17 - The stars dangerous move

6.7K 197 24
                                    


17 - The stars' danger move

Cepheus POV

"I wanna be a professor"

"Bagay sayo" tumitig ako sa babaeng nasa harap ko. Hindi ko pa namalayan na nakangiti na pala ako.

"Professor Kim Sora Hyejin... Prof Stella... Ang ganda." Dagdag ko pa, ngumiti naman siya ng maliit ngunit matamis habang nakatitig sa margarita na in-order niya.

"Professor Kin of Darthmouth University."

"Ah talaga?" Nag pamaywang ako at tinaasan siya ng kilay, tumawa naman siya saka tumingin sa akin.

"Joke lang, ito naman hindi mabiro"

"Nyenye" iyon nalang ang nasabi ko. Kasalukuyan kaming nasa counter ng bar na ito. Humiwalay kami sa mga kaibigan namin dahil lunod na sila sa alak.

Ako naman ay pinagbawalan ni Hyacinth samantalang itong si Stella naman ay ayaw niya at may school project pa siyang gagawin tomorrow morning. Hindi daw siya magpapakalasing pero heto at patuloy sa pag-inom ng alak.

"Pero I really want to be a professor. It's my dream, like goal in life."

"Bakit ka nag architect?" Tanong ko naman before I took a sip of my strawberry juice na talagang pinilit ko ang bartender na ibili ako sa labas.

"Because in my family, everyone is either an architect or an engineer." Mahinang sambit niya.

"And kapag hindi ako sumunod, ipapakasal nila ako sa isang lalaki... FYI, homophobic sila." She laughed in a bitter way, I looked st her with apologetic smile.

"I think kahit naman mag archi ako, they'll forced me to marry someone sooner or later. They're just taking it easy for me for now." Dagdag niya muli. I felt a pang inside my chest when her voice cracked.

As someone who forced myself to marry someone for the sake of the company, alam ko ang hirap at sacrifice. Then there's this responsibility pa na never ko namang na- fulfill.

I pitied this girl. She's from Korea so obviously homophobic ang parents niya, karamihan naman ng tao ganyan.

"Edi itatanan kita." I said out of the blue saka ay humarap sa kanya.

"Huh?" Gulat niyang tugon.

Pati naman ako nagulat sa sinabi ko pero pinanindigan ko na.

"Itatanan kita. Kapag pinilit ka nilang magpakasal sa taong hindi mo naman gusto, I'll snatch you away from your parents." She giggled at my words. Inubos muna niya iyong margarita sa baso saka humarap sa akin.

"Are you hearing yourself, Salvatore?"

"Oo naman, I know the responsibility and I'm ready to take it. Seryoso ako, kaya kapag pinilit ka nila, sabihin mo lang sa'kin at itatanan kita." Ang confident ko pa magsalita which is nakakahiya!

Ngumiti naman siya na abot hanggang tenga.

"Solid kang kaibigan 'no." Nahawa tuloy ako sa ngiti niya.

"Syempre naman, ako pa ba." I flipped my hair and playfully rolled my eyes. Tinawanan naman niya ako saka ay nag order muli ng panibagong shot ng margarita.

Our Beautiful ConstellationWhere stories live. Discover now