pa nito saka ngumiti ulit.
Tumango-tango naman si Derek. "Uminom ka ng gamot para kaagad mawala 'yang pananakit ng ulo mo," sabi niya.
Napatango-tango naman si Aiden sa sinabi ni Derek. "Okay," aniya.
"Oo nga pala, gusto mo bang umalis mamaya?" tanong ni Derek.
Kumunot ang noo at nagsalubong ang pares ng kilay ni Aiden. "Saan naman tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.
"Kahit saan. Mamasyal lang tayo," sagot ni Derek.
Tumango-tango si Aiden. "Sige," pagpayag niya.
Napangiti naman si Derek. "Tara at kumain na muna tayo," pag-aaya niya kay Aiden.
Ngumiti na lamang ulit si Aiden saka tinango-tango ang kanyang ulo.
---
Nasa loob ng isang amusement park sina Aiden at Derek. Parehas nilang nililibot ang tingin sa magandang paligid nito.
"Sigurado ka bang dito mo gustong mamasyal?" tanong ni Aiden. Para sa kanya kasi ay pambata ang lugar na ito at hindi sila bagay rito.
Tiningnan ni Derek si Aiden. "Bakit? Ayaw mo ba rito?" tanong niya.
Tumingin si Aiden kay Derek. Ningitian niya ito. "Hindi naman," sagot nito.
Ngumiti si Derek. Tiningnan nito ang paligid. Karamihan sa mga taong nandirito ay mga pamilya. May mangilan-ngilan rin silang magkakasintahan na nakikita.
Malawak at maganda ang amusement park. Parang fiesta ang dating dahil sa mga banderitas na nakasabit sa paligid. Maraming rides na pwedeng sakyan kaya naman talagang mage-enjoy ang kung sino mang magpunta rito. May mga iba't-iba ring booths ng mga palaro na kapag nanalo ay may mga premyo.
"Pakiramdam ko kasi ngayon ay gusto kong bumalik sa pagkabata," sabi ni Derek saka ngumiti.
Nanatili namang nakatingin si Aiden kay Derek. Tiningnan ni Derek si Aiden. Nagtagpo ang tingin nila.
Ningitian ni Derek si Aiden. "Let's go," pag-aaya na niya.
Napangiti si Aiden saka tumango-tango siya. Nagsimula na silang mamasyal at sumakay sa mga rides. Una nilang sinakyan ay ang roller coaster kung saan panay lamang ang sigaw nila habang mabilis itong umaandar sa ere. Tinataas pa nila ang kanilang mga kamay at kitang-kita sa kanilang mukha ang saya.
"I love you!!!" hiyaw ni Derek na ikinalaki ng mga mata ni Aiden sa gulat at tumingin sa katabi. Tiningnan naman siya ng una saka ningitian siya nito. Napangiti na lang ng maliit si Aiden.
"I love you!!!" sigaw ulit ni Derek. Nananatili namang nakatingin sa kanya si Aiden. Hindi nila alintana na may mga napapatingin sa kanilang ibang tao.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...