26 - The stars get too comfortable

6.8K 173 88
                                    


26 - The stars get too comfortable

Cephues POV

"Harder!!"

"Fuck it!"

"Push it further!! Harder!!"

"Argghh!!" I groaned so loud as I twisted the vibrating steering wheel. Nasa training camp kami ngayon and obviously, I'm being trained.

Kung tutuusin ay para lang akong naglalaro sa vr with the steering wheel na kasing laki ng literal na manibela sa kotse.

Nag vibrate ito at mahirap iikot, para kang tutulak ng isang buong mount mayon. Sobrang bigat niya.

Isama mo pa iyong pressure na ibinibigay sa iyo ng mentor mo. Literal na sa exercises mo nalang ibubuhos lahat ng galit mo.

"Yes!! That's how you do it! You empress me again Salvatore!!" Hiyaw ng mentor ko matapos ang halos nakakamatay kong exercises. Hindi lang kasi braso ang ginalaw ko.

Buong katawan ay talagang gamit na gamit sa training na ito. Nag jogging, push ups, training my reflexes and etc. Lahat na ng mahihirap na exercises ginawa ko both physically and mentally.

Lambot na nga ang katawan ko.

"You're starting to make me believe you've done racing before. That is so skillful of you, you know. Walang baguhan na kayang paulit-ulit na harapin ang vr na yan" pagpuri naman niya.

Madali na mahirap ang lahat pero worth it naman. Malaki kaya ang pinasasahod sa akin ng mga Ybañez. Pinatigil ko na nga si Dad na bigyan ako ng allowance pero hindi siya sumunod sa akin.

Umuwi naman ako sa bahay na wala ng energy. Bukas ay may pasok pa, I just took an absence ngayon since hindi nga ako nakapag training noong Sunday dahil sa may pinuntahan kami nina Sianna.

Pagdating ko naman sa bahay ay natagpuan ko na naman si Hyacinth na may sigarilyong nakaipit sa kanyang bibig.

Naalala ko tuloy iyong sinabi niya about my breast.

This girl...

That is so bold of her to say that.

Syempre I refuse at medyo nagalit pa ako sa kanya kaya heto siya at parang nag rerebelde, napapadalas ang paninigarlyo.

Bahala siya, hindi ko na siya pakikialaman.

Minsan na nga lang maging caring yung tao mamanyakin pa niya.

Halikan ko yan e.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso ng kwarto. Dahil natuyuan na ako ng pawis ay naligo muna ako.

Pagkatapos nito ay saka ako nahiga sa kama at saka ay pinilit na mag relax. You know what's weird? Kahit na ilang buwan na akong nag training as racer, never sumakit ng todo ang katawan ko.

Iyong mga kasabayan ko naman na mga lalaki halos mamatay na sa training namin then ako heto at pa-easy-easy lang. Feeling ko tuloy talagang racer din ako noong past life ko.

Napangiti naman ako sa inisip kong iyon pero ang naging main reason bakit ngumiti ako ng matamis ay dahil sa nakita kong painting na ibinigay sa akin ng kapatid ni Miss Hernandez.

Our Beautiful ConstellationWhere stories live. Discover now