CHAPTER 6

316 14 2
                                    

Hinihilot nang madiin ni Derek ang magkabilang-sentido niya. Masakit ang kanyang ulo ng siya'y magising dahil sa marami siyang nainom na alak.

Panaka-naka namang tinitingnan ni Aiden ang kaharap na si Derek habang mabagal na ningunguya nito ang kinagat na hotdog na nasa loob ng kanyang bibig. Hindi din nito mapigilan na mapangisi at umiling-iling.

'Iinom-inom kasi ng marami kaya 'yan ang napapala,' sa isip-isip ni Aiden. "Tsk!" palatak pa niya.

Tumigil sa paghilot ng sentido si Derek at tiningnan si Aiden. Kumunot ang noo nito.

"Anong nangyari kagabi?" pagtatanong ni Derek kay Aiden.

Bahagyang kumunot ang noo ni Aiden. "You don't remember?" nagtatakang tanong niya.

"Do you think I will ask you kung meron?" pilosopong balik-tanong ni Derek. "Ang alam ko lang, umiinom ako kagabi pagkatapos wala na akong maalala pagkatapos," dugtong pa niya.

Napaismid si Aiden saka mabagal na umiling-iling. Iniwas niya ang tingin kay Derek saka nagpatuloy sa pagkain.

"Gumawa ako ng mushroom soup. Higupin mo iyon para kahit papaano ay mawala iyong hang-over mo. Uminom ka na rin ng gamot para diyan," wika ni Aiden nang hindi tinitingnan si Derek.

Nanatili namang nakatingin si Derek kay Aiden. Patuloy naman sa pagkain si Aiden. Hindi niya pinapansin ang pagtitig sa kanya ni Derek.

Malalim na bumuntong-hininga si Derek na narinig ni Aiden.

"Sorry."

Napatigil sa pagkain si Aiden dahil sa kanyang narinig. Nag-angat siya ng mukha at tiningnan si Derek. Kumunot ang noo niya.

"Sa tingin ko naabala kita kagabi... kaya pasensya ka na," ani Derek sa seryosong tono. Totoong humihingi siya ng pasensya kay Aiden dahil siguradong naging pasaway siya kagabi.

Mabagal na napailing-iling na lamang ng ulo si Aiden. "Kumain ka na lang diyan," sabi nito saka muling umiwas nang tingin sa kaharap.

Tumango-tango si Derek. Tiningnan nito ang mga nakahaing pagkain. Napangiti ito ng tipid.

"Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?" tanong pa ni Derek. Marami-rami din ang niluto ni Aiden na puro prito gaya ng itlog, hotdog at bacon.

Tiningnan muli ni Aiden si Derek. "Kumain ka na lang," may angas na wika niya.

Bahagyang nag-smirk si Derek. Napatango-tango na lamang muli siya saka sinabayan na si Aiden sa pagkain.

Nanatiling nakatingin si Aiden kay Derek. Ngumiti ito ng tipid.

"Oo nga pala, alam mo ba ang pasikot-sikot ng Maynila?" lakas-loob na tanong ni Aiden na muling ikinatingin sa kanya ni Derek.

Marahang tumango-tango si Derek. "I know," sagot niya. "Why?" nagtatakang dugtong pa nito.

Hindi sumagot si Aiden. Iniwas nito ang paningin kay Derek. "Nothing," sagot lang nito saka marahang umiling-iling. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," sabi pa nito saka tumusok ulit ng hotdog at kinain iyon.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito sa Maynila?" tanong ni Derek.

Hindi sumagot si Aiden. Kahit ang tumingin kay Derek ay hindi nito ginawa at tuloy lang sa pagnguya.

Napangisi naman si Derek habang nananatili ang tingin kay Aiden. "Hayaan mo at ililibot kita dito," aniya.

Tiningnan ni Aiden si Derek. Umismid siya. "May sinabi ba akong ilibot mo ako?" tanong niya.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon