25 - The stars were fun to stare atCepheus POV
"Are you going somewhere?"
"Huh? Oh, I'm going to Moonsoon Academy" napatalon pa ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likuran ko itong si Hyacinth.
"Again?" Tinaasan niya ako ng kilay saks humalukipkip. Medyo kinabahan ako ng hindi ko maintindihan. Kung makatitig kasi siya ay parang may masama akong gagawin.
"Yeah, I have errands to attend to." Akala ko ay wala ng itataas iyong kilay niya, meron pa pala.
Kaya niya kayang itaas iyon hanggang bunbonan niya?
"Looking like that?" Tumaas naman ang kilay ko dahil ang taray niya ngayon.
I looked at myself and there's nothing wrong naman sa akin. I mean, I'm wearing decent clothes naman ah. Anong meron?
I'm wearing a Celine shirt with a SERIO denim jacket, denim pants and sneakers. Hindi nakatali ang buhok ko, I let it down and straight but I have a green cap na may disenyong stars na may written quotes na "Beautiful Constellation"
"What's wrong with me?"
"You're too good, people would turn their heads on you." I tilted my head, not getting her point.
"You're already viral, don't make them go crazy for you." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi lang balikat ko kundi ay buong mukha ko.
She got to be kidding me.
"What? Change it."
"No, this is what I wanted to wear." Syempre nagmatigas ako. Wala na akong damit e. I mean, marami akong damit tinatamad lang talaga ako magpalit.
Saka bakit ba tinotopak na naman siya?
Kakatapos lang namin magsimba nagiging demonyo na naman siya.
"Please, Cephues"
"Nah uh, I'm gonna go now. I don't want them to wait." Lalabas na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at ako'y pinigilan.
"What do you want?" Walang gana kong tanong pagharap ko sa kanya.
"Don't attract any other girls." She narrowed her eyes and glared at me. I just rolled my eyes.
"There's nothing I could do with that. Bye." Ngumiti ako sa kanya at kahit maliit ito ay tunay naman.
Nag BMW sedan nalang ako para hindi agaw attention. Kapag kasi nag YNGARD car aki ay baka pagtinginan pa ako.
But I lied though. I'm not really going to Moonsoon Academy, like anong gagawin ko dun e Sunday naman. Nagtungo ako sa location na ibinigay sa akin ni Professor Sandoval.
I asked her kasi kung saan nakatira si Professor Hernandez, buti nalang at binigay niya ito.
Pagdating ko naman sa bahay na sinasabi nila ay nagulat ako dahil kahit na average middle class house lang ito ay ang ganda naman.
You can't blame me though, I've never seen such a middle class house. Lumaki akong milyonarya at hindi ko pa matandaan kung talaga bang lumaki ako or pinanganak na akong malaki.
Basta nalang ako nag exist ba.
"Ay walang doorbell?" Naghanap pa talaga ako ng doorbell button pero wala kaya nag-ipon muna ako ng tapang before magsalita.
"Tao po" nakailang ulit akong nagsabi no'n hanggang sa may lumabas na dalagita.
"Ate Lazada mo!" Sigaw niya, hala siya. Naging lazada pa ako amp!
YOU ARE READING
Our Beautiful Constellation
Romance☯ FUTURE YBAÑEZ SERIES ✪ SALVATORE SERIES • Slow Burn • Unedited Cephues Salvatore, a millionaire who married a billionaire for convenience, soon discovers herself entangled in a chaotic world she never anticipated. What started as a practical arr...