13 - The stars were born

6.6K 178 30
                                    

13 - The stars were born

Cephues POV

"The fuck, this one's my favorite of all" sambit ni Ara habang nakatitig sa picture namin ni Hyacinth na naka wrapped ang fingers ko sa kanyang leeg.

"This one's my favorite, look at the chemistry?!" Bainsley said, wheezing. Pinakita niya iyong picture ko na may hawak na skateboard with Hyacinth pinning me down against the wall. She has her hair tied in a ponytail, nakasalamin at nakatutok ang libro sa aking leeg.

In that concept, the gangster was being tamed by the nerd at sa dinami-dami ng na-upload naming pictures on social media ay iyon ang favorite ng karamihan.

"I'd go for that one as well since may chance na mangyari ito in real life." Natatawang saad naman ni Dwayne.

Nasa bench kasi kami ngayon and we're spending our vacant time altogether as always.

Iba na rin ang uniform ko, I'm wearing our new uniforms and gano'n din naman ang mga student council members.

"Nah uh, that's never gonna happen. Why would someone tame me? I'm not an animal." Ngiwi kong saad habang naglalaro sa phone ko.

"Hindi nga, UBS ka lang" nabaling naman ang atensyon ko kay Bain.

"UBS?"

"Untamable Brat Salvatore" nakangisi niyang sagot. Hindi naman ako nakapag timpi at pinakitaan ko siya ng hinlalatok.

"Bakit, totoo naman ah? You're the only Salvatore I know na pinaglihi kay Anger ng Inside Out." Biro ni Ara.

"Ulol, tigil-tigilan nyo ako. Baka mamaya masapak ko kayong dalawa." Biro ko naman habang nakakagat na sa ibabang labi ko.

"Oh kita mo yan, nag 3rd year college lang nagiging mas bayolente na at mataray. Huhu, na-saan na ang minahal kong Cephues, unti unti na siyang nilalamon ng kanyang kasungitan." Umakto namang umiiyak itong si Ara at talagang sumabay pa sa kanya si Bain.

Tinawanan naman sila nina Ezekiel at Dwayne samantalang ako ay gusto ko na silang hampasin.

I noticed my drastic changes din naman at pinipilit ko namang hindi lagi maging mainitin ang ulo pero ang hirap. Parang lahat nalang yata kinagagalitan ko ka-agad.

Para bang ini-impluwensyahan ako ng demonyo na laging magalit kung kani-kanino. I'm becoming a real brat na dati lamang ay kinagagalitan ko.

Ilang oras din kaming nagkulitan hanggang sa dumating ang oras na kailangan na naming humiwalay ni Ara dahil attend pa kami ng class ni Professor Farah.

Pagdating nga namin sa room ay marami ng tao, umupo kami sa may tabi ng bintana at kasabay nito ang pagpasok ni Miss Farah.

Nagsimula na siya ng klase at todo pakinig naman ako. Kaya nang magpa-quiz siya ay medyo nadalian ako.

Itong si Ara naman ay pasimple pa ang pag-kopya, buti nalang at never kaming sinulyapan ng propesora.

Siya na rin ang nag check ng papers namin and based on her reaction ay mukhang mababa na naman ang nakuha ng mga ka-blockmates ko.

Our Beautiful ConstellationWhere stories live. Discover now