CHAPTER 30

193 13 4
                                    

  Magkasabay na naglalakad nang mabagal sa gilid ng pampang sina Aiden at Derek. Kapwa nililibot nila nang tingin ang buong paligid na hindi pa rin nagbabago ang angking ganda. Parehas silang walang suot na tsinelas kaya ramdam ng kanilang mga paa ang pagkapino ng puting buhangin na kaysarap sa kanilang pakiramdam.

Sinulyapan ni Derek si Aiden. Napansin niya ang nakasilay na ngiti sa labi nito kaya napangiti rin tuloy siya. Bahagya pa siyang umusog palapit kay Aiden saka tiningnan muli ang paligid.

Nararamdaman naman ni Aiden na bumubunggo ang braso at kamay ni Derek sa kanya kaya tiningnan niya ito. Napansin niyang nakangiti si Derek habang tinitingnan ang paligid.

Napangiti na lamang si Aiden saka muling tiningnan ang nilalakaran nila. Hindi niya maikakaila na sobrang masaya siya ngayon at hinihiling niya na sana ay hindi na ito matapos pa. Kahit alam niya sa kanyang sarili na ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan... kabilang na doon ang pakiramdam. Hindi naman masamang humiling lalo na at dumaan rin siya sa matinding kalungkutan nitong nakaraan lamang.

"Okay na ba talaga ang pakiramdam mo?" tanong ni Derek kay Aiden at tiningnan niya ito.

Tiningnan muli ni Aiden si Derek. Nagtapo ang kanilang mga tingin.

"Huwag kang mag-alala. Okay na talaga ako," sagot ni Aiden saka ningitian si Derel. "Ikaw ba naman ang nag-alaga sa akin, siguradong gagaling ako kaagad dahil sa galing mo," dugtong pa nito saka ngumiti.

Mas lalo namang napangiti ang labi ni Derek. Umiwas nang tingin si Aiden kay Derek at muling tiningnan ang paligid.

Nanatili namang nakatingin si Derek kay Aiden. Pamaya-maya ay bumaba ang tingin niya at napunta sa kamay ni Aiden. Huminga nang malalim habang nakatitig sa kamay nito.

Muling napatingin si Aiden kay Derek at sumunod ay sa magkahawak na nilang kamay nang naramdaman niya ang paghawak nito sa kanan niyang kamay.

Ningitian naman ni Derek si Aiden. Pinisil pa niya ang kamay ni Aiden na hawak-hawak niya.

Ngumiti na lang ulit si Aiden at hinayaan na lamang niya ang kamay ni Derek na hawak ang kanyang kamay. Umiwas siya nang tingin dito saka napangiti lalo. Hindi niya maitatanggi na gusto niya ang paghawak nito sa kanyang kamay dahil sa gumagaan ang pakiramdam niya.

"Pumunta tayo sa pinakadulo. May mga batuhan doon at pwede tayong maupo at magmuni-muni dun," aya ni Derek.

Napatango-tango na lamang si Aiden habang nakatingin pa rin sa nilalakaran nila. Napangiti naman muli si Derek. Pakiramdam niya, siya na ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon dahil hawak niya ang kamay ni Aiden.

Magkahawak kamay na tinungo nila Aiden at Derek ang batuhan na nasa dulo ng isla na ito.

---

Nakarating na sina Aiden at Derek sa batuhan at magkatabi silang nakaupo doon. Humahampas sa ibabang bahagi ng batuhan ang tubig dagat.

Parehas na nakatingin sina Derek at Aiden sa malawak na karagatan. Napakaganda nitong pagmasdan lalo na at maaliwalas ang panahon.

"Nasubukan mo ng mangisda dito?" tanong ni Aiden saka tiningnan si Derek.

Napatingin naman si Derek kay Aiden. Umiling-iling siya. "Hindi pa," sagot niya. "Minsan lang naman kasi akong pumunta dito tapos hindi rin naman ako nagtatagal," dugtong pa niya.

Tumango-tango si Aiden.

"Bakit? Gusto mo bang mangisda tayong dalawa?" tanong ni Derek.

Umiling-iling si Aiden. "Ayoko," sagot nito.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon