Abala si Aiden sa pagtitiklop ng mga damit na nagulo kanina ng customer. Bukod sa pagbebenta, ito lamang ang ginagawa niya sa ngayon dahil wala pa ulit costumer na lumalapit sa pwesto niya.
Hindi naman namamalayan ni Aiden na palapit sa kanya ang isa niyang kasamahan na si Eark. Nakasilay ang ngiti sa labi nito habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Aiden.
"Hi, Aiden," pagbati ni Eark kay Aiden na ikinatingala at ikinatingin naman nito sa kanya.
Ningitian ni Aiden ang binata. "Hello," balik-pagbati niya.
Lumaki ang nakasilay na ngiti sa labi ni Eark. Lumabas ang puti at pantay nitong mga ngipin na isa sa mga asset ng binata.
"Ako si Eark, tanda mo pa?" tanong ni Eark kay Aiden.
Tumango-tango si Aiden. "Isa ka sa pinakilala sa akin ni bisor," sagot niya.
Ngumiti naman ulit si Eark. "Kumusta ka naman dito?" pagtatanong niya. "Hindi ka naman ba nahihirapan sa work mo?" sunod niya pang tanong.
"Hmmm... okay lang naman, hindi ako nahihirapan," sagot ni Aiden. "Pwera lang sa maghapong pagtayo," aniya pa.
Tinango-tango ni Eark ang ulo niya na nakuha ang ibig sabihin ng huling sinabi ni Aiden. "Lahat tayo ay 'yan ang reklamo," nangingiting sabi niya pa na ikinangiti na lang din ni Aiden. "Anyway, pwede kang makipag-usap sa akin o sa iba pa nating ka-work dito para hindi ka ma-bore," wika niya pa. "Napapansin ko kasi na lagi ka lang nandito sa pwesto mo at tahimik," dugtong pa niya.
Napangiti naman ulit si Aiden. Natutuwa siya dahil mabait si Eark sa kanya. Nararamdaman niya 'yon sa awra pa lang nito habang tinitingnan niya ang binata.
May itsura si Eark. Pilipinong-pilipino ang kanyang dating dahil sa moreno at makinis nitong balat. Matangkad kumpara kay Aiden at slim ang pangangatawan na bumagay sa angkin nitong taas.
"Oo nga pala, mga next week magkakaroon tayo ng inventory. Paghandaan mo 'yun ah," paalala ni Eark. "Marunong ka naman siguro mag-inventory, 'di ba?" tanong pa niya.
Tumango-tango si Aiden. "Tinuro 'yon nu'ng orientation. Nakuha ko naman agad 'yung tinuro nila sa'min," sagot niya.
"Mabuti at natutunan mo kaagad," natutuwang wika ni Eark. "Pero kung may hindi ka pa maintindihan ay pwede mo akong tanungan o pwede din 'yung iba pa nating kasamahan ang tanungin mo," sabi niya. "Huwag kang mahiya kasi pare-parehas naman tayong empleyado rito," dagdag pa nito saka ningitian si Aiden.
Tipid na ngumiti si Aiden. "Tatandaan ko. Salamat," pasasalamat niya.
Mas lalo namang napangiti si Eark sa sinabi ni Aiden. "Nga pala, alam mo bang usap-usapan ka ng mga kasamahan natin dito pati na rin sa iba pang department?" tanong niya.
Kumunot ang noo at nagsalubong ang makapal na kilay ni Aiden. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Aiden. Bigla tuloy siyang napaisip na baka galit sa kanya ang mga ito. Naalala din niya ang usapan nila ni Derek kagabi. ''Yun kaya ang dahilan o baka galit nga sila?' pagtatanong niya sa kanyang isipan. 'Pero hindi naman sila mukhang galit sa'kin,' sabi pa niya sa kanyang utak.
"Huwag mong isipin na kaya ka nila pinag-uusapan kasi galit sila sayo," napapangiti na sabi ni Eark.
'Hala! Nabasa niya ang nasa isip ko?' hindi makapaniwalang tanong ni Aiden sa isipan niya.
Ningitian ni Eark si Aiden. "Pinag-uusapan ka nila kasi ikaw daw ang pinakagwapo ditong empleyado sa mall," aniya.
Nanlaki ang mga mata ni Aiden. "Totoo?" tanong niya sa hindi makapaniwalang tono. 'So totoo nga ang sinasabi ni Derek?' iniisip niya pa.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister's Lover (BL) - FIN
RomanceSYNOPSIS: Ikakasal na sana ang kakambal ni Aiden na si Asha sa fiance nito na si Derek, ngunit isang araw bago ang mismong araw ng kasal ay biglang nawala na parang bula si Asha. Para hindi mapahiya ang kani-kanilang pamilya sa lahat at hindi magdul...