CHAPTER 46

194 9 1
                                    

Kumurba ng magandang ngiti ang labi ni Derek nang matapos niyang maayos ang almusal nila ni Aiden sa ibabaw ng lamesa. Nasa hotel pa rin sila at mamayang tanghali ay aalis na din sila dito para maghanap ng kanilang bagong titirhan.

Pamaya-maya ay nilingon ni Derek ang kinaroroonan ng kama. Mas lalo siyang ngumiti nang makita si Aiden na mahimbing pa rin ang tulog habang nakahiga nang patihaya sa ibabaw nito.

Umiwas nang tingin si Derek kay Aiden saka naglakad papunta sa bintana. Tumayo siya sa tapat nito at tumingin sa labas. Papasikat na ang araw at sa tingin niya ay magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw.

Samantala, nagising na si Aiden. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang kulay dirty white na kisame ng hotel room na tinutuluyan nila.

Nag-stretching ng bahagya ng kanyang katawan si Aiden habang nakahiga pa rin sa ibabaw ng kama. Humikab siya nang pagkalaki-laki saka inalis ang tingin sa kisame. Tiningnan niya ang kinaroroonan ni Derek. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya ng makita ang binata na nakatayo sa harapan ng salaming bintana at tinitingnan ang view sa labas.

Mahinang nagbuga ng hininga niya si Aiden. Medyo magaan na ang pakiramdam niya ngayon hindi kagaya kahapon na sobrang bigat. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa ibabaw ng kama. Muli siyang humikab. Napatingin pa si Aiden sa lamesa kung saan nakahain na sa ibabaw nito ang kakainin nila sa almusal habang nakanganga ang bibig niya. Tinikom niya ang kanyang bibig saka ngumiti ang labi niya. Tiningnan niya ulit si Derek.

Nakaramdam si Derek na may nakatingin sa kanya kaya bumalik ang tingin niya sa kama at nakita niya si Aiden na gising na at nakaupo sa ibabaw ng kama. Umalis siya sa harapan ng bintana saka nilapitan ang kinaroroonan ng nobyo.

"Kumusta naman ang tulog mo? Okay lang ba? Naging komportable ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Derek kay Aiden.

Ningitian ni Aiden si Derek. Tinango-tango din niya ang kanyang ulo. "Naging comfortable naman ako," sagot niya. "Malambot ang kama," aniya pa saka bahagyang hinampas ng kanan niyang kamay ang foam ng kama.

Tumango-tango si Derek. "That's good," wika niya. "Tara na at kumain na muna tayo," pag-aaya niya pa. "Pero bago 'yan, maghilamos at mag-toothbrush ka muna," sabi pa niya.

Tumango-tango si Aiden saka tipid na ngumiti. "Sige," sagot niya na ikinangiti naman ni Derek.

---

Magkaharap at nasa magkabilang side ng lamesa sina Aiden at Derek at kasalukuyan nilang pinagsasaluhan ang almusal na dinala sa kanila ng staff ng hotel.

"Mabuti at masarap ang pagkain kahit hindi mahal ang pag-stay dito sa hotel," sabi ni Derek. "Nakatipid tayo," kanya pang dugtong.

Tiningnan ni Aiden si Derek na nakatingin din sa kanya. Ngumiti siya saka bahagyang tinango-tango ang kanyang ulo.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Derek habang tinitingnan ng mataman si Aiden.

"Mas okay na kaysa kahapon," sagot ni Aiden sa tanong ni Derek.

Ngumiti si Derek. "Sige at kumain ka pa ng marami," sabi niya.

Napangiti na lamang si Aiden sa sinabi ni Derek. Sinuklian naman iyon ni Derek ng kanyang ngiti.

---

Umalis na sa tinutuluyang hotel sina Aiden at Derek. Magkasabay silang naglalakad sa gilid ng daan.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" pagtatanong ni Aiden saka niya tiningnan si Derek.

Naalis ang tingin ni Derek sa daan at nalipat kay Aiden. Nagtagpo ang mga mata nila. Ningitian niya ito.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon