32 - The stars become actual stars
Cephues POV
"Putangina dude, you never told me you joined the basketball team" oa na reaksyon ni Bain saka sinapak ako sa braso.
"Hindi ka man lang nagsasabi, muntik pa kaming hindi manood dito" saad naman nitong ni Ara.
"Ikaw ah, nagtatago kana ng sikreto sa amin" panggagatong naman ni Dwayne.
"Kung kani-kanino kasi kayo nag focus" bulong ko habang nagsusuot ng kneecap.
Kasalukuyan kaming nasa araneta, nakasuot na ako ng jersey ko at nakahiwalay sa team ko dahil kinaladkad ako ni Ara palapit sa bleachers nila.
Marami ng tao, may mga hawak pang balloons at tarpaulin para lang ipakita nila ang suporta nila sa gusto nilang team.
Medyo nagulat pa ang iba nang pumasok ako na naka jersey pero malakas naman silang nag hiyawan.
Kalaban namin ang team ni Deborah at masama niya ako ngayon tinititigan. Akala niya siguro ay masisidak niya ako.
"Team, gather na!!" Sigaw ng coach namin, tumakbo naman ako sa bench namin saka ay sumama sa pagtitipon.
Nagbigay si coach ng inspiring quotes about having fun instead of taking the game seriously pero syempre hindi ko iyon isina-puso.
"In all fairness ang pogi mo diyan" bulong nitong si Stella na nakatayo sa tabi ko. Mayroon siyang suot na Jersey na ang nakalagay ay "Kim 03".
Nag assume naman akong ang number na iyon ay para kay Ara, October 12 naman ang birthday niya.
"Anong meaning ng number mo?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin na medyo may pagka-gulat sa mukha. Umiwas din siya right after.
"Random lang... Yung sayo? 17th of April naman birthday mo diba, bakit 12?"
"Random din lang" random naman talaga. Or hindi? Saan ko ba kasi napulot ang 12 na yun?
"Pwesto na tayo!" Utos ni Coach kaya pumunta na kami sa gitna ng court at hinarap ang mga makakalaban namin.
"Break a leg, dude" saad nitong si Stella saka nagtali ng buhok ng ponytail, gano'n din naman ang ginawa ko.
Naghiyawan na ang mga manonood kaya medyo na-distract ako. Hindi ko naman ine-expect na mapunta rito sina Hyacinth dahil may laro din sila sa school.
Habang nagmamasid nga ay nasilayan ko si Professor Hernandez and Professors Sandoval na magkasama. May mga balloons silang hawak at magkaiba ng kulay.
Naka shades pa itong si Prof Hernandez at nakahalukipkip habang nakatayo which reminds me of Jennie Kim and her iconic shades during that practice dance keme.
"GO CEPHUES!!" Nangingibabaw naman ang sigaw ng mga kababaihang nasa mataas na part ng bleachers. Napangiti nalang ako ay kumaway nalang sa kanila.
YOU ARE READING
Our Beautiful Constellation
Romance☯ FUTURE YBAÑEZ SERIES ✪ SALVATORE SERIES • Slow Burn • Unedited Cephues Salvatore, a millionaire who married a billionaire for convenience, soon discovers herself entangled in a chaotic world she never anticipated. What started as a practical arr...