11 - The stars were tough as shit
Cephues POV
"Nakakatamad mag lunch" saad ni Ara habang naka ligkis sa braso ko.
"Pag-kain na nga lang kinatatamaran mo pa" walang emosyong sambit naman ni Bain habang nakatutok sa phone.
"Hindi rin naman kasi masarap ang pagkain sa cafeteria, ang dami pang tao" panggagatong ni Dwayne at nakatutok din ang mga mata sa phone. Naglalaro kasi sila ng online games habang patungo kami ng cafeteria. Umirap naman ako at napangiwi sa inaasal nila.
Medyo wala rin ako sa mood dahil kagabi pa ako gumagawa ng trabahong dapat si Dad ang gumagawa. Nag presinta kasi ang bida-bida kaya ito, puyat ako.
"Kakain lang naman tayo do'n then we're gonna leave and siguro tambay nalang sa may bench." Walang gana ko namang ani habang nakatutok din ang mga mata sa phone.
I'm messaging Stella kasi about do'n sa i-launch ng school namin na new uniform. Since hindi ko naman mahanap sa buong school ang korean-a na iyon ay nag message nalang ako sa kanya.
Nang makarating naman kami sa cafeteria ay nag volunteer na si Bain at Dwayne na sila ang bibili ng pagkain.
Naghanap nalang kami ni Ara ng mauupuan at nang tuluyan na kaming makaupo ay humiwalay na siya sa akin.
Umupo ako sa tapat niya at saka ay sumandal sa pader. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa phone.
"Kanina kana seryoso dyan. Sino bang kausap mo?" Tanong ni Ara, sinulyapan ko siya saglit at nagpakita ng apologetic smile.
"Si Stella, we're talking about the new uniforms kasi e. I told her to come and see me here at the cafeteria." Walang gana kont sambit.
"Stella? As in Sora?" I lift my head up with furrowed brows nang biglang naging mataas ang boses niya.
Tumango naman ako sa tanong niya.
"Bakit?"
" 'Wag mo siyang papuntahin dito"
"Bakit naman?"
"Basta"
"I don't like that answer. So bakit?"
"Eh..." Ngumiwi siya at umiwas ng tingin, napakamot pa sa leeg niya na parang naaalibadbaran. Isang sign na may nakakahiya siyang ginawa.
Bagsak balikat tuloy akong tumingin sa kanya.
"Anong ginawa mo?" Malalim na boses ang ginamit ko para naman maintindihan niyang I'm fucking done with her.
"Ehh..." Nagpabebe pa ito kaya nag-iigting na panga ko siyang sinamaan ng tingin.
"Arabella. Julianne. Ross... What did you do?" Mariin kong tanong.
"Ehh kasi naalala mo last week na bigla akong nag absent?"
"Oh, anong meron?" Taas kilay kong tanong. Binaba ko muna ang phone ko para lang makinig sa kanya.
YOU ARE READING
Our Beautiful Constellation
Romance☯ FUTURE YBAÑEZ SERIES ✪ SALVATORE SERIES • Slow Burn • Unedited Cephues Salvatore, a millionaire who married a billionaire for convenience, soon discovers herself entangled in a chaotic world she never anticipated. What started as a practical arr...