31 - The stars visible changes

6.6K 158 12
                                    

31 - The stars visible changes

Cepheus POV

"Intrams na bukas, papasok ka?"

"Malamang, volleyball player ako e."

Bakit kahit stress itong si Hyacinth ay ang ganda pa rin niya?

"Oo nga naman"

"Tsk! Ikaw Cepheus?"

Bakit kahit anong gawin niya parati nalang siyang maganda sa paningin ko?

"Cephues?!"

Ginayuma ba ako nito?

"Cepheus!"

"Holy shit!!" At tuluyan na akong nahulog.

Nahulog ako sa upuan ko dahil bigla nalang sinigaw ni Jezelle ang pangalan ko.

"What the fuck? Are you alright?!" Nag panic naman siya ako'y kanyang tinulungan.

"Huh? Ah okay lang, malayo sa bituka. Tumayo ako na parang walang nangyari saka ay lumingon muli sa race track at nasilayan si Hyacinth na nakasakay sa kanyang kabayo na hindi naman sumusunod sa kanya at patuloy lang ang pagkain ng damo do'n sa nakabukas na bakod.

I took an absence muna sa F1 training ko dahil medyo mahina ang katawan ko ngayon. Isang buong week kasi kaming nag practice ng basketball, minsan nga ay kinailangan pa namin mag ditch ng school subjects.

Sumama nalang nga ako ngayon sa dalawang Ybañez dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay.
Para siyang prinsesa pero hindi iyong tipo ng royalty na gusto ng prinsipe.

She looked like a fireless princess who would kill to prove that she's better than any man.

"Hoy!"

"Hoy ka din!" Automatic kong sambit nang magulat na naman ako nitong si Jezelle.

"Luh?" Gulat niyang ekspresyon.

"Sorry, ikaw kasi. Bakit ka kasi sumisigaw." I whined as I sat up and crossed ny arms. Ayaw ko kasi talaga ng sinisigawan ako.

"Tulala kana naman kasi. I know your wife is beautiful but you don't have to look so simp like dude?!!" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"I-I'm not a simp!!" Pag depensa ko naman sa sarili ko.

"Sinong niloko mo e kanina kapa nakatitig sa kanya."

"Hindi ah, nakikinig kaya ako sa inyo."

"O sige anong tinanong ko sa'yo before you fell off your chair?" Napaisip ako, I tried to recall what happened before the disaster pero walang nag sink-in sa utak ko.

Sa kahihiyan ay umiwas nalang ako ng tingin.

"I knew it... Tinatanong kita kung papasok ka Tomorrow?" Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko.

"Hindi ko pa alam"

"What do you mean you don't know? Hindi mo ba papanoorin ang asawa mo mag volleyball?" I actually wanted to watch her kaso ang bobo ng nagbigay ng schedules.

Our Beautiful ConstellationWhere stories live. Discover now