22 - The stars were fallingCephues POV
Ayoko ng nangyayari ngayon.
Gusto ko nalang magpalamon sa lupa at hindi na bumalik pa.
"So ano na? Wala ba talagang label?" Tanong ni Jezelle sa akin habang pinalilibutan ako hindi lang ng mga kaibigan niya kundi maging kaibigan ko rin.
Anong issue? Umuwi ng mas maaga itong si Hyacinth galing Korea at iniwan itong si Miss Ybañez.
Nag panic siya kaya nilibot niya ang buong korea para lang hanapin ang Montgomery na nasa piling ko na.
"Kaibigan nga" nahihiya ko namang sagot.
"Kaibigan amp!! She would never ditch an event for a friend, girlie pop." Mataray na sabi nitong si Jezelle.
"Yeah, she's right. Modeling is a serious job for her. She always took modeling very seriously. With her ditching an event for a friend doesn't really make any sense." Panggagatong ni Samuel.
"Oo nga, saka wala bang halaga sa'yo yung laplapan- EZEKIEL!!" Bumilog ang mata ni Bainsley nang kurutin siya ng binata sa waist niya.
"Bibig mo kasi. Nasa music room tayo, for pete sake" frustrated na itong si Ezekiel, kanina pa niya kasi ako pinagtatanggol hanggang sa sumuko na rin siya at hinayaan nalang akong palibutan ng mga praning na ito.
"We're friends. That's all we are. She likes me but I can't reciprocate that and she agreed to be my friend naman e. Hindi ko na mako-control kung anong gusto niyang gawin sa buhay." Dipensa ko muli sa aking sarili.
Naiinitan na kasi ako, nakabilog pa sila sa akin.
"You guys are not even in a situationshit or whatsoever?" Tumango ako sa tanong ni Jezelle.
"Oh come on!" Sabay-sabay nilang saad na parang nadismaya sa sagot ko.
Sakit lang talaga sa ulo ang dala nitong Montgomery na ito!
"Alam nyo, instead of pressuring her bakit hindi nalang natin siya intindihin? Kayo, magkakaibigan kayo diba? Siguro alam nyo na hindi talaga for relationships itong si Cephues" finally someone stood up for me!!
"Thank you, Ezekiel. I'm sorry, everyone, but just because we're married and she has feelings for me doesn't mean I'll fall for her too. I've never envisioned myself getting married to anyone." Pagtatapat ko naman.
"Oh yeah, she's kinda right. Napaka aromance nitong si Cephues and selfless when it comes to skin interaction intimacy keme." Kumunot ang noo ko nang magsalita itong si Ara.
Sa kanya naman nabaling ang atensyon ng dalawang Ybañez.
"What do you mean?" Tanong ni Jezelle.
"It means kapag magkaibigan kayo kahit tukain nyo ng tukain ang labi niya ay walang malisya pa rin ito sa kanya." Jezelle looked at me with furrowed brows, parang hindi makapaniwala at gusto pa ng confirmation sa akin mismo.
Well, that's kind of right naman on my side. Kapag kaibigan ko kasi ang isang tao at nagiging clingy sila, iniisip ko nalang na physical touch ang love language nila.
YOU ARE READING
Our Beautiful Constellation
Storie d'amore☯ FUTURE YBAÑEZ SERIES ✪ SALVATORE SERIES • Slow Burn • Unedited Cephues Salvatore, a millionaire who married a billionaire for convenience, soon discovers herself entangled in a chaotic world she never anticipated. What started as a practical arr...