CHAPTER 5

283 11 1
                                    

Natatawa na lamang ng pagak si Aiden habang tinitingnan si Derek. Mabagal niya pang iniling-iling ang kanyang ulo saka nagbuga ng hininga.

"Iinom nang marami tapos hindi pala kayang dalhin ang sarili," nadidismayang wika ni Aiden. Muli siyang natawa.

Yukong-yuko si Derek sa mesa at hindi na makatayo pa dahil sa sobrang kalasingan. Nakapikit na ang mga mata nito at mahimbing na ang tulog. Naririnig pa ni Aiden ang may kalakasan nitong hilik.

"Hoy! Gumising ka diyan at dun ka matulog sa kwarto mo!" Paulit-ulit na kinalabit ni Aiden si Derek sa balikat at braso nito. "Hindi naman pwedeng dito ka sa kusina matulog," aniya pa.

"Uhmmm..." ungol lang ni Derek na nananatiling nakasubsob sa ibabaw ng lamesa.

Mabagal na napailing-iling ulit si Aiden. Nagbuga ulit siya ng kanyang hininga. "Tsk! Mukhang ako pa ang magdadala sa kanya sa kwarto niya," naiinis na bulong niya. "Hindi ko naman pwedeng iwan siya dito sa kusina ng ganyan," wika pa niya.

Malakas ang alcohol tolerance ni Aiden kaya hindi siya basta-basta napapagbagsak ng alak kahit marami na siyang nainom. Advantage 'yun para sa mga kainuman niya pero para kay Aiden, disadvantage iyon dahil madalas ay siya ang natotoka sa pagbabantay o paghatid sa mga lasing niyang kaibigan na nakakainuman.

Huminga na lang ng malalim si Aiden. Tinungga niya ang natitira pang beer sa hawak niyang lata nito saka nilamukos ito pagkatapos. Pinatong niya iyon sa mesa saka tumayo sa inuupuan niya at nilapitan si Derek.

"Hoy! Tumayo ka na diyan at doon ka sa kwarto mo matulog," singhal ni Aiden kay Derek saka kinalabit muli ito sa balikat.

Ngunit puro ungol lamang ang isinusukli ni Derek kay Aiden.

"Tsk!" Napapalatak na lamang si Aiden. Medyo naiinis na naman siya.

Tiningnan ni Aiden ang buong kusina. Ang daming kalat na kailangan niyang linisin. Gag* man siya pero ayaw niya ng maruming paligid.

"I-I love you, Asha." Muling tinapunan ni Aiden ng tingin si Derek nang marinig niya ang sinabi nito. "I love you... Asha," pag-uulit pa nito habang nakapikit ang mga mata. "Ma-mahal na mahal kita Asha... please... huwag mo kong iwan," sabi pa nito sa malungkot na himig.

Huminga nang malalim si Aiden. "Mukhang napapaginipan niya si Ate," bulong niya. Nakaramdam ulit siya ng awa para kay Derek. Hanggang sa panaginip ay nasasaktan ito sa ginawa ng ate niya.

Wala nang magagawa pa si Aiden kundi ang dalhin si Derek sa kwarto nito at doon matulog. Sigurado naman din kasing hindi siya mapapakali kung hahayaan niya lamang si Derek na matulog sa kusina. Hinawakan niya si Derek sa mga braso at magkabilang gilid saka ito dahan-dahang binuhat patayo. Nahihirapan si Aiden sa pagbuhat dahil damulag si Derek habang hindi naman ganu'n kalaki ang katawan niya kung ikukumpara sa katawan ng huli.

"Lintik naman! Pahirap ka naman o!" naiinis na reklamo ni Aiden. Lumukot pa ang mukha niya. Nawala bigla ang pagkaawa niya para kay Derek na hindi na ulit nagsalita.

Ia-akbay na sana ni Aiden ang isang braso nito sa balikat niya ngunit napasigaw na lang siya bigla ng malakas.

"Sh*t!!!" malakas na hiyaw ni Aiden at kaagad na binitawan si Derek. Hinayaan itong bumagsak sa sahig at mahiga doon. Sobrang pagkainis ang nararamdaman niya.

"Pucha ka naman Derek!" Inis na inis si Aiden. Tiningnan niya ang sarili na sinukahan ni Derek. Buong harapan ng t-shirt niya ay puro suka nito. Nangamoy alak tuloy siya.

Ramdam ni Aiden ang init ng suka ni Derek dahil sa alak na ininom dagdagan pa ang lagkit na hatid nito. Nakaramdam siya ng pandidiri.

"Pucha ka talaga!" Sobra-sobra na ang inis na nararamdaman ni Aiden. Tiningnan niya ng masama si Derek na umuungol habang nakahiga sa sahig.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon