FINALE

352 18 4
                                    

Nasa loob ng dining room ng mansyon sila Aiden, Derek, Asha at Faye. Sa kaliwang bahagi nakaupo sina Asha at Faye habang sa kanan naman kaharap nila sina Aiden at Derek.

Nakahain sa mahabang lamesa ang mga pagkaing ipinahanda nila kanina sa mga katulong na kanilang pinagsasaluhan.

Tiningnan ni Aiden sina Asha at Faye. Ningitian niya ang mga ito. Napansin naman ni Asha si Aiden na nakatingin sa kanya at nakangiti na nagpakunot sa kanyang noo.

"Bakit ka nakatingin sa'kin?" nagtatakang tanong ni Asha sa kakambal.

Muling ningitian ni Aiden si Asha. "Wala lang," sagot niya. "Natutuwa lang ako na makita kayong dalawa. Bagay na bagay kayo," sabi pa niya saka tiningnan ulit si Faye.

Napangiti naman si Asha sa sinabi ni Aiden at gayundin si Faye. Tiningnan naman ni Derek si Aiden.

"Kayo din naman, bagay kayo ni Derek," ani Asha saka tiningnan ang dalawang lalaki sa harapan niya.

Napangiti naman si Aiden at Derek sa sinabi ni Asha.

"Oo nga pala, ano ng plano niyo pagkatapos?" tanong ni Asha.

"Kami?" tanong ni Aiden sa nagtatakang tono.

Tumango-tango si Asha. "Siguro naman may plano na kayo," aniya pa.

"Hmmm... siguro babalik kami sa Maynila kasi nandun na ang buhay namin," sagot ni Aiden saka tiningnan si Derek. "Di ba, Derek?" tanong pa niya sa nobyo.

Tiningnan ulit ni Derek si Aiden saka tumango-tango bilang sagot. Ningitian naman ni Aiden si Derek saka niya muling ibinalik ang tingin sa kapatid.

"Kayo ba? Anong plano niyo?" pagtatanong naman ni Aiden. "Babalik ba kayo sa Mindoro?" tanong pa niya.

Nagkatinginan sina Asha at Faye. Ningitian nila ang isa't-isa saka ibinalik ang tingin kay Aiden. Tumango-tango si Asha bilang sagot sa tanong ni Aiden.

"May naiwan kasi kaming negosyo doon na dapat pa naming asikasuhin," saad ni Asha.

Bahagyang ngumiti ang labi ni Aiden. "Wala palang maiiwan dito sa mansyon," sabi niya.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Asha. "Sigurado namang aalagaan ng mga katulong natin dito ang mansyon na ito," sabi niya pa.

"Sabagay," sabi na lamang ni Aiden. "Anyway, 'yung tungkol sa mga kumpanya nila mama at papa, balak ko na sanang ibenta ang mga shares nila sa mga iyon ang kaso hindi ko pa nagagawa kasi kailangan may approval mo," wika pa niya kay Asha.

"Sige at ayusin na muna natin ang mga dapat ayusin dito bago tayo umalis," ani Asha.

Napangiti naman si Aiden sa sinabi ni Asha.

"Kumain na nga muna tayo at mamaya na mag-usap," pagsabat ni Derek sa usapan.

Tiningnan naman si Derek nina Aiden, Asha at Faye saka tumawa dahil sa pagiging seryoso niya.

"Oo na po," nangingiting sabi ni Aiden.

Napapangiti na napapailing na lamang si Derek.

---

Sumapit na ang gabi. Nakatayo sa veranda ng mansyon si Aiden at pinagmamasdan ang paligid ngayong gabi. Nangingiti ang labi niya dahil sa magandang tanawing nakikita ng mga mata niya. Malapit ng bumilog ang buwan sa madilim na kalangitan habang nagkikislapan naman ang mga bituin sa paligid nito.

Magaan na ang pakiramdam ni Aiden dahil unti-unti ay nagiging maayos na ang lahat at sana magtuloy-tuloy na ito.

Samantala, hinahanap naman ni Derek si Aiden sa nakakabinging katahimikan ng gabi. Galing siya sa kusina dahil uminom siya ng tubig. Patuloy lamang siyang naglalakad hanggang sa maisipan niyang umakyat ng hagdanan.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon