CHAPTER 2

350 13 0
                                    

  "Your twin sister is missing."

Mabilis na tiningnan ni Aiden ang ina niyang si Donya Esmeralda. Kumunot ang makinis nitong noo at nagsalubong ang makapal na kilay.

"What? Nawawala si Ate?" hindi makapaniwalang tanong ni Aiden. Kambal man sila ng kapatid pero mas nauna itong ilabas sa mundo ng ilang minuto.

Marahang tumango-tango si Donya Esmeralda. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at pagkabahala.

"Sa ngayon ay pinapahanap na siya ng Papa mo."

"Baka naman may pinuntahan lang. Teka, I will call her-"

"Hindi na rin siya ma-contact," putol ni Donya Esmeralda sa sasabihin at gagawin ni Aiden.

Napatigil naman si Aiden. Diretso siya nakatingin sa ina kung saan malaki ang pagkakahawig nilang magkapatid.

"Bukas na ang kasal niya pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nawala. Hindi natin alam kung nasaan siya," nag-aalalang sabi ni Donya Esmeralda. "Where is she? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya," dagdag pa niyang sambit.

"Alam ba ito nila Tito at Tita?" tanong pa ni Aiden.

Tumango-tango ang donya. "Pinaalam na namin sa kanila hangga't maaga pa," sagot nito.

"'Yun naman pala eh. Iurong na lang natin ang kasal-"

"No way!" sigaw ni Donya Esmeralda na ikinagulat ni Aiden.

"Ma," ang nasabi na lamang ni Aiden. "Bakit ka sumisigaw?" mariing tanong pa niya.

Mabilis na umiling-iling si Donya Esmeralda. Nagbuntong-hininga ito ng malalim. "Kailangang matuloy ang kasal. Hindi sang-ayon sila Rina at Danilo na itigil iyon," madiin na wika nito. Ang tinutukoy ni Donya Esmeralda ay ang magulang ni Derek. "Siguradong masasaktan si Derek at mapapahiya ang mga pamilya natin lalo na at usap-usapan ang kasal na ito. Malaking eskandalo lalo na sa pamilya ni Derek," dugtong pa niya.

"So, anong gagawin natin? Nawawala si Ate and we don't know why," wika ni Aiden. "Baka naman na-kidnap siya," dugtong niya pa. "Kung ganun nga, kailangan nating pumunta sa mga pulis para ipa-imbestiga ito-"

"No, Aiden!" putol muli ni Donya Esmeralda sa sinasabi ni Aiden na nagulat na naman sa biglaan niyang pagsigaw.

"Ma," ang nasabi lamang ni Aiden habang diretso ang pagtingin sa ina.

"Kung na-kidnap man siya, dapat kinontak na tayo ng mga kidnappers para sa ransom, 'di ba?" tanong ni Donya Esmeralda. "Ngunit hanggang ngayon... wala... walang kumokontak sa atin," aniya pa.

"Pero kailangan pa rin natin itong ipaalam sa mga pulis," madiin na saad naman ni Aiden. "Paano kung may nangyari ng hindi maganda kay ate?" tanong niya pa.

Umiling-iling si Donya Esmeralda. "That's not the right thing to do," aniya. "Walang pwedeng makaalam ng pagkawala niya," dugtong niya pa.

"Ma naman," hindi makapaniwalang sambit ni Aiden. Umiling-iling pa siya. "Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" tanong pa nito.

"I'm so worried!" wika ni Donya Esmeralda sa mataas na boses. "Pero kailangan din nating mag-ingat at hindi magpadalos-dalos sa mga kilos natin," aniya pa. "Paano kung bigla siyang bumalik at malaman nating namasyal lang pala siya?" Umaasa pa rin siyang babalik si Asha at mali lang sila ng mga hinala. "O baka mamaya tumawag 'yung kidnappers niya tapos sinabing huwag tayong tatawag sa pulis at ipaalam ang pagkawala niya kaso huli na dahil pinahanap na natin siya sa mga pulis? Anong gagawin natin? Baka mas lalo lang siyang mapahamak," pagpapatuloy niya pa. "Isa pa, malakas ang kutob kong hindi siya na-kidnap. Ewan ko pero may iba akong nararamdaman na dahilan kung bakit siya nawala," kanya pang dugtong.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon