CHAPTER 7

516 21 0
                                    

  Nakabusangot ang mukha ni Aiden. Nakaligo na siya at nakapagbihis na pero hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya kay Derek dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Akala mo close kami kung pag-tripan niya ako. Tsk!"

Napailing-iling na lamang si Aiden. Pupunta na sana siya sa kama niya para mahiga pero bigla siyang sininok.

"Lintik naman! Ngayon ka pa talaga nauhaw?" panenermon ni Aiden sa kanyang sarili.

Nagbuga na lang ng hininga si Aiden at sa halip na dumiretso sa kanyang kama ay sa pintuan ng kanyang kwarto siya tumungo.

Lumabas si Aiden saka bumaba ng hagdanan. Papunta na siya sa kusina nang makasalubong naman niya si Derek na nagpupunas ng buhok gamit ang twalyang hawak nito. Ngayon lamang ito umahon sa pool at pumasok ng bahay.

Huminto sa paglalakad si Aiden at sinamaan nang tingin si Derek. Ningitian naman ni Derek si Aiden.

'Nang-aasar talaga ang g*gong 'to,' sa isip-isip ni Aiden.

Umiling-iling na lang si Aiden saka iniwas ang tingin kay Derek at muling naglakad papunta sa kusina.

"Magbihis ka."

Huminto muli sa paglalakad si Aiden at nilingon si Derek. Kumunot ang noo nito.

"Di ba gusto mong malaman ang pasikot-sikot at mga lugar dito sa Maynila?" tanong ni Derek.

"Tapos?" pilosopong tanong ni Aiden na nakataas ang mga kilay.

Ngumiti ulit si Derek. "Ililibot kita," aniya.

Hindi kaagad nakapagsalita si Aiden at nakatingin lamang siya kay Derek.

Nagkibit-balikat naman si Derek. "Maliligo at magbibihis na ako. Dapat tapos ka na kapag natapos na ako. Ayokong naghihintay," sabi nito.

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong ni Aiden.

Ngumisi si Derek. "Bakit mo natanong? Nag-aalala ka ba sa akin?" magkasunod na tanong niya.

Sumimangot si Aiden saka umiwas nang tingin kay Derek. "Ayoko lang makarinig ng mga reklamo habang naglalakad," masungit na sabi niya nang hindi tinitingnan ang kausap.

Mas lalong napangisi naman ang labi ni Derek. "Huwag kang mag-alala, nakainom na ako ng gamot kanina kaya hindi na masakit ang ulo ko," aniya.

"Anong pakiealam ko?" bulong ni Aiden.

"Nagtatanong ka tapos anong pakiealam ko?" bulong ni Derek. Napailing na lang siya. "Sige na at maghanda ka na," sabi na lamang niya saka tinalikuran na si Aiden at naglakad papunta sa hagdanan.

Muling napatingin si Aiden kay Derek na nakatalikod na mula sa kanya. Iniling na lang niya ulit ang kanyang ulo. Pamaya-maya ay huminga siya ng malalim saka nagpunta na sa kusina para uminom ng tubig.

---

"Ito ang Luneta Park," ani Derek saka tiningnan si Aiden.

Magkasabay sila na mabagal na naglalakad sa gitna ng Luneta Park. Tinitingnan ni Aiden ang buong paligid at hindi niya maitatanggi na maganda dito dahil maraming mga puno at halaman bukod pa sa gusto niya ang hangin dahil presko.

Pasulyap-sulyap naman si Derek kay Aiden. "Maraming pwedeng pasyalan dito pero kung gusto mo lang maglakad-lakad o kaya mag-jogging, okay rin dito. Medyo malapit lang din sa bahay natin," aniya pa.

Parang wala namang naririnig si Aiden dahil patuloy lamang ito sa pagtingin-tingin sa maaliwalas na paligid kagaya ng panahon ngayon.

"Mamaya, sa Divisoria naman tayo pumunta."

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon