CHAPTER 14

389 16 0
                                    

Matapos kumain nina Aiden at Derek saka magligpit sa kusina ay pumunta silang dalawa sa sala. Kaagad na naupo si Derek sa sofa habang nanatili namang nakatayo si Aiden sa tabi.

Tiningnan ni Derek si Aiden. "Anong gusto mong panuorin?" tanong niya sa binata.

"Hmmm... kahit ano na lang," sagot ni Aiden.

Kumunot ang noo ni Derek. "Sinong bida dun?" tanong niya sa nagtatakang tono.

Kumunot din ang noo ni Aiden. Natawa naman si Derek. Nagbibiro lamang siya.

"Sige na at tabihan mo na ako dito. Ako na ang pipili ng pelikulang papanuorin natin," ani Derek.

Tumango-tango na lang si Aiden saka sinunod si Derek. Naupo na ito sa mahabang sofa katabi ni Derek. Pumili naman si Derek ng pelikulang papanuorin nila sa laptop.

"Mabuti na lang at marami-rami rin akong na-download na pelikula dito," sabi ni Derek. "Ano bang gusto mong genre? Action, romance, comedy, horror, gore?" tanong pa nito saka muling tiningnan si Aiden.

"Action na lang," sagot ni Aiden. Sa totoo lang, may parte sa kanya na ayaw manuod ng pelikula pero nahihiya naman na siyang tumanggi. Ewan ba niya kung kailan pa umiral sa kanya ang pagiging mahiyain.

"Okay," tumatangong wika ni Derek saka muling tiningnan ang screen ng laptop niya at nag-scroll. "Ito na lang latest na pelikula ni Jackie Chan," sabi pa nito.

Napatango-tango na lamang si Aiden sa sinabi ni Derek. Pinindot ni Derek ang expand icon sa ibabang gilid ng laptop saka pinindot ang play.

"Ayan! Action na!" natutuwang litanya ni Derek saka sumandal na ng prente sa sandalan ng sofa.

Sumandal na rin si Aiden sa sandalan ng sofa. Nagsimula nang tumakbo ang pelikula. Intro pa lang ay ma-aksyon na ang pelikula ni Jackie Chan. No wonder na marami itong fans dahil hindi maikakaila na magaganda ang mga pelikulang nagawa nito kabilang na ang pinapanuod nila.

"Grabe 'yung mga stunts ni Jackie Chan. Parang wala siyang kahirap-hirap na ginagawa ang mga iyon," paghanga ni Derek habang nakatutok ang mga mata sa pinapanuod niya.

Tumango-tango naman si Aiden habang nanunuod din. Ilang sandali pa ay nanahimik na silang dalawa at tanging ang ingay sa pelikula ang pumapailanlang na tunog sa paligid. Makapigil-hininga ang mga eksena at hanep ang mga action stunts na napapanuod nila. Kahit si Aiden, bumibilib sa kanyang napapanuod na mga action scenes.

Lumipas ang halos isang oras at nasa kalagitnaan na ang pelikula. Hindi napigilang tingnan ni Aiden si Derek na kanina pa tahimik.

Hindi napigilan ni Aiden na matawa ng mahina. "Kaya pala sobrang tahimik na niya dahil nakatulog na," aniya habang tinitingnan si Derek na nakapikit na ang mga mata at nakabuka pa ng bahagya ang bibig. Marahil ay napagod na din ito dahil sa kanina pa naman ito nanunuod ng mga pelikula hindi katulad niya na bagong gising lang.

Malayang pinagmasdan ni Aiden ang mukha ni Derek. "Kapag nakapikit pala siya ay mahahaba ang pilik-mata niya. Makapal ang kanyang mga kilay. Matangos din ang ilong niya," mahihinang salita niya habang pinagmamasdan isa-isa ang parte ng mukha ng huli.

Natitigan din ni Aiden ang labi ni Derek. Hindi makapal at hindi rin naman manipis. Tama lang at halatang malambot.

Naalala tuloy ni Aiden ang nangyaring kasal, 'yung hinalikan siya ni Derek sa labi. Iyon ang unang beses na may isang lalaki na nakahalik sa kanya.

Nakagat ni Aiden ang ibabang labi niya. Sa totoo lang, ramdam pa rin niya hanggang ngayon 'yung lambot at init na hatid ng labi ni Derek sa labi niya. Pakiramdam niya ay tumatak ito sa labi niya at hindi na naalis pa.

Mabilis na umiwas nang tingin si Aiden mula kay Derek. Ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib.

"Sh*t! Ano bang nangyayari sa akin?" naguguluhang tanong ni Aiden sa sarili. Sinampal-sampal niya ng mahina ang magkabilang pisngi niya.

Kung dati, mga babae lang ang natititigan niya sa mukha at nade-describe niya kung gaano kaganda ang mga ito pero ngayon... napailing-iling na lamang siya sa kanyang realization.

Nag-pokus na lamang si Aiden sa panunuod. Inalis niya sa kanyang sarili ang kakaibang nararamdaman. Pinapakalma ang pusong wagas na naman kung makatibok.

Hindi pa alam ni Aiden kung ano talaga ang nangyayari sa kanya pero ang sigurado niya, may kinalaman ang lalaking katabi niya ngayon sa lahat ng mga kakaibang nangyayari sa kanya.

At naiinis siya dahil doon.

Nagulat at medyo napapiksi pa si Aiden dahil biglang may pumatong sa kanyang kaliwang balikat. Nilingon niya ito at nakita niyang nakadantay na ang ulo ni Derek sa balikat niya habang mahimbing pa rin ang tulog. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya kumakabog na naman ang dibdib niya sa kaba.

"Pucha!" mahinang sambit ni Aiden. Tinikom niya ang kanyang bibig.

Nagulantang pa si Aiden dahil biglang niyakap ni Derek ang braso niya at nagsumiksik palapit sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?" naiinis na bulong ni Aiden.

Naisipang alisin ni Aiden ang ulo ni Derek sa kanyang balikat at tanggalin ang pagkakayakap nito sa kanya pero napatigil siya.

"Baka magising naman siya," mahinang saad ni Aiden. Lumukot ang mukha niya. "Hays! Kainis naman," naiinis na sabi pa niya.

Napakamot na lang sa likod ng ulo si Aiden. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka bumuntong-hininga ng malalim. Hinayaan na lang niya si Derek na nakadantay sa kanya at nakayakap.

"Bahala na nga siya," bulong pa ni Aiden saka iniling-iling ang kanyang ulo. Muli na lang siyang nanuod ng pelikula.

---

Malalim na ang gabi at natapos na ang pelikula pero gising na gising pa rin ang diwa ni Aiden. Nakaupo pa rin siya sa sofa at hindi masyadong gumagalaw.

Tiningnan ni Aiden si Derek na sleeping pretty na natutulog pa rin at nakaunan ang ulo sa balikat niya at nakayakap sa braso niya. Naririnig pa ni Aiden ang mahihinang hilik nito senyales na ang himbing-himbing ng tulog nito.

Muli na namang nalunod si Aiden sa pagtingin sa mukha ni Derek. Ang gwapong mukha nito na maamo.

Sa pagtitig ni Aiden sa mukha ni Derek, mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

'Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito pagdating sayo? Ayoko nang ganito. Ayoko nang ganito.'

Umiwas nang tingin si Aiden mula kay Derek. Marahas na napabuntong-hininga siya.

'Habang tumatagal na kasama ko siya, mas lalo lang tumitindi ang kakaibang nangyayari sa akin. Anong gagawin ko?'

'Kung lumayo na kaya ako at iwan na lang siya dito? Pero magtataka naman siya kung bakit ko 'yon ginawa. Ako rin naman, nagtataka na rin ako sa sarili ko, kung bakit nagkakaganito pagdating sa kanya. Sh*t naman! Nababaliw na ba ako?'

Pakiramdam ni Aiden, wala na siyang magagawa at sinasabi ng kanyang isipan na hayaan na lamang niya ang mga kakaibang nangyayaring ito sa kanya.

'Pero hindi pwede. Hindi ko ito pwedeng hayaan. Kailangan may gawin ako.'

Kailangan na may gawin talaga si Aiden dahil kung wala, baka mamalayan na lamang niya na lunod na lunod na siya sa mga kakaibang nararamdaman niya at hindi na siya makaahon pa.

'Hindi ako pwedeng malunod sa pakiramdam na 'to,' sa isip-isip pang wika ni Aiden. Nagbuga na lang siya ng hininga.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon